Pakiramdam ko ay bumalik sa dati ang lahat. Nauulit ang mga pangyayari. Si Kein, palagi na siyang nasa paligid ko. Ang pinagkaiba lang ay may kasama na siyang bata ngayon.
Minsan naiisip ko na ginagawa niya na lang dahilan si Eus para pumunta rito.
"Do you wanna start again?" nang tanungin niya ako noong ay "no" ang isinagot ko.
Masyadong mabilis. Hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko. Baka nabibigla lang ako. Ayokong maging impulsive na naman sa mga desisyon ko.
Akala ko titigil na siya pero hindi. Mas lalo niyang pinaramdam sa akin ang pagmamahal niya. Hindi niya pinilit na pumayag ako bagkus ay ipinakita niya kung gaano siya kapursigido para sa akin. Hindi na siya katulad dati na ipagpipilitan ang gusto niya. Mas iniintindi niya na ngayon ang sitwasyon.
"Texon-" hindi ko pa man nasasabi ang katanungan ko ay sumagot na agad ito.
"Kung mahal mo, sagutin mo." siguradong sagot nito na animo'y tama ang hula niya sa magiging tanong ko.
"Paano kung maulit ang mga nangyari?"
"Kung natuto na kayo sa nangyari dati hindi niyo na uulitin 'yon." pahayag nito.
"Natatakot akong magkasakitan lang kaming dalawa."
"Love and trust are the foundation of your relationship. Magkakasakitan lang kayo kung hindi pa sapat ang pagmamahal niyo at tiwala sa isa't-isa. Kung mas lamang ang doubts niyo kaysa ang kasiguraduhan niyo sa nararamdaman niyo." payo nito.
"Anong date ngayon?" inosenteng tanong ko habang nasa loob kami ng kotse niya. Nasa likod ng sasakyan si Eus at natutulog doon.
"August 8. Bakit?" sagot nito habang ang atensyon ay nasa kalsada pa rin.
"August 8?" paninigurado ko.
Lumingon ito sa akin saglit at tumango.
"Edi next month, September 8, first monthsary na natin?" nakangiting wika ko.
Bigla itong lumiko at mabilis na ipinark aa gilid ang sasakyan.
"Bakit?" natatawang tanong ko.
"Anong sinabi mo?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Sabi ko monthsary na natin sa September 8." malakas na ulit ko.
Natawa ako sa reaksyon niya. Malaki pa rin ang mata nito habang nakatingin sa akin. Mukhang hindi pa nagf-function sa kaniya ang mga nangyayari.
"Ano? Hindi ka ba magsasalita? Ayaw mo-"
"Hindi! Gusto ko! Gustong gusto ko!" sagot nito at hinapit ako papalapit sa kaniya. Paulit ulit nitong hinalikan ang tuktok ng ulo ko. Naririnig ko rin ang mahihinang pagmura niya.
"Fuck! I love you!" sambit nito. Hindi pa rin ito tumigil sa paghalik sa ulo ko kaya ako na ang lumayo.
Mabilis kong tinawid ang pagitan namin ay ginawaran siya ng isang halik sa labi. Matagal bago ko nagawa ulit iyon. Hindi ko pa ulit siya nahahalikan sa labi magmula noong naghiwalay kami.
"I love your existence." sagot ko sa kaniya.
I saw his bloodshot eyes. Unti-unting pumatak ang mga luha mula sa mga mata niya.
"Fuck! I am the happiest man alive!" sigaw nito na nakapagpagising sa anak niya.
"Papa?" tawag ng bata.
Nilingon nito ang anak at may masayang ibinalita. "May mama ka na."
Mahina akong tumawa habang pinagmamasdan ang rekasyons nilang dalawa. My boys.
BINABASA MO ANG
When I Was Saving You
Teen Fiction(Save Duology Book 2) After five years, Khane went back to Manila to explore and find a good job opportunity. Dito ay muli niyang nakita ang lalaking gusto niya, si Texon. Kein helped her to be close to Texon because he is friends with him. Kein is...