Panimula

19 3 7
                                    

DISCLAIMER

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

GRAMMATICAL AND TYPOGRAPHICAL ERRORS AHEAD.

WARNING: This story may contains vulgar, strong language, triggering scenes which may be unsuitable for some readers. If you are not comfortable with the things mentioned above, leave this story. I do not tolerate rude and disrespectful reader. YOU ARE BEING WARNED.

PS: If you are not into flawed characters and you have high expectations, better leave this story.

-

Foundation Day. Maraming estudyante ang nagtatakbuhan ngayon sa field habang kami ay nakaupo lamang sa aming booth at naghihintay ng customer. Wedding Booth kasi ang hinahandle namin at kanina pa ubos ang mga estudyanteng nagpalista para ikasal.


I sighed. 'Ganito pa rin kaya kasaya kapag senior high na kami?'


"Jo, sa tingin mo may ganito pa rin kaya sa senior high?" tanong ko sa kaibigan ko.


"Ewan?" she shrugged her shoulders.


Huling taon na yata namin 'to para makipaghalubilo sa ibang grade kapag may Foundation Day. Ang alam ko kasi ay hindi na kasali sa Foundation Day ng junior ang mga senior high, at napagtanto ko na tama 'yon dahil wala pa kaming nakikita na senior high dito sa field.


Sumimangot ako saglit ngunit agad ko rin 'yong binawi dahil malas daw iyon sa negosyo.


"Ate! Tulungan mo ako!" sigaw mula sa malayo.


Sabay kaming napatingin ni Keen sa kapatid niya. Siya pala 'yong sumisigaw at mukhang alam ko na kung bakit.


"Oh, anong ginagawa mo rito?" kunot-noong tanong ni Keen sa kapatid niya.


"Hindi ko nga alam e! Bigla na lang nila kaming hinuli at sinabi na ikakasal na raw kami!" parang bata na sumbong nito.


Napabungisngis naman ako at napatingin sa isa pang lalaking hawak ng mga kaklase ko.


"Oh, bakit dalawang lalaki ang hawak niyo? Nasaan ang mga bride natin?" takhang tanong ko sa mga kaklase ko.


Napakamot naman ng batok si Aldrin, isa sa mga kaklase ko.


"Eh, 'yun na nga e. May nagpalista kanina rito ng pangalan nilang dalawa. Bayad na 'yan kaya wala kaming nagawa." awkward na sagot nito.


"Ate! Tulungan mo kami parang awa mo na! Hindi ko isusumbong kay mama na ikaw talaga 'yung nakasunog ng palda mo nung nangialam kang magplantsa!" pagmamakaawa ni Kein.


"Aba! Magaling ka rin talaga, 'no! Sige lumayas ka na at ako na ang bahalang bayaran ang pagtakas niyo!"


Pinakawalan ng mga kaklase ko si Kein at ang kaibigan niya. Well, cute naman talaga 'yung isang lalaki na hawak nila, pwede naman na hindi na bayaran ni Keen at sa akin na lang ikasal 'yung bata.


"Kein!" tawag ko sa kaniya bago pa sila makalayo.


Sumenyas ito sa kasama niya na hintayin na lang siya ro'n at huwag na itong sumunod.


"Bakit po, Ate Khane?" magalang na tanong ng binata. Nakita kong namula pa siya ng konti. Siguro ay dahil sa sikat ng araw.


"Uhm, kaklase mo ba 'yang kasama mo?" nahihiyang tanong ko.


"Opo, kaibigan ko rin po 'yan."


"Pwede ko bang malaman kung ano 'yung pangalan niya?" tanong kong muli. Nawala ang maliit na ngiti nito sa mukha.


"Texon po, Ate Khane. Bakit po?" kunot ang noong tanong nito.


"Wala naman. Salamat!" nginitian ko siya bago muling bumalik sa pwesto ko.


"Ate Khane, 'wag kang magkakacrush diyan ha? Mas pogi naman ako diyan e!" sigaw niya.


"Siraulo!" sigaw ko pabalik.


"Jo, bawal bang ipalista ko rin ang pangalan ko tapos ikakasal ako sa iba?" kuryosong tanong ko.


"Sus, crush mo si Texon 'no? Grabe, pati bata pinapatos mo na." mapang-asar na sabi nito.


Hinila ko ang buhok niya at inirapan siya. Manang mana talaga sa kaniya ang kapatid niya.


"Kapag nahulog ka sa mas bata sa'yo, nako nako, humanda ka lang sa akin." pagbabanta ko.


"Ulol! Hindi mangyayari 'yon." pagmamayabang niya habang tumatawa.


"Kay Kein nga hindi ako nagkagusto e, dun pa kaya kay Texon na kakakilala ko pa lang." maangas na sabi ko.


"Puro kayo crush crush, maghakot muna kayo ng customer!" sermon ng president namin.


Mabilis kaming tumayo ni Keen para sundin ang utos niya. Hay, mga uto-utong estudyante, nagsasayang ng pera para sa isang fake marriage.


-
Same lang po ng pronunciation ang name ni Kein at Khane (keyn) pero if di niyo siya bet basahin ng ganon edi go lang.

Jo ang nickname ni Khane para kay Keen tapos Jhe/Je nickname ni Keen kay Khane

When I Was Saving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon