Kabanata 17

4 2 0
                                    

Tama nga kasabihan. When everything feels so right, something is wrong.


Someone called my name. Tumingin ako sa may likuran dahil doon nanggagaling ang boses. Hinanap ng mga mata ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon. She doesn't seem familiar to me. I looked up to Kein to ask if she knew the girl. Pareho kasi ng pronunciation ang pangalan namin kaya baka hindi pala ako ang tinatawag nito.


But when I saw his face, he looked furious. I saw how his jaw clenched. If looks could kill, she'd definitely die right now. Palapit nang palapit ang babae at pasama nang pasama ang itsura ni Kein. Magkakilala ba sila?


Hinawakan nito ang kamay ko nang mahigpit. Hinila niya ako papalayo sa babae-papalabas sa mall. Sinubukan kong kumawala sa hawak niya pero mas lalo itong humihigpit kapag kumakawala ako. Tumingin ako sa babae na nakasunod pa rin sa amin. Maya maya ay humawak ito sa tiyan niya na parang may iniindang sakit. Malaki na ang tiyan ng babae kaya hindi rin ito makahabol sa amin nang mabilis.


Tuluyan na itong huminto sa paghabol sa amin at sumalampak sa sahig na mukhang nanghihina.


Sinabi ko kay Kein na huminto muna siya saglit dahil baka mapaano pa ang babae at ang baby nito pero nagtuloy-tuloy pa rin ito. Kaya binigay ko lahat ng lakas ko para kumalas sa pagkakakapit niya sa kamay ko.


Mabilis akong nagtungo sa babae para tignan ang lagay nito. She's bleeding.


Tumingin ako kay Kein na nakatayo pa rin sa lugar kung saan ko siya iniwan. Humihingi ng tulong ang mga mata ko. May pagdadalawang isip man ay tumungo ito sa amin at binuhat ang babae para dalhin sa hospital.



"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" malumanay na tanong ko sa babae.


Tumango ito at nagpasalamat sa pagtulong ko sa kaniya.


Nakahiga ito ngayon sa hospital bed at nagpapahinga. Sabi ng Doctor ay ligtas naman daw ang baby niya. Iwasan niya na lang daw mastress at magpuyat.


"Nasaan ba ang pamilya mo?" tanong kong muli sa kaniya. Balak ko sanang tawagan at ipaalam sa kanila na nasa hospital siya. Hindi ito sumagot at bigla na lang nagpakita sa akin nang naiiyak na mukha. Oh... okay.


Iniba ko na lang ang tanong ko sa kaniya. "If you don't mind. Bakit mo tinatawag kanina ang pangalan ni Kein?" I asked in curiosity.


Malungkot ang mukha nito. Base sa itsura niya ay parang ilang araw na siyang hindi nakakatulog nang maayos. Maganda siya pero mukhang napabayaan ang itsura niya.


"He's-" naputol sa sasabihin nang pumasok si Kein sa loob ng kwarto at hilahin ako papalabas.


"Uuwi na tayo." maawtoridad na sabi nito sa akin.


"Teka lang. Iiwan na lang natin iyong babae doon?" nag-aalalang tanong ko.


"Oo. Binayaran ko na ang hospital bills niya."


"Hindi ba muna natin tatawagan ang kamag-anak niya para ipaalam-"


"Hindi na, Khane. We did our part as concerned citizens. Ang hospital na mismo ang tatawag sa pamilya niya para ipasundo siya. Trabaho na nila 'yon." pahayag nito.


Hindi ko maitindihan ang kinikilos ni Kein. Mukhang siyang balisa. Hindi mo maintindihan kung galit ba siya o kinakabahan. Malamig ang kamay niya pero parang gusto niyang manapok.


"Kein." I called his name. "Kilala mo ba 'yong babae?" maingat na tanong ko.


Humigpit ang hawak nito sa steering wheel. Medyo bumili nga nang kaunti ang pagpapatakbo nito pero agad niya rin binalik sa normal na bilis ng sasakyan.


"Pero kung ayaw mong sagutin ayos lang-"


"She's my ex." halos hangin na sagot nito. Pansin ko na medyo nanginginig din ang kamay nito.


I wasn't expecting that. Did I just meet his ex? Then I recall that he once told me about his ex. Seven months na mula nang maghiwalay sila. At base sa laki ng tiyan ng babae kanina mukhang nasa gano'ng buwan na rin ang pagbubuntis nito. If that's the case, does it mean that he owns the child?


"A-are you the father of her child?" kinakabahang tanong ko.


"No." matigas na sagot niya.


"How sure are you? Three years kayo diba? At seven months pa lang ang nakakalipas simula nang maghiwalay kayo. Baka habang kayo pa hindi mo alam na nabuntis mo siya." paliwanag ko sa kaniya.


Umiling lang ito nang umiling sa akin. Tumawa ito nang mahina at inilapit ang kamay sa bibig niya. Sarkastikong tumawa.


"It can't be, Khane. Malabong maging ako ang ama ng bata." tila siguradong sagot nito.


Itinigil nito ang sasakyan. Hindi ko napansin na nandito na pala kami sa bahay. Hindi na rin natuloy ang pamimili namin kanina dahil sa nangyari.


"Kein, hindi ka pwedeng makasigurado. Hahabulin ka ba niya kung hindi?" pilit kong pagpapaliwanag sa kaniya habang pinagbubuksan ako nito ng pinto. "Malay mo nagbunga pala ang pagmamahalan niyo-" pinutol nito ang sinasabi ko.


Humawak ito sa sentido niya. "Khane, hindi nga e! Hindi ako ang ama ng bata! Hindi pwedeng ako! Hindi pwedeng maging ako dahil walang nangyari sa amin! I never touched her!" malakas na sagot nito. Kitang kita mo ang pamumula ng mukha nito at ang paglabas ng ugat sa leeg niya. I was startled.


Hindi ako nakapagsalita. Huminga ito nang malalim at pilit na ikinalma ang sarili. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.


Tumingin siya sa akin at nagpaalam. "I'm sorry. I have to go. Pumasok ka na." mahinahon kaysa kanina na sabi nito. Hindi na ako nakasagot dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko. Mabilis itong pumasok sa sasakyan niya at pinaandar iyon.


Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Naaalala ko pa rin ang itsura ni Kein kanina. I can still remember how furious his eyes was. How he wants to drop the girl when we were at the mall. How he trembled when we arrived at the hospital. How his heavy his breaths were.


If he's not the father of the child, does it mean that she slept with another man while they were still together?

When I Was Saving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon