Chapter 24

77 8 27
                                    

Crytal-like Teardrop

Pasado alas tres na nang makarating kami sa condo ko at dito na kaagad ako sa banyo dumiretso. Hinayaan ko na si Alice sa labas. She's probably sleeping on the couch by now.

Nilaro ko ang bula na nasa tub. Ilang minuto na akong nakababad dito. Tinatamad pa akong umahon dahil sa sobrang pagod.

The tranquility suddenly vanished when the door banged. Iniluwa noon si Alice na mukhang inaantok.

"U-Uy! Anong ginagawa mo?" Nataranta ako nang magsimula siyang maghubad.

"Let me use your tub too." She sounds so drained.

Nanlalaki ang mga mata na sinuyod ko ang espasyo ng bathtub. Malaki ito at mukhang magkakasiya naman kami pero ayaw ko siyang kasama rito!

"No, Alice! If you wanna get a shower, use the bathroom outside!" I told her.

Looks like she didn't hear anything because she continue dressing off. Napa-irap na lang ako at nag-iwas ng tingin nang ibaba niya ang kaniyang panty.

Naalala ko tuloy noong kababalik ko lang galing sa ospital. I was naked when she got inside here for the first time.

Kahit ayaw ko, sumampa pa rin siya sa bathtub, and we end up giggling and laughing while throwing bubbles at each other. Para kaming mga bata.

Sabay kaming lumabas ng banyo para magbihis. I lend her my pajamas and let her use my skin moisturizers. Nangialam na siya sa vanity table ko pero hinayaan ko lang.

"Sa couch ka sa labas matutulog!" sigaw ko sa kaniya nang humiga siya sa kama ko. "Hoy, Alice!" Hinila ko ang paa niya.

"Hmm!" protesta niya habang nakadapa at nakasubsob ang mukha sa unan.

Dyan pa talaga siya sa pwesto ko humiga!

"Alice, umalis ka dyan! Doon ka sabi sa labas matutulog!"

Kahit anong yugyog ko sa kaniya, parang wala lang siyang naririnig. I sighed in defeat. Nakatayo ako sa paanan ng kama ko habang tinitingnan siyang nakadapa roon. Sa kanan pa talaga na paborito kong pwesto.

Bumaba ang balikat ko.

Oo na! Sige na! Ano ba naman 'yong isang gabi na may tumabi sa akin sa kama. Hindi ko naman ikamamatay 'yon!

Pinatay ko ang ilaw at nagmartsa pabalik sa kama. Nahiga ako at naghintay kung kailan hilahin ng antok. Naalala ko pa si Calter. Kung hindi ko siya pinakain kanina, natulog sana siyang kumakalam ang sikmura.

He's an enemy. Uncle said that I should kill him once his parents are gone. Everything that are happening now are exactly what we expect for this mission. Dapat lang naman siyang pahirapan kaya bakit ko pa siya tinulungan kanina? Hindi ako nag-iisip. That was an impulsive decision. Dinamay ko pa si Alice.

Huli na dapat ang nangyari kanina. Hindi ko alam na masyado pala akong maawain. I thought I have strong emotions. Bully ako sa New York at hindi ako naaawa sa mga pinagtitripan ko.

Uncle did everything to make me strong, physically and emotionally. Sa boxing ring, hindi niya ako pauuwiin hangga't hindi sinasabi ng coach ko na lumakas ang suntok ko. Pinatayo niya pa ako sa gitna ng running field at sa ilalim ng araw for more than 3 hours nang hindi ko mapantayan ang bilis niya. Nang makita niya akong umiiyak, ginapos niya ako at pinatungan ng mansanas sa ulo. Nasa shooting range kami noon at binabaril niya ang apple na nakapatong sa ulo ko. Ilang santo na ang tinawag ko noon para lang hindi siya magkamali sa pag-asinta!

"I didn't receive a thanks from you."

Napalingon ako kay Alice nang magsalita siya. The moonlight coming from the open doors of my balcony strikes the back of her head. Umangat ang ulo niya para silipin ako. Pagkatapos ay tumihaya siya ng higa. Now, I can see her face because of the moonlight. Palagi ko na lang iniiwanang bukas ang double door ng balcony ko. Nililipad tuloy ang mga puting kurtina sa mga bintana.

Her Final BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon