Feelings For Me
Pinagtatapon ko na lahat ng bagay na naabot ko sa condo. My house is a mess. Probably my appliances are no longer functioning but that didn't help lessen the hurt I am feeling inside. My soul is depress but I don't know why.
"I'm not in love."
I keep on whispering that words to my soul. I hope she understands those words. I hope she's listening to me!
Hindi ko inalis ang tingin sa mga pole dancers na nasa stage. I am holding my cocktail and forcing myself to be entertained by their performance. Tama na ang ilang oras na pagmumukmok ko sa kwarto na puro si Calter lang ang naiisip. I need this noisy, dark and smokey club to give my soul a break.
Nilingon ko si Alice na lantang gulay nang nakahilig sa sofa. Nakailang balik na ang server para i-refill ang baso niya ng tequila. Umismid ako. Bakit kasi isinama ko pa siya dito!
Kinuha ko na ang kanang braso niya at sinampay sa balikat ko. Pwersahan ko siyang itinayo saka inakay palabas nitong club. Nakakainis pa dahil pasuray-suray ang lakad naming dalawa.
Natigilan ako nang biglang may lalaking humarang sa amin. Kung hindi ko lang hawak si Alice, nabigwasan ko na sana siya. Nagkandahirap hirap na nga ako rito tapos haharang pa siya!
"Need help?" he asked, grinning.
Nakalahad ang kamay niya, akmang aabutin si Alice para sana tulungan ako pero iniwas ko ang lasing na si Alice.
"We don't fucking need your help so get the hell out of our way!" I yelled.
He looks so surprised with my sudden burst. Itinaas niya ang kaniyang dalawang kamay na parang sinasabing hindi na niya kami hahawakan. Tumabi naman kaagad siya sa daraanan namin pero nakasunod pa rin hanggang sa parking lot.
Lumapit ako sa Ducati at hinayaang sumampay pahalang si Alice sa upuan nito. Nakatukod ang mga paa niya sa lupa habang nakabitin naman sa kabilang side ng motor ang ulo. Ang tiyan niya, nakalapat sa upuan.
Naaasiwa ako sa posisyon niya.
"Owww. You got a nice ride but it's not safe for the both of you so--"
Pinalo ko ang likod ni Alice. "We're going!" sigaw ko para tumayo na siya.
Kinusot-kusot niya ang mga mata at tumayo. Sumakay na ako sa Ducati at hinintay siyang makasakay rin.
"Hurry up!" Naiinis na sigaw ko dahil hindi pa rin umaalis ang lalaki sa gilid namin.
Gusto ko nang umalis.
Naglakad sa harapan ko ang lalaki. "I can send you two home. I have a car and it's safe--"
"Alice! Goddamn it!"
Nilingon ko si Alice at saka pa lang siya sumampa sa likuran ko. Pagkatapos, humilig siya sa akin at yumakap, walang lakas para umupo ng maayos.
Tiningnan ko ang lalaki.
"Tabi! Sasagasaan kita!" bulyaw ko.
I heard Alice chuckled. Nakasampay ang braso niya sa kanang balikat ko.
"Don't mess with my girlfriend. She's a badass." Mahina ang pagkakasabi pero tama lang para marinig ng lalaki.
Nanlaki naman ang mga mata ng lalaki bago tumabi. Sinamaan ko pa siya ng tingin bago umalis.
"There's a noodle house few blocks!" sabi ni Alice.
Kapit na kapit pa siya sa baywang ko. Hindi na tuloy ako nakapagsuot ng helmet dahil sa pagmamadali kanina.
BINABASA MO ANG
Her Final Bullet
ActionAlora Steppingstone spent 4 years practicing in shooting range, boxing ring and running field. She moved to New York when she was 14 and trained by her uncle to be a great mafia herself to avenge once she gets back in the Philippines at 18 years old...