Chapter 21

98 9 56
                                    

Sitting Unconsciously

"C'mon Alora. Let's dance," bulong ni Megan sa akin.

Nagpatianod naman ako sa hila niya hangggang sa makarating kami sa dance floor. Kumpleto kaming apat. Kahit si Alice, nakikisabay na rin sa indak ng musika.

Hindi ko naman ginustong um-attend sa Holloween Party na ito. Sinabi lang nilang tatlo na may plano silang gawin ngayon. Plano nilang pumuslit sa principal's office at kunin ang records ni Calter. Hindi ko alam kung para saan iyon. Kung anong magagawa ng records na iyon sa pag-usad ng mission. Aalamin ba nila ang address ni Calter? Kung ganoon lang rin pala, sa akin na lang sana sila nagtanong.

"Wag kang dumikit sa'kin!" Reklamo ko kay Jinx.

Puti ang kulay ng costume ko kaya ayaw kong mabahiran ng body paint mula sa kaniya. Kinulayan pa kasi nito ang balat ng kulay blue. Sabi niya, epektibo raw iyon para mas lalong hindi siya makilala.

Si Jinx ang nagmake up sa aming lahat. She intentionally disguised us using make ups, prosthetics and wigs. Effective naman ang balak niya dahil hanggang ngayon, wala pang tumitingin sa amin nang masama.

"Wala man lang sini-serve na alak," reklamo ni Megan.

Nakatanaw siya sa mga serbidor na puro juice drinks ang binibigay.

"May mga junior high kaya bawal," sagot naman ni Jinx.

"Grade 9 ang pinakabata rito. Pwede na magwalwal ang mga 'yon!"

Natawa si Jinx. "Gawain mo kasi!"

The quarter exam ended well last week. Pumasa kaming dalawa ni Alice sa lahat ng subject habang sina Jinx at Megan naman, bumagsak sa ibang subjects. Tuwang tuwa naman si Sir Suarez dahil halos ma-perfect ni Calter ang exam niya. Ilang Linggo na rin nang huli akong nag-tutor pero naipasa pa rin niya ang exam. Tama nga si Blake, nagsi-self study si Calter.

Napalingon ako sa likuran nang maramdaman ko ang kamay na humawak sa baywang ko. Lumapit sa tainga ko si Alice.

"Boyfriend mo." Ngumuso siya sa isang banda.

Sinundan ko ang tinuro niya at nakita ko ang kumpulan nina Blake. Nakailang pilit siya sa akin kagabi hanggang kanina na sumama ako rito. Sinabi ko kasi na hindi ako sasama. Tuwang tuwa pa siya habang pinagyayabang na magiging gwapong zombie raw siya ngayong gabi. Hindi ko kilala kung sinong movie character ang tinutukoy niya pero R raw ang pangalan nito.

Sa kumpulan nila, naroon din si Calter. Hindi nababalot ng make up ang mukha nito. Ang costume niya, bampira.

"Good evening, Herismians! Are you all having fun!?" Masiglang bati ng emcee. Student council siya. Hinula ko, isa siya sa mga nag-organize nitong party.

Naghiyawan ang mga estudyante bilang tugon. They're obviously enjoying.

The emcee chuckled, "okay, okay, hold on. The party is just heating up but we will fire it up by doing the sweet dance! Are you guys ready?"

Hindi magkamayaw sa tilian ang naging sagot ng mga tao.

The music switched to a slow romantic one and people started moving slowly, swaying with their partners. Umatras ako at tuluyan nang iniwan ang tatlong kasama sa dance floor. Bumalik ako sa table namin.

Humabol si Alice sa akin. Umupo siya sa tabi ko.

"Tired already?" she asked.

Sinulyapan ko lang siya sabay abot ng inumin. Nagpalipas kami ng ilang minuto kakapanood sa mga nagsasayawan. Tanaw namin si Megan na nakailang palit na ng parter sa sayawan. She's enjoying. Sinusulit niya ang gabing ito kung kailan walang nakakakilala sa amin.

Her Final BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon