Chapter 4

149 37 10
                                    

The Penalty

Nang makaalis siya, paulit-ulit pa rin sa utak ko ang huli niyang sinabi. Hindi ko maintindihan iyon. 

Ang lalaking iyon, he's kinda wierd.

Walang duda na isa nga siyang Spencer dahil sa ugali niya. Madali lang para sa kaniya ang manakit. Gumaganti ba siya dahil sa ginawa ko sa kaniya kahapon? Deserve naman niya 'yon, ah.

Now, I'm on the way to the Class Building. Tahimik lang akong naglalakad hanggang sa makakita ako ng tatlong lalaki mula sa malayo, mukhang may hinahanap. Oras na ng klase ngayon pero nasa labas pa sila. I shrug. Cutting din siguro. 

Nang makita ako ng isa sa kanila, bigla itong nagulat at tinuro ako sa dalawa niyang kasamahan. Mabilis naman silang lumingon sa akin. 

"Stop right there!" sigaw ng isa at dinuro pa ako. 

My lips parted as I slowdown. Many people are getting weird today. 

I paused when they start running towards my direction. Kumunot ang noo ko dahil doon. Agresibo sila kung kumilos na parang may masama silang gagawin sa akin. 

Ano bang nangyayari? Sira ba ang ulo ng mga estudyante rito?

I don't know but I feel like I have to run away from them. Kusa na yatang kumilos ang mga paa ko sa pagtakbo. Why am I running anyway? It's as if I have done something wrong when in fact I don't remember anything!

"Hey! Stop running!" sigaw pa nila.

Mas lalo ko pang binilisan. Hindi biro ang mga taon na pagtakbo ko sa running field, tinatalo ang bilis ng kotse ni Uncle.

"Hoy! Sinabi nang tumigil ka!" 

Tagaktak na ang pawis ko, hindi na maramdaman amg mga paa sa bilis ng pagtakbo. Nililipad na rin ng hangin ang skirt ko pero binalewala ko na lang iyon. 

Hindi sila tumigil sa paghabol sa akin. Lumiko ako papunta sa likurang bahagi ng Class Building. Nang makarating doon, binagalan ko ang pagtakbo para humanap ng mapagtataguan pero biglang may humila sa akin papasok sa isang pinto.

I was about to say something when whoever-it-is covered my mouth from behind. Someone dragged me in this dark and stinky room.

Then that person shifted in front of me and pinned me against the wall. Fortunately, there's a small window on the upper part of the wall that has a slit of light coming in. That made me recognized who this person is. 

"Alice?" I gasped after she uncovered my mouth with her palm. 

Pinanlakihan niya ako ng mga mata at sumenyas na tumahimik ako. My brows narrowed because of that. I am catching my breath from the intensive run but the sound coming from the outside made me hold my breathe. My heart is beating so fast as if I am chasing by a horse. 

Umingay ang yabag ng mga paa sa labas. 

"Nasa'n na 'yon?" 

"She's still around the campus. Let's find her!"

"Secure all the exits! Make sure she can't get out of this school!" sigaw ng lalaki. 

My jaw dropped and I covered my open mouth with my hand. Nang mawala ang yabag at mga ingay sa labas, saka ako nakahinga ng maluwag.

"Where have you been?" Alice's tone was hushed and her expression is so strict, as if I've done something wrong.

Ano bang problema? Ako nga dapat ang nagtatanong sa kaniya kung ano bang nangyayari. Pero teka, bakit mag-isa lang siya? Nasaan sina Jinx at Megan? 

Her Final BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon