Nakasabay ko si Texon sa elevator. "Good morning." siya ang naunang bumati kaya binati ko na lang din siya pabalik. Mukhang may sasabihin pa siya pero paulit ulit lang itong haharap sa akin at iiwas ng tingin habang nakahawak sa batok niya.
"Don't be shy. Ano ba 'yon?" natatawang tanong ko.
"You have something in your..." hindi mapakaling sabi nito.
Na-conscious agad ako sa mukha ko dahil doon siya nakatingin. Hiwakan ko ang pisngi ko at naghintay sa sagot niya. "In my?" nakataas ang kilay na tanong ko.
Lumapit ang kamay nito sa akin at may tinanggal na kung ano sa mata ko. "Eyes." he whispered in my face. Ngumiti ito nang matanggal ang nais na tanggalin. Saktong tumunog ang elevator, sensyales na nandito na kami sa floor namin.
Pilit akong ngumiti sa kaniya at nagpaalam na. Nang medyo makalayo na ako ay huminga ako nang malalim. Putangina. Sa lahat ng pwedeng maging dumi sa mukha ko... bakit muta pa? Sa harap pa talaga ng taong gusto ko? Pigil na pigil ang inis ko habang naglalakad patungong department.
Mabuti na lang at hindi ito alam ni Sheila dahil kung nagkataon ay baka mahampas ko siya kapag tinawanan niya ang nangyari kanina. Lahat pa naman ng bagay ay pinapakialaman nito.
Isinalampak ko ang sarili ko sa kama. Tahimik na naman. Mag-isa na naman ako. Dapat siguro maghanap na ako ng asawa para may tagabantay ako ng bahay. Nakakatakot din minsan na umuwi dahil sobrang dilim sa loob ng bahay. Naiimagine ko pa lang na may hahablot sa kamay ko kapag pinindot ko ang switch ng ilaw ay kinakabahan na ako.
Chineck ko na lang ang Facebook account ni Texon para tignan kung may bago ba siyang post at magreact sana kaso wala. Pero online siya. Ic-chat ko ba siya? Nag-iisip pa lang ako nang it-type pero imbis na iyong chatbox ang mapindot ko ay like ang nasend ko. Inipon ko lahat ng tapang ko para makapagtype at maipaliwang ang side ko.
Khane Jheloria Guizon
👍
hala. sorry. napindot ng pamangkin ko.Texius Anderson Guio
Typing...
Nakita kong typing si Texon kaya binack ko agad ang cellphone ko. Hanggang sa nakalipas na ang tatlong minuto ay wala pa rin akong nare-receive na chat niya. Pagtingin ko sa convo namin ay nawala na ang typing dito. Nagreact na lang siya ng tumatawa na emoji sa chat ko.
Ang ganda pa naman ng palusot ko. Gagi, wala naman akong kapatid dahil only child ako. Pamangkin ampota, malandi ka lang talaga.
Bumaba ako at nagluto ng pagkain dahil nagugutom ako. Hindi naman ako nakadaan sa drive-thru dahil traffic kanina at tinamad na rin ako. Ipinatigil ko na rin ang pagpapadala ni Tita araw-araw ng pagkain sa akin. Nahihiya na rin naman ako. Habang nagluluto ay naisipan kong tawagan si Kein para may itanong. Meat loaf lang naman ang niluluto ko."Anong paboritong ulam ni Texon?" tumawag ako kay Kein para lang itanong ang bagay na ito. Balak ko pa namang pag-aralan dahil mahilig akong magluto.
"Kahit ano." tamad na sagot nito mula sa kabilang linya. Mukhang patulog na ito dahil medyo paos na ang tunog ng boses niya.
"Walang specific na pagkain?" paninigurado ko. Baka may pinakapaborito siya tapos ayaw lang sabihin sa akin ni Kein.
"Wala. Hindi naman 'yon maarte sa pagkain kaya lahat paborito no'n." mahihimigan mo ang kawalan ng gana ni Kein sa pinag-uusapan namin. "Wala ka na bang iba pang itatanong?"
Nag-isip ako ng iba pang tanong pero wala na akong maisip. "Wala na." sagot ko sa kaniya. Ibababa ko na sana ang tawag ngunit nagtanong ito bigla sa akin.
"Ngayon ka pa lang kakain? Anong oras na ah?" he sounds corncerned.
"Oo, hindi na ako nakadaan sa drive-thru e. Meat loaf lang naman ang niluluto ko kaya madali lang." kaswal na sagot ko.
"Dinalhan na lang sana kita ng pagkain diyan." narinig ko pa ang buntong hininga niya bago niya sabihin ang bagay na iyon.
"Hindi na kailangan. Malaki na ako at kaya ko na ang sarili ko." pag-papaalala ko sa kaniya. Masyado kasi nila akong bine-baby porque mag-isa lang ako rito sa Manila. I'm an independent woman kaya 'no kaya kaya kong alagaan ang sarili ko.
"Sa susunod..." he sighed. Mukhang nagdadalawang isip pa ito kung itutuloy ang sasabihin niya. "Huwag ka nang magpapalipas ng gutom. Kung hindi ka makakadaan sa drive-thru sabihan mo agad ako. Alagaan mo 'yang sarili mo, ang payat mo na nga tapos hindi ka pa kumakain nang tama." pagpapatuloy nito. Sasagot pa sana ako sa kaniya pero nagpaalam na ito. "Bye na." mabilis na sabi nito bago pinatay ang tawag.
Inis na inalis ko sa tenga ko ang cellphone at tinignan ito. Ako pa talaga ang binabaan niya??? I can't even! Luto na rin ang ulam ko noong matapos ang tawag kaya kumain na rin ako. Pagkatapos ay niligpitan ko na rin at umakyat na sa may kwarto ko.
Minsan naiisip ko na bumalik na lang sa amin pero kung hindi ako umalis sa amin ay hindi ako matutong mamuhay mag-isa. Tumatanda na rin ako at sila mama kaya kailangan ko na ring maging independent. Hindi palaging nandiyan sila para alagaan ako. Kaya nga ako umalis sa amin para matuto ako na buhayin ang sarili ko tapos i-spoil lang naman ako nila Tita rito.
BINABASA MO ANG
When I Was Saving You
Teen Fiction(Save Duology Book 2) After five years, Khane went back to Manila to explore and find a good job opportunity. Dito ay muli niyang nakita ang lalaking gusto niya, si Texon. Kein helped her to be close to Texon because he is friends with him. Kein is...