"Ano ba kasing ginagawa mo rito?" inis na tanong ko kay Kein nang makapasok kami sa loob ng bahay.
"I brought you food." he answered softly. Tangina naman oh! Hulog na nga ako lalo pa akong pinapahulog.
"Oh, ayun naman pala e dinalhan ka ng pagkain." singit ng pinsan ko.
Kein threw death glares at him. Tumingin naman si Josh sa akin na para bang nanghihingi ng tulong.
Ipinaliwag ko kay Kein na pinsan ko lang si Joshua at napuwing lang ako kanina. Iba kasi ang perspective niya noong nakita niya kami ng pinsan ko. Mukha nga namang naghahalikan kung nasa labas ang makakakita.
Why did I even explain to him? Ugh! I hate myself. Nagiging mahina ako pagdating sa kaniya. Lahat ng bagay na tinatak ko sa isip ko nakakalimutan ko kapag kaharap ko na siya.
"Kein!" saway ko sa kaniya. Lumambot naman agad ang ekspresyon nito nang bumaling sa akin. "Tigilan mo na nga ang pinsan ko. Kainin na natin itong dala mo tapos ay umuwi ka na rin. Kagagaling mo lang dito kanina tapos nandito ka na naman. Kulang na lang ay dito ka tumira." saad ko.
"Pwede?" I saw a glimpse of his eyes. Seryoso ba 'tong batang ito? Mababaliw na ako sa kaniya kapag hindi niya pa ako tinigilan.
"Tigilan mo ako, Kein." Umirap ako sa kaniya at ipinaghanda na sila ng mga plato.
"Ikaw Khane ha! Hindi mo sinasabi sa akin na nagpapatuloy ka pala ng boylet dito." sabi ni Joshua nang makapasok kami sa kwarto ko. Sinenyasan ko siya na hinaan lang ang boses niya dahil baka marinig kami ni Kein.
Nagpaalam ako saglit may Kein na may kukunin lang sa kwarto at isinama ang pinsan ko. Gusto pa sana nitong sumama pero sinabi kong may pag-uusapan din kami ng pinsan kong mahalaga bagay.
"Inalagaan niya lang ako. Nalasing kasi ako kagabi. Kung hindi nga dahil sa kaniya baka hindi ako nakauwi nang ligtas." mahinang bulong ko sa kaniya.
"Eh nasaan 'yong isang lalaki na ikinukwento mo?" tanong nito sa akin.
"Ewan? Hindi naman ako pinapansin no'n."
"Kung ako sa'yo... si Kein na lang ang pipiliin ko." nakangising sabi nito.
Nanlaki ang mga mata ko at tinakpan ang bibig niya. Sabi kong hinaan lang ang boses e!
"Huwag kang magbanggit ng pangalan baka marinig niya." suway ko.
"Ano? Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko kay Kein.
Umalis na ang pinsan ko. Mas nauna pa itong umalis kaysa kay Kein. Inasar pa nga ako nito bago ito umalis. Iiwanan niya na raw ako kay Kein para raw masolo ko ito. Siraulo talaga ang isang iyon kahit kailan. Kung ano-anong naiisip!
"Baka may papuntahin ka na naman na lalaki rito." saad nito.
"Ano?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Excuse me? Sinabi ko na ngang pinsan ko si Joshua." inis na sagot ko sa kaniya.
"Oo nga. Ang ibig kong sabihin baka mag-imbita ka pa ng ibang lalaki para may makasama ka." sagot nito pabalik.
Huminga ito nang malalim bago muling nagpatuloy sa pagsasalita. "Nandito naman ako, Khane. Bakit kailangan magpapunta ka pa ng iba?" medyo malungkot ang boses na tanong nito.
"Kein, hindi ka na pwedeng magpabalik- balik dito sa bahay ko. Hindi magandang tignan. At tsaka, ano naman kung magpapunta ako ng ibang lalaki? Bahay ko naman ito at pwede akong magpapunta ng kahit na sinong lalaking gustohin ko." dire-diretsong sabi ko habang nag-iiwas ng tingin.
"Bakit? Ako ba... hindi mo gusto?"
Napatawa ako nang mahina dahil sa sinabi nito. "Hindi. Alam mo naman na si Texon ang gusto ko, 'di ba?" madiin na wika ko. Pinipigilan ang sarili na mautal.
He smirked but the pain is evident in his eyes. "Si Texon pa rin?" nakangising tanong nito. Umiwas ako ng tingin. "Hanggang ngayon ba naman? Siya na nga 'yung gusto mo simula noong high school pa lang tayo." huminto ito saglit at lumapit sa akin.
"Khane, ako ba... kelan mo mapapansin?" nahihirapang tanong nito sa akin. May bahid ng sakit ang bawat salita na binibitiwan niya.
I was stunned by his question. I bit my lower lip. I can't find any word to say. I can't talk. If you only knew. If you only knew what I have been enduring all this time not to mess up things. I can't mess up, Kein. One wrong move and everything will vanish.
"I like you, Khane. Stop pushing me away. Stop walking away from me." pag-amin nito.
He took a step towards me and then he hugged me. Hindi na ako nakaalis sa pwesto ko dahil pilit ko pa ring pinoproseso ang mga pangyayari.
"Stop liking Texon. Stop mentioning his name. Stop asking me for help to be close with him." pagkatapos niyang sabihin iyon at iniangat nito ang mukha ko at pilit na hinanap ang mga mata ko.
"Start giving me attention. Gustong gusto kong makuha ang atensyon mo." malambing na sabi nito at hinalikan ako sa noo. Hulog na hulog na talaga ako.
Damn this kid! How can I stop liking Texon if I already stopped before?
BINABASA MO ANG
When I Was Saving You
Teen Fiction(Save Duology Book 2) After five years, Khane went back to Manila to explore and find a good job opportunity. Dito ay muli niyang nakita ang lalaking gusto niya, si Texon. Kein helped her to be close to Texon because he is friends with him. Kein is...