Porcelain Skin
Ilang sandali lang ng matanaw ko ang papalapit na bus. Pinara ko iyon. I looked for an empty seat but there's none. I gazed at the driver and the guy who has a lot of paper money folded between his fingers. He's standing and hanging on the bar attached to the ceiling. Ginaya ko lang ang ginawa niya. Tumayo ako sa pasilyo.
Maya-maya pa, nilapitan niya ako. "Saan ka bababa, miss?"
Saan ako bababa? Do I have to say that?
"Diyan lang."
Kumunot ang kaniyang noo. "Saang diyan lang?"
He's holding a thing that looks like a ticket. Mukha na siyang nasa 40 years old.
Bakit ba tinatanong pa niya?
"Leave me alone." Mariing sinabi ko.
Nanlaki ang kaniyang mga mata. "T-Teka. Pers taym mo ba sumakay? Mukhang mayaman ka, ah." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Sabihin mo kung saan ka bababa para masingil kita ng pamasahe mo."
Hindi ko pinahalata ang kaunting kaba. "Bababa ako sa dulo nitong biyahe." Kahit hindi ko alam kung saan papunta ito.
"120 kung sa terminal ka bababa."
Nasabi na niya ang pamasahe pero nakatayo pa rin sa gilid ko.
"Bayad mo?" nilahad niya ang kaniyang kamay.
Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kaniya dahil wala naman akong maibabayad. Naghintay siya at nang mapansin niyang wala akong mailabas, uminit na ang kaniyang ulo.
"Wala kang pambayad? Bumaba ka na kung ganoon! Sasakay-sakay ka wala ka naman palang pambayad!" Nilapitan niya iyong driver. "Pre! Ihinto mo diyan. Pababain natin 'yong kasasakay lang. Walang pambayad!"
Tumiim ang bagang ko lalo na nang magsilitawan ang ulo ng mga pasahero. I'm the only one standing here so they can easily see me.
Huminto ang bus sa gilid. Bumukas ang pinto at nakatingin na sa akin iyong kumausap sa akin kanina. The driver is now looking at me through the rear-view mirror.
"Bumaba ka na!" sigaw sa akin. "Mayaman pero wala naman palang pamasahe!"
Kumuyom ang palad ko. Dapat pala hindi ko tinapon iyong baril ko. Ang lakas ng loob ng isang 'to!
Tiim-bagang na lumakad ako palabas pero nang pababa na sana ako, may biglang nagsalita mula sa mga pasahero.
"Wait lang, manong! Ako na lang magbabayad ng pamasahe niya!"
Lumingon ako sa dulo. Nahanap ko ang pamilyar na lalaking papalapit na sa akin ngayon. Nakatingin siya sa akin.
"Sit there," he pointed the empty seat beside the aisle that I think where he sat.
Lumapit siya roon sa lalaki at nag-abot ng bayad na dapat ay bayad ko. Inabutan siya ng ticket saka bumalik sa akin. Tumaas ang kilay niya nang hindi pa rin ako naupo. Nag-iwas ako ng tingin saka bumuntonghininga. Umupo na ako sa upuan na ibinigay niya. Yumuko ako para alalahanin kung saan ko siya nakita. Sobrang pamilyar niya.
Nilingon ko itong katabi ko nang mapansin ang paninitig sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay bago tumingin sa labas ng bintana. Umusod pa siya papalayo sa akin na halos idikit na niya ang sarili roon.
I cocked my eyebrow upwards. Anong problema ng babaeng 'to?
"You forgotten me?"
Nag-angat ako ng tingin. Nahanap ko ang singkit na mga mata ng lalaking sumalo ng pamasahe ko. Nakatayo siya sa tabi ko, nakaharap sa akin. Nakasabit ang dalawang kamay sa bar at nakayuko ang ulo para tingnan ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/91645462-288-k741416.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Final Bullet
ActionAlora Steppingstone spent 4 years practicing in shooting range, boxing ring and running field. She moved to New York when she was 14 and trained by her uncle to be a great mafia herself to avenge once she gets back in the Philippines at 18 years old...