Cabin Guests
I continue flapping my arm and feet while being carried by the water. He ran and stopped a few meters away in advance to position himself.
"Hold this shit!" he shouted, referring to the branch he's gripping.
When I'm about to pass him by, I reached the end of the branch and he quickly pulled me to the riverside. Hinang-hina akong gumapang at humiga sa lupa habang naghahabol ng hininga.
Nataranta ako nang biglang dinakma ni Calter ang kwelyo ko saka ako sapilitang pinatayo.
"Who are you!" siya na galit na galit.
Nakaluhod siya sa gilid ko at nakatungo, malapit ang mukha at nagtatangis ang panga. Wala tuloy akong magawa dahil sa sobrang panghihina. Napapapikit na lang ako sa tuwing nauubo.
Lintik! Ang sugat ko, sobrang sakit!
Inalog niya pa ako. "I said, who the fuck are you?!"
I coughed." W-What do you mean?" I asked in a hoarse voice.
Inilapit pa lalo niya ang mukha para maintindihan ko ng mabuti ang sasabihin niya. Nanlilisik ang mga mata nito. Pakiramdam ko papatayin niya ako sa kabila ng pagligtas niya sa akin.
"Why were they chasing you? Who really are you?"
I almost rolled my eyes to that. Why don't he ask those gunmen himself?
"I don't know," I whispered, closing my eyes. I'm exhausted.
His grip tightened.
"Tell me now or else!"
Oo nga pala, matigas siya pagdating sa mga ganitong bagay. Hindi siya madaling mapaniwala. Kahit totoo ang sinasabi, hinahanap pa rin niya ang sagot na gusto niyang marinig.
I look at him in a tiredly manner. "I don't know," I murmured while slightly shaking my head.
He stared at me for several seconds to check how sincere I am before he stood up and started unbuttoning his long sleeved uniform.
What the hell is he doing?!
Agad kong itinukod ang kanang siko para maiangat ang sarili sa pagkakahiga. Pinanood ko lang siya habang hinuhubad ang pang-itaas niyang damit. May suot pa rin naman siyang itim na sando.
"Sit up straight!" he ordered, blankly staring at me and waiting for me to move.
Nang napansin niyang wala akong balak sumunod, dinakot niya ulit ang kwelyo ko at hinila papaupo. Bwisit!
Yumuko siya para mapantayan ako saka hinawakan sa magkabilang dulo ang hinubad na damit at pinaikot-ikot. Parang gusto ko namang iiwas ang sarili nang simulan niyang ipulupot ang damit sa kaliwang balikat ko kung nasaan ang sugat.
Hindi ko gusto ang kaunting espasyo sa pagitan namin dalawa kaya bahagya akong lumayo.
"Stay still!" he roared.
Halatang maliit na lang ang pasensya nito dahil sa mga pangyayari. Hindi ko pinansin ang pagsigaw niya at nakipaglaban ng titigan. Wala akong pakialam kung gaano pa siya katapang.
Sa inis, padabog niyang hinila ulit ang kwelyo ko para mapalapit. I let out a soft groan to that. Kumirot bigla ang sugat ko.
Hindi na ako gumalaw pa para pahupain ang sakit. Nakaluhod ang isang tuhod n8ya habang nakalumpagi naman ako sa lupa. Habang busy siya sa ginagawa, napansin ko ang sunod-sunod na pagpatak ng tubig mula sa basa niyang buhok. Ang iba sa mga ito ay dumadaloy paibaba sa kaniyang leeg. Hindi ko tuloy napigilang igala ang mata sa malawak na balikat nito. Payat siya pero malaki naman ang biceps. Tama lang naman ang pangangatawan nito base sa kaniyang edad.
BINABASA MO ANG
Her Final Bullet
ActionAlora Steppingstone spent 4 years practicing in shooting range, boxing ring and running field. She moved to New York when she was 14 and trained by her uncle to be a great mafia herself to avenge once she gets back in the Philippines at 18 years old...
