Chapter 13

95 30 5
                                    

Raining bullets

1 pm na nang makaalis ako sa mansyon nila. Nabusog ako. I would be lying if I say her cooking was bad. Hindi ko maikakailang mas masarap ang luto niya kaysa kay Yaya Tesing. But nothing will beat how caring Yaya was. I love it when she's taking care of me.

Habang nilalakbay ko ang kahabaan ng highway na ito ay may napansin akong isang itim na kotse na parang sinusundan ako. Delikado ang kalsada. Bangin kasi ang nasa magkabilang gilid at puro kakahuyan na ang nasa ibabang parte. Wala pang ibang kotseng dumadaan.

To test if the car is really following me, I slowed down. When it do the same thing too, I hurriedly pick out my phone to dial Alice's number. I'm nervous that I don't have a gun here or anything that I can use as defense. My breathe becomes heavy as Alice's number cannot be reach. I dialed again but it still the same.

A loud bang jolted me.

"Fuck it!" I blurted, gripping the steering wheel as I speed up.

Nagsimula na silang magpaputok! Tinamaan ang likod na windshield nitong kotse, basag!

Mula sa side mirror, kita ko ang reflection ng lalaking dumungaw sa bintana ng driver seat at nakatutok sa akin ang baril. May baril ding dumungaw sa kabilang bintana at sa tingin ko, marami silang nasa loob. Tumungo ako at pinagewang-gewang ang sasakyan para mahirapan sila sa pag-asinta. Mahaba pa ang daan bago makalabas sa major road. Wala akong takas dito dahil two ways lang ang kalsada, walang ibang ruta.

For the third time, I dialed Alice's number again to tell her that I'm chasing by those fucking gunmen.

"Fucking answer the phone!" I yelled out of frustration. When the number still cannot be reach, I threw the phone hard at the backseat. "Goddamn it!" I frustratingly slapped the steering wheel.

Sino ba kasi ang mga to?! Bakit nila ako hinahabol?! Hindi kaya mga tauhan ito nina Calter? Kagagaling ko lang doon! Hindi kaya nahalata akong may masamang hangarin? Shit!

Binilisan ko pa ang takbo ng sasakyan dahil halos mabunggo na nila ako. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng dibdib ko dahil sa kaba. I've never been in this kind of situation before. Pakiramdam ko kulang pa ang training na ibinigay sa akin ni Uncle dahil kung magaling akong magpatakbo ng sasakyan, ganoon din kagaling ang humahabol sa akin ngayon.

Muli silang nagpaputok at tinamaan na naman ang sasakyan ko.

"Fuck!"

Pinalis ko ang pawis na namumuo sa noo ko gamit ang likod ng palad. Air conditioned ang sasakyan pero pinagpapawisan ako ng buo. I can't deny that I am freaking scared right now, knowing that the only thing I can do is to drive fast to escape. There's no gun that I can use to defend myself!

Mabilis at maingat ang pagmamaneho ko dahil isang pagkakamali lang ay pwede akong dumiretso sa bangin. Gusto kong pakalmahin ang sarili, pabagalin ang kabog ng dibdib pero hindi ko alam kung papaano. Ilang malalim na paghinga na ang pinakawalan ko pero hindi ko maalis ang takot. I've been in a drag racing before. I won sixth times from the eleven racing tournament I'd participated so I should trust my driving skill this time.

Napatingin ulit ako sa side mirror nang mapansin kong medyo bumagal ang sasakyang humahabol sa akin. Tumigil na rin sila sa pagpapaputok. Hindi kalayuan, may napansin naman akong isa pang itim na sasakyan. Nakasunod 'yon sa kotseng humahabol sa akin. Hindi ko naman masabi kung backup ba nila iyon, magkaiba kasi ang sasakyan ng dalawa. That one is a luxury sports car, far different from the SUV right behind me.

Mabilis ang takbo ng sports car kaya nalampasan nito ang kotseng humahabol sa akin. Mabagal ang SUV. Halatang ayaw na mapansin ng sports car na may nangyayaring gulo. I took this time to speed up the car and escape, but Alice's Mercedez wasn't really that fast. Hindi pa rin ako nakakalayo sa kanila. Mukhang ayaw kasi nilang magpaputok kapag may ibang tao sa paligid.

Her Final BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon