Kabanata 3

9 2 0
                                    

"Kamusta naman ang puso mo?" tanong ko sa kaibigan ko. Nandito kami ngayon sa loob ng kwarto niya at nagkukwentuhan.


"Puso pa rin." pabirong sagot nito tsaka tumawa nang mahina. "Pero, kung ang gusto mong malaman ay kung nakalimutan ko na ba si Exequiel. Hindi pa. I will never forget him. He will always be important and special to me. He has a place in my heart." she said sincerely while holding a photo. I guess it's their picture together.


Lumapit ako sa kaniya at sinilip ang litrato na kinuha niya sa ibabaw ng drawer niya. Actually, maraming mga litrato roon at kasama ang mga memories namin noong highschool kami. Nakumpirma kong tama ang hinala ko nang makita ko ang litratong hawak niya. I took that picture when it was his birthday. Exequiel was hugging her from behind while George was busy washing the dishes. Iyan 'yun time na nagchukchakan sila e.


Saglit pang tinignan ni George ang litratong iyon bago ibalik sa dati nitong pwesto at umupo na sa kama. Sumunod naman ako sa kaniya.


"Hindi mo naman talaga maiaalis 'yon. Ang gusto kong malaman ay kung handa ka na bang magmahal ulit?" pagpapatuloy ko sa usapan. Nakita kong natigilan siya at napaisip dahil sa naging tanong ko. Hindi nagtagal ay humarap ito sa akin at sumagot.


"Siguro?" hindi siguradong sagot niya. "May hinihintay lang ako. Babalikan niya raw ako e." kibit-balikat na sagot niya. Well, at least hindi niya itinanggi. At tsaka ang tagal na simula noong namatay si Exequiel pero hindi ko pa siya ulit nakikitang nakipag-date sa iba.


"Hulaan ko kung sino 'yan!" excited na sabi ko sa kaniya. Alam ko simula pa lang. Napapansin ko na 'yon noong magkakasama pa kami. Nakikita ko sa bawat ngiti, tingin, at mga kilos niya towards George. Alam kong may kakaiba pero hindi ko sila pinangunahan dahil mukha naman walang balak umamin ang lalaki.


"Oo na. Oo na. Kilalang kilala mo siya kaya huwag mo na akong asarin. Ikaw nga r'yan hindi ka nagkukwento tungkol sa lovelife mo e. If I know, baka may ex-boyfriend ka na pero hindi mo lang sinabi sa akin." mahabang litanya nito habang nakabusangot ang mukha.


"Hoy, hindi ah! Kung magkakaroon man ako ng boyfriend syempre ikaw ang unang makakaalam bago sila mama! Alam mo naman na nic-consult ko muna sa'yo lahat bago ako magdecide." tanggi ko. Mukhang nakumbinsi ko siya sa sinabi ko dahil nawala na ang nakanguso nitong labi.


"Eh si Kein, may girlfriend na ba ulit 'yon?" pagbabago ko sa usapan. Tumingin ito sa akin nang nanliliit ang mga mata at parang kinikilatis ang kilos ko. "Ano? Nagtatanong lang naman ako e." depensa ko sa sarili ko. Baka kung ano na naman ang isipin niya.


"Ikaw ha. Napapansin ko parang nagiging interesado ka na sa kapatid ko. Lagi kang nagtatanong ng mga bagay tungkol sa kaniya. May gusto ka na ba sa batang 'yon?" maliit ang mata na tanong niya. Agad akong umiling kasama ng mga kamay ko.


"Wala 'no. Natanong ko lang ako kasi diba sabi mo kagagaling niya lang sa break up. Naisip ko lang na baka may dinedate na siyang iba kasi diba nawawala siya minsan?"


"Sumasideline 'yon bilang model. May kaibigan kasi siyang photographer kaya ayun." paliwanag nito. Tumango na lang ako at iniba na ulit ang usapan.




"Multi-functional desk organizer. Tapos bilhan mo na lang din ng markers and pens." I suggested.


Inaya ako ni Kein sa isang mall para bilhan ng gift ang ate niya. Sa isang araw na kasi ang Teacher's day. He wants to surprise his ate by giving a present. Nagtanong siya ng pwedeng iregalo sa akin kaya ayun ang naisip ko.


May nakita kaming isang stall sa loob ng mall na nagbebenta noon kaya bumili na kami agad. Minimalist lang ang binili namin para magandang tignan. Bumili na rin kami ng markers and pens sa National Bookstore para sa ate niya.


Medyo hindi na awkward para sa akin ang kausapin si Kein dahil nakakasama ko siya nang madalas. Tuwing weekends lang kasi may free time si George at kung minsan ay busy pa rin siya.


"Take-out na lang tayo sa Jollibee tapos uwian na lang natin sila." wika ni Kein habang naglalakad kami papalabas sa isang department store-bumili ako ng dress para sa ate niya. Tumango na lang ako at sumunod. Medyo mahaba na ang pila nang makarating kami sa Jollibee kaya natagalan kami bago makaorder.





"Kung gutom ka na, kumain ka na habang nasa byahe." basag ni Kein sa katahimikan. Stranded kami ngayon sa traffic. Ginabi na kami. Hindi ko pa naman nadala ang kotse ko dahil biglaan naman ang pagsundo niya sa akin kanina.


Nang makaramdam ng gutom ay kinuha ko ang burger at fries sa backseat at kumain. Lumingon ako kay Kein na busy sa pagdadrive at itinapat sa bibig niya ang fries. Nakita kong nagulat siya sa ikinilos ko pero hindi ko inialis sa bibig niya ang fries.


"Kainin mo na. Susubuan na lang kita habang nagd-drive ka para hindi ka magutom." diretsong sabi ko. Lumapit ang ulo nito para abutin ang fries sa daliri ko.


Kinilabutan ako noong dumikit ang labi niya sa daliri ko. Napanganga ako nang konti bago muling bumalik sa reyalidad dahil nakataas na ang kilay nito at nagtataka kung bakit nakalahad pa rin ang kamay ko sa harapan niya. Tangina. Ang lambot ng labi.


Sinubuan ko rin siya ng burger at pinainom habang nasa byahe. Sa bahay niya na diniretso ang sasakyan at binaba na ako. Baka raw napagod ako sa byahe kaya magpahinga na raw ako. Nag-thank you rin siya sa akin sa pagsama sa pagbili ng regalo sa ate niya at may iniabot na isang paper bag. Nagpaalam na ako sa kaniya at ibinilin na ikamusta na lang ako sa ate niya at sa parents niya.


Nang makarating sa kwarto ay tinignan ko kung ano ang laman ng paper bag na iniabot niya sa akin kanina. Akala ko ay para sa ate niya lahat ng binili niya.


"You are not alone." basa ko sa title ng isa sa libro na binigay niya. "Thank you for existing." basa ko pa sa isa. Napangiti ako dahil sa nabasa. Nabanggit ko kasi noong unang linggo ko rito na nam-miss ko na sila mama at nalulungkot ako kapag mag-isa lang ako.


To. Gregorio Del Pilar
Ingat at salamat. Sana masarap ang vitamin j mo ngayon. Good night.


Natulog na rin ako pagkatapos kong maisend ang text ko sa kaniya.

-
Imbento ko lang 'yung title ng two books na ibinigay ni Kein. I don't know if they really do exist, if yes, cttro.

When I Was Saving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon