Wakas (Part 1 of 2)

3 0 0
                                    

Texon's POV


I am standing in the aisle of the church while waiting for her. We are all waiting for her to get her feet here.


Malapad ang naging pagngiti ko nang bumukas ang mga pintuan ng simbahan. Nakita kong dahan-dahan itong nag-angat ng tingin patungo sa direksyon ko.


When I met her gaze, thoughts flooded my mind. She has the most genuine and pure heart. I've been with her at her worst. I was with her when Kein wasn't around.


Kailan nga ba ako nagsimulang magkagusto sa kaniya? Noong Foundation Day ba o noong nakita ko ulit siya matapos ang ilang taon?


Hindi.


Matagal ko na siyang gusto bago ko pa man malaman na gusto siya ni Kein. Kahit alam kong hindi pwede. Kahit bawal. Kahit patago.


Matagal ko nang kilala si Kein dahil nasa iisang subdivision lang naman kami. Palagi niya akong inaayang maglaro at pagkatapos ay aayain na magmeryenda sa kanila. Hanggang isang araw may dinalang babae ang ate niya.


Unang beses ko pa lang siyang makita, nakuha na niya agad ang atensyon ko. Hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin dahil palagi siyang abala sa cellphone niya. Nasa sala lang kami habang nasa taas sila ni Ate Keen. Pasulyap-sulyap ako sa taas. Nagbabakasakaling lalabas siya.


Sa loob ng ilang taon na nakikita ko siya, ni minsan hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin.


"Saan niyo kami dadalhin? Pakawalan niyo kami." tensyonadong sambit ni Kein nang may lumapit sa amin at bigla kaming itinali.


"Pasensya na, napag-utusan lang. Ikakasal kayo." kamot ang ulong sagot ng lalaki. Base sa id lace nila ay Grade 10 na sila.


Mahina akong napatawa nang makita ang itsura ni Kein. Pilit itong nagpupumiglas pero hindi naman siya makakawala.


"Ate! Tulungan mo ako!" sigaw nito pagkakita sa ate niya. Sila pala ang naghahandle nitong booth.


Nawala ang ngiti ko nang makita ang kasama nito. Shit! Gusto kong tumakbo bigla at itago ang sarili ko. Hindi kami pwedeng ikasal! Pucha! Sa harap pa talaga ni Khane!


Kinausap ni Kein ang ate niya at binayaran nito ang pagkakapakawala sa amin. Naririnig ko ang mahihinang pagtawag ni Khane. Ramdam ko rin ang tingin niya sa akin pero hindi ko magawang tignan siya nang diretso. Ibinaling ko na lang ang paningin ko sa iba.


Dire-diresto lang ang lakad ko. Narinig kong tinawag ni Khane ang kaibigan ko pero hindi ako tumigil o tumingin man lang. Kinausap ako ni Kein at sinabing hintayin ko na lang daw siya mula rito. Mukhang may pinag-uusapan silang nakakatawa dahil nakita ko ang pagngiti ni Khane.



"Siraulo!" pahabol ni Khane nang umalis na kami.



"Hoy, Texon!" tawag nito sa atensyon ko.


Tumaas ang isang kilay ko sa kaniya.


"Ikaw, huwag kang masyasong magpapacute kapag kasama kita." inis na sabi nito.


Problema ng isang 'to?


"Pinagsasabi mo?"


"Basta! Kilala mo ba si Khane? Huwag kang titingin sa kaniya kapag nakita mo siya. Huwag ka ring ngingiti at huwag mo siyang kakausapin."


"Bakit naman?"


"Gusto ko siya." diretsong sagot nito. "Mukhang interesado siya sa'yo e. Basta kapag nakasalubong o nakita mo, huwag mo na lang pansinin." duktong niya.


When I Was Saving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon