Chapter 25

84 8 33
                                    

Stress Out

Umalis din si Catleya kasama ang mga tinawag niyang guards palabas. Wala na akong narinig sa kaniya pagkatapos noon.

Dinaluhan ko ang nakahandusay sa sahig na si Calter. Hindi siya gumagalaw. Nakatulala lang ang kaniyang mga mata. He's still attach to his chair, pero nagawa kong itayo siya ng maayos. Pagod na hinayaan kong bumagsak sa sahig ang katawan pagkatapos ibigay ang buong lakas sa pagbuhat sa kaniya patayo.

While panting, I gaze at him. He's blankly staring at a blank space. There's blood dripping from his nose and he just vomited blood when he was lying on the floor. Nadagdagan din ang mga sugat niya sa mukha.

He looks awful and pitiful. There's part of me wanting him to be free from here but I couldn't. I know I couldn't.

He's an enemy. Tama lang na nangyayari sa kaniya lahat ng ito. Sa huli mamamatay rin naman siya kasama ng mga magulang niya. Ang nararamdaman ko... wala lang ito. Awa lang panigurado.

I get up on my feet and tower him. I put my arms on my waist. "Nakita mo na? That's what you get if you haven't signed the document yet!"

Hinintay kong magreact siya. I waited for his sneer, his smirk, or just his glare... but it didn't come. He's just staring at the blank space as if his mind was eaten by a black hole. Sa inis ko, I pushed his forehead so he could look at me. There he did. Pero walang gumuhit na emosyon sa kaniyang mga mata.

"Alora!"

Agad akong lumingon sa pinto kung nasaan si Alice. Mabilis ang pagtaas-baba ng kaniyang mga balikat.

"What?" Humarap ako sa kaniya, tinalikuran si Calter.

Lumapit siya sa akin. "Si Blake, nagwala siya kanina. Dinakip nila si Megan para paaminin kung nasaan ka!"

I clench my eyes to think what should I do with that. Si Blake. Talagang nababaliw na siya! I blocked his number but there are unregistered numbers who are calling me right after. Napilitan pa akong magpalit ng sim card.

"Bakit kasi nagpakita kayo sa kaniya!" singhal ko.

"We didn't know they were there! Mag-aabot lang sana kami ng sulat sa guard pero nakita niya kami!"

Hinilot ko ang sintido para maibsan ang sakit ng ulo. Marami na akong iniisip, dumagdag pa ito.

"How did they get Megan? Apat na kayo roon, kasama niyo pa si Custudio, hindi niyo pa nagawang bawiin si Megan?"

She bows her head and clench her eyes. I saw her throat moved. "Hex was too strong. He fought with us using his skills in martial arts."

Nagpantig ang tainga ko at hinawakan ang kaniyang baba. Inangat ko iyon para mapatingin siya sa akin. Ngayon ko lang napansin na putok pala ang ibabang labi niya.

"You okay?" Nakakunot ang noo ko pero hindi ko napigilang maging banayad ang boses sa kaniya.

She nods. "I'm fine. We need to get Megan from them," she sounds worried.

I cleared my throat. "I know Blake. He won't do anything bad to her," I assured her.

Napansin ko ang pag-aalangan niya pero tumango rin naman hindi kalaunan.

She glance at Calter behind me. "What happened?" nanlalaki ang mga matang bulong niya.

I glance at Calter too. "He was beaten by Catleya." I shake my head. "Just go now. Humingi ka ng tulong sa ibang mga tauhan dito. Hindi ako pwedeng makipagkita kay Blake ngayon. I need to make Calter sign the paper," I explained.

Her Final BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon