Chapter 18

92 10 12
                                    

The Great Philosopher

Marahan kong binuksan ang pinto habang sinisilip kung nadyan pa ba siya sa labas. Nang makita kong walang bakas ng presensya niya, saka ako lumabas ng banyo.

Di gaya kanina, may kaunting linawag ng araw nang pumapasok dito sa kwarto. Maliit lang naman ang siwang ng kurtina sa malaking bintana.

Humigpit ang hawak ko sa buhol ng tuwalya habang papalapit sa damit na nakahandusay sa kama.

His king size bed is now looking neat and clean. The navy black bedsheet gives contrast to the white pillows and comforter. Iyon nga lang, nakapagpagulo lang sa hitsura nito ang mga damit na hinanda ni Calter.

Inangat ko ang white cotton t-shirt with words printed on the chest part says Givenchy Paris. Sunod ay ang black jogger pants. Oversized ang pang-itaas at sobrang haba naman ng pang-ibaba. Napangiwi tuloy ako nang maisip na magmumukha akong manang sa ganitong ayos.

Then I suddenly paused, questions to myself immediately followed.

Why am I here? Why am I doing all of these? Tama pa ba ang mga desisyon ko?

Naikuyom ko ang palad nang maalala ang sinabi ng mga matatandang mafia ng organisasyon. These are all for the plan. For the mission. Nothing else.

"I've picked out your uniform to be washed in the laundry." Calter said as I went out.

Nakaupo ito sa couch ng kaniyang sala kasama ang matandang naka-fidora hat. Wala naman sa labas pero may sumbrero pa ring suot-suot. May tatlong tasa at pagkain din sa center table. Nag-uumagahan sila.

"May kasama ka pala," nasabi ko habang papalapit sa kanila.

My brow rose up as I saw Calter staring at me intently. He doesn't even care if we notice his rude stares. Bumaba pa ang mga mata nito sa katawan ko.

Then I realized that he's probably rating me secretly in this clothes. Before I show up here, I made myself look at least presentable earlier in his room. I tucked in this large t-shirt and folded the ends of jogger pants so that I won't be stepping on it. Style ko na rin iyon para hindi ako magmukhang hanger sa laki ng mga damit niya. Kung mapipintasan pa rin niya ako sa hitsura ko ngayon, wala na akong pakialam.

Doon ako naupo sa kung nasaan ang bag ko, hiwalay sa kanilang inuupuan. Nasa pang-isahang sofa ako kaharap ang matanda habang nasa mahabang couch naman si Calter.

"Drink this before it gets warm," masuyong sinabi niya nang makabalik na sa ulirat.

Marahan niyang tinulak ang tasa gamit ang likod ng palad papalapit sa akin. Sa amoy pa lang, alam nang hot chocolate ito. Siya kaya ang naghanda?

"I'll take a shower first. The pancake is yours," he reminded before heading to his room.

Pinakatitigan ko ang tasa ng hot chocolate at platito ng pancake. Maayos ang hitsura ng mga iyon, halatang hindi siya ang gumawa.

My attention drifted away to the old man as he cleared his throat. Baka nga siya pa ang naghanda ng lahat ng ito.

"It is nice to see you again, binibini."

Ngumiwi ako sa pormal na pagbati niya.

Hindi pa rin talaga nagbabago ang pagtawag niya sa akin. Ganoon pa rin ang pakiramdam, nakakairita.

Pinakatitigan niya ako habang nakapatong ang dalawang kamay sa baston niyang nakatukod sa sahig. Nasa pagitan iyon ng nakabukang binti niya. His index finger continuously tapping the back of his left hand in the same rhythm. He looks so strict with that expression and his vibe is making me uncomfortable.

Her Final BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon