Away
Natulala ako kay Uncle na ngayon ay nakabagsak na sa upuan. He was shot by Calter. I can't believe he just did that. Hindi ko alam kung dapat ba akong maawa kay Uncle. O dapat ko pa ba siyang tawaging Uncle after those revelations. He didn't tell the truth directly but according to him, I was an unwanted child. Kung ganoon, kinuha nila ako dahil ayaw ni Veniva Herism sa akin... bilang anak niya?
I jolted when someone pulled my arm. Natagpuan ko si Calter na hinihinila ako palabas nitong van. Hindi ko napansin na nakaikot na pala siya sa pagiging tutok ko kay Uncle.
"Get off of me!" I shouted when he's harshly pulling me out.
His jaw moved. I saw his eyes in pitch black. Talagang ipinapakita niyang galit siya.
He continue pulling me until I was out of the van. May dumating na itim na van at huminto iyon sa harapan namin. Bumukas ang pinto at niluwa noon si Mrs. Herism, followed by some men in black. Nagkalat ang mga tauhan nila sa paligid,
ready to shoot if they saw an enemy."Hija."
The warmth of her voice sends me signals that she knows who I really am. She's an enemy. I bet she already know that I'm one of the mafias they are trying to defeat. Now I understand why she's too nice to me. Maybe she knows that we are blood related or has a hunch. How would she know it anyway?
Biglang pumasok sa utak ko ang mga tagpo na naging mabait siya sa akin: noong pinaghain niya ako ng lunch sa mansyon nila at iniligtas mula sa mga sundalo noong auction party. She even called me her child that time.
Tumiim ang bagang ko. Her eyes are showing signs of happiness but at the same time, sadness. She's smiling at me but her eyebrows are narrowed. Maybe she doesn't want to freak the hell out of me that's why she's keeping herself together.
"Hija... come here," nilahad niya ang kamay sa akin, naghihintay na hawakan ko iyon.
Tinapunan ko ng tingin ang kaniyang kamay. Nakatayo lang siya katapat ng pinto. Nilingon niya ang matandang naka-fidora hat na malapit sa kaniya saka inabot ang hawak niyang baril. Pagkatapos, binalik niya ulit ang mga mata sa akin. Her eyes are twinkling in tears. Konti na lang, bubuhos na ang mga luha.
Bumalik ang mga sinabi ni Jinx sa isipan ko. Na isa akong Spencer. Na hindi ako Steppingstone. Na in love si Calter sa sarili niyang kapatid.
Tiim-bagang na marahan kong nilingon si Calter na nasa tabi ko. I found his pitch black eyes watching me. Yumuko ako.
Now I know why I was worried about him when he was captured. Why I felt pity whenever he's hurting. I felt crazy when I was tormented by the fact that he saved me multiple times and here I am, putting his life in anger. I mistaken my feelings for him in the name of love when it wasn't romantic at all. All this time, lukso ng dugo pala ang nararamdam ko para sa kaniya.
Humigpit ang hawak ko sa baril nang magsimula siyang humakbang papalapit sa akin.
"Diyan ka lang! Don't come near me!" I warned her.
Natigilan siya at binalik paatras ang kaniyang mga paa. Bumaba ang tingin niya sa baril na hawak ko. Kung totoo man ang mga sinabi ni Jinx, ayaw ko na. Pagod na ako sa lahat.
"You need to come with us, Alora. You aren't safe here!"
Kunot-noong nilingon ko si Calter. Sasama ako sa kanila? Baliw ba siya?
"Nakalimutan mo na? I'm one of them. I wasn't raised to become a traitor!"
Even though they betrayed me... I can't do the same way to them.
BINABASA MO ANG
Her Final Bullet
حركة (أكشن)Alora Steppingstone spent 4 years practicing in shooting range, boxing ring and running field. She moved to New York when she was 14 and trained by her uncle to be a great mafia herself to avenge once she gets back in the Philippines at 18 years old...