Their Mansion
"I recommend, you personally visit him at home. He usually sleeps in his condo but yesterday, he came home to our mansion."
That was what Mrs. Herism said when I went to her office after 2 days of Calter being absent. I was surprised. I never thought that she would offer home tutoring... but I guess this is the chance to gain information about them more. Hindi ko pa naman sila lubos na kilala. Hindi pa nga ako sigurado kung konektado ba sila kay Robert Spencer. Napakalabo naman kasi na isang school principal ang asawa ni Robert. Isa pa, hindi Spencer ang apelyido niya. Pwedeng hindi sila ikinasal kaya ganoon. How about Calter, though? Hindi ko pa alam kung ano ba talaga ang apelyido niya.
I quickly drove using Alice's car to the address Mrs. Herism gave. Masyadong malayo ang lugar na ito. Sa labas pa ng NCR. Bakit naman umuwi roon si Calter? Nasayang lang tuloy ang 2 days ko kay Blake sa kaka-practice namin ng jingle. Ngayong araw ang presentation namin pero hindi ako papasok sa Filipino subject.
This place is rural. I'm currently driving on a long cemented road with a lot of grass and trees on both sides. Ako lang ang bukod tanging dumadaan. Ni wala man lang akong makitang mga bahay sa paligid. I know Spencers are powerful and notorious so I understand if they want to live in an isolated place. It will keep their lives in private.
It took me an hour before I stopped in front of a huge boundery with a huge black metallic gate. There are CCTV's for navigation attached on the walls and beside the gate, there's a camera.
Ilang sandali pa ay bahagyang bumukas ang gate. Sumilip mula roon ang isang guwardya.
"Sino po sila?"
I roll down the window and stick my head out. "Alora Steppingstone."
"A-Ay kayo po pala, Ma'am. Sandali lang po!" Nataranta ang guard at may kinawayan pa sa loob.
Tumatakbong lumapit ang lima pang guards at tinulak nila ang double door gate. Pagkatapos, humilera sila sa gilid at yumuko.
"Good morning, Ma'am!" Hindi sila nagkasabay-sabay sa pagbati.
Itinawag na siguro ni Mrs. Herism ang pagdating ko.
Tinanguhan ko lang sila bago pumasok. Mahaba at malawak na driveway ang bumungad sa akin. Nahaharangan ng matataas na kulay puting pader ang magkabilang gilid ng driveway for security. Nababalutan ito ng mga wall climbing plants. Sa likod naman ng gate, may guard house doon.
Kung totoo ngang pamilya sila ni Robert Spencer, hindi dapat sila maluwag sa mga pumapasok sa pamamahay nila. I am a stranger to them. Magdadalawang linggo pa lang ako sa Herism Academy kaya paanong nagtiwala kaagad sa akin ang principal?
At the end of this long drive way, their is another drive way, a rounded one, with a fountain at the center. Katulad lang din ng sa headquarter namin. Sa likod ng fountain, naroon na ang malaking mansyon. Higit na mas malaki ito kaysa sa mansion namin.
Another set of guards approached me and led me to where I should park my car. Bumaba na ako pagkatapos.
Lumibot ang mga mata ko sa malawak na lush garden sa paligid ng mansion. Masyadong malawak na halos hindi ko tanaw kung hanggang saan ang boundery nito. Ang kabuohan ng mansyon ay talagang maganda. It's a three storey with high ceilings... I guess. It looks like an ancestral mansion.
"Sino ka?"
Isang baritonong boses ng isang matandang may hawak na baston na kakalabas lang mula sa mansyon ang sumira sa pagmamasid ko. Matangkad ang matanda. Puro itim ang suot nito mula sa fedora hat, cardigan, pantalon at boots. Mahaba ang puting buhok nito na abot hanggang batok niya, maging ang bigote, puti na rin. He reminds me of those wealthy centennial people in New York. Their outfits are the same as that and they usually hold pipe-smoking.
![](https://img.wattpad.com/cover/91645462-288-k741416.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Final Bullet
AksiAlora Steppingstone spent 4 years practicing in shooting range, boxing ring and running field. She moved to New York when she was 14 and trained by her uncle to be a great mafia herself to avenge once she gets back in the Philippines at 18 years old...