Kabanata 36

2 0 0
                                    

"Kein, let me explain." kabadong sabi ko nang makita ang madilim na mukha nito. Hindi naman mukhang galit, sa halip ay mukhang disappointed ito sa akin.


"Khane." kinabahan ako nang banggitin niya ang pangalan ko. Seryosong seryoso. "Simula pa lang sinabihan na kita na huwag mong paaasahin ang anak ko." madiin na sambit nito.


"Alam ko." I said, almost a whisper.


"Alam mo?" he laughed sarcastically.


"Alam mo ba kung anong reaction niya kanina habang hinihintay ka? Ni ayaw niyang umakyat ng stage dahil hinihintay ka niya. Gusto niyang ikaw ang magsabit sa kaniya ng medalya. Kung hindi pa namin inuto ay hindi siya papayag na umakyat ng stage na wala ka." mapait na wika nito.


"Khane, kung nakita mo lang kanina kung anong itsura niya habang naghihintay sa'yo. Kung alam mo lang kung gaano siya umasa sa'yo. Hanggang sa makatulog ikaw pa rin ang iniisip niya."


Pagdating ko sa bahay nila ay tulog na raw si Thaddeus. Si Kein ang sumalubong sa akin at hindi maganda ang mukha nito. Ni hindi na nga ako pinapasok sa bahay nila. Dito na ako kinausap sa may gate.


"Nag-text ako, Kein." agap ko. Yumuko ako nang makitang lalong nagdikit ang mga kilay nito. "Tinawagan din kita pero hindi ka naman sumasagot. Nakapatay yata ang cellphone mo." pabulong na paliwanag ko.


Kinuha nito ang phone niya tinignan iyong mabuti.


"Bullshit!" nagitla ako nang mahina nitong hinampas ang gate nila.


Akala ko ay ako ang sunod nitong hahampasin kaya pumikit ako pero wala akong naramdaman.


Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at kita ko ang kalituhan sa galaw niya. Hindi ko maintindihan. Parang nalilito ito kung ano ang dapat gawin.


Dahan dahan niyang hinawakan ang buhok ko at marahang hinimas iyon. Naguguluhan man ay lumapit na lang din ako.


Idinikit niya ang mukha ko sa may dibdib niya at hinimas ang buhok ko. Naririnig ko ang pagtibok ng puso niya. Ang na nararamdaman ko kanina ay humupa na. Marahan ang bawat haplos niya sa buhok ko. Para bang natatakot na masaktan ako.


"Sorry." malambing na sabi nito habang patuloy pa rin sa ginagawa.


"Shit! Naka-airplane mode pala ako." mahina man ay narinig ko pa rin iyon. Pinigilan ko ang sarili ko na matawa sa narinig dahil baka magalit pa ito sa akin.


Naramdaman ko ang pagpulupot ng isang kamay niya sa baywang ko habang ang isa ay nasa ulo ko pa rin. Hinayaan ko ang sarili na magpadala sa ginagawa niya. Mainit ang mga braso niya at komportable ako roon. Hindi ko itatanggi na na-miss ko ito. Gusto ko talaga ng mga yakap. Gusto kong may kayakap.


"Ehem." agad akong kumalas sa posisyon namin nang marinig ang boses na iyon. Si Tito! Nakakahiya!


"Pa naman!" asik ni Kein sa ama. Ang isang kamay nito ay nakahawak sa baywang ko.


Pasimple ko iyong inaalis pero hinuli niya ang kamay ko gamit ang kamay na nasa baywang ko rin at ipinirmi iyon.


"Pumasok na kayo sa loob." aya niya sa amin. Nakita kong sumulyap ito sandali sa kamay ni Kein na nasa akin.


"Susunod na po kami." sagot ng anak niya sa kaniya.


Nang tumalikod si Tito ay marahan ko siyang siniko at pinandilatan ng mata.


"Alisin mo!" mahina ngunit pasigaw na sabi ko.


Imbis na sundin ako ay mas hinapit ako nito papalapit sa kaniya at hinalikan ako sa ulo.


"Tagal mo." pahayag ni Kein. "Nakatulog na tuloy ang anak natin." he murmured.


Sobrang hina lang noon pero narinig ko pa rin. Agad akong pinamulahan ng mukha at kinagat ang ibabang labi para pigilan ang pagngiti. Ayos ka, Kein. Nakakarami ka na.


Gusto ko lang namang makita si Thaddeus. Iyon lang ang ipinunta ko. Bakit may biglang ganito?

When I Was Saving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon