Hindi ako nahatid at sundo ngayon ni Kein dahil may photoshoot siya. Ayos lang naman sa akin dahil may sarili naman akong sasakyan.
"Sama ka sa'min mamaya." ani Sheila.
"Saan?"
"Mag-celebrate lang ng birthday ni Anthony." tukoy nito sa kasamahan namin na isa.
"Sino sino ang kasama?"
"Tayo tayo lang naman."
"Oh... okay." pumayag naman ako dahil minsan lang naman din sila mag-aya. At tsaka baka magtampo si Anthony kung bakit hindi ako sumama sa kanila.
Nang mag-uuwian ay pinauna ko na sila at sinabing may dadaanan lang ako saglit. Nakakahiya naman na wala akong regalo kay Anthony. Dumaan ako sa isang cake shop at bumili ng isang maliit na cake.
"Thank you po." sabi ko sa matandang kahera.
"Thank you rin, iha."
Tinext ko si Kein kung saan ako didiretso at kung anong gagawin ko. Sinabi ko rin na sila Sheila lang din ang kasama ko dahil baka pag-awayan na naman namin iyon.
From: Kein
anong oras uwi mo?To: Kein
hindi ko alam. uwi rin ako agad pagkataposFrom: Kein
uwi ka ng 10pmTo: Kein
sige. ingat ka pauwiFrom: Kein
take care. text me when you get homeTo: Kein
i will"Nag-abala ka pa, Khane." sabi sa akin ni Anthony nang iabot ko sa kaniya ang cake. Kakarating ko pa lang dito.
"Okay lang." nahihiyang sabi ko.
Dito lang kami sa bahay nila nag-celebrate dahil asawa niya pala ang nagsabi sa kaniya na imbitahin kami.
Pinatuloy na ako nito sa loob ng bahay nila. Pagkapasok ko roon ay nagkakasiyahan na sila. Ngumiti ako nang makita ko si Shiela pero agad din iyong nawala nang makita ko ang isang pamilyar na mukha. Zairus.
"Khane, halika rito." tawag sa akin ni Shiela. Lumapit ako nang dahan dahan sa kaniya at umupo sa tabi niya.
"K-kein, why are you here?"
"You weren't answering my phone calls! For Pete's sake, it's almost 12 o'clock at midnight! I told you to get home at 10 pm."
"My phone was dead batt. Nagkasiyahan lang kami at hindi ko na rin napansin ang oras-"
"And you're with the person that I told you to stay away from!"
"Ano? Inimbitahan siya ng katrabaho ko. Alangan paalisin ko e inimbitahan lang din naman ako?"
"Sana sinabihan mo man lang ako!"
"Paano ko sasabihin kung alam kong ganiyan ang magiging rekasyon mo? Wala naman akong ginawang masama!"
"Pero kayang kaya ka niyang gawan ng masama!"
"Sinisisi mo ba ako?"
Natahimik siya. Nag-iwas ito ng tingin sa akin. "Hindi."
"Umuwi ka na." walang ganang sabi ko. "Pagod ako."
"I'm sorry."
"Umuwi ka na, Kein. Alam kong pagod ka rin. Wala ring patutunguhan 'tong pag-uusap natin kung magkaiba tayo ng gustong paniwalaan."
BINABASA MO ANG
When I Was Saving You
Fiksi Remaja(Save Duology Book 2) After five years, Khane went back to Manila to explore and find a good job opportunity. Dito ay muli niyang nakita ang lalaking gusto niya, si Texon. Kein helped her to be close to Texon because he is friends with him. Kein is...