Kabanata 33

6 0 0
                                    

tw: sensitive topic about rape and harassment.
-

"Where will I start?" marahang tanong ni Kein.

"Kung saan mo gustong simulan." sagot ko. Hindi ko alam kung nakatulong ba iyon sa kaniya pero nagsimula na itong magsalita kaya, i guess, oo?

"I'm sorry." he started. When will he stop saying sorry? Sa totoo lang sawang sawa na akong marinig ang salitang 'yan galing sa kaniya.

"I know that there is no excuse for what I did to you. Alam kong napakagago ko para hayaan na kainin ako ng selos ko. I'm sincerely sorry, Khane." ramdam ko ang sensiridad sa boses niya.

"I have a choice, but if feels that I have no choice at all.." huminga siya nang malalim.

"I-I...no... my ex... she was raped." nahihirapang sabi nito. Nalilitong sabi nito. Naghahanap ng tama salita.

"She didn't cheat on me. She was f-forced to have sex with her rapist." nagbabadya na ang mga luha sa kaniyang mga mata.

Nagsimulang mamuo ang galit sa dibdib ko. Alam ko kung sino ang taong tinutukoy niya. I feel bad for her ex.

"She was diagnosed with depression. She doesn't want to keep the child, but she doesn't want to abort it either." hinawakan ko ang kamay niya para subukan siyang pakalmahin. Kita ko kasi ang panginginig ng mga iyon.

"Hindi ko nabanggit sa'yo noon pero nagka-usap kami bago pa siya manganak. Nagmakaawa siyang tulungan ko siya." tuluyan nang bumagsak ang mga luha ni Kein. I couldn't imagine how much she suffered.

"She was abandoned by her family. They blame her for being raped. Pinalayas siya sa kanila dahil isa raw siyang kahihiyan" ang kaninang luha na pinipigilan kong tumulo ay nagsimula nang bumagsak mula sa aking mga mata.

Anong klaseng magulang sila? How can they let their child suffer from the thing that she was forced to do? How can they blame a person for being raped? Hindi nila kasalanan na na-rape sila! There is rape because there are rapists! Anong klaseng utak ang meron sila?

"She was raped because of m-me." halos pumiyok na pagkakasabi nito. Ginulo nito ang buhok niya. Ramdam ko ang frustration niya.

"Tinakot siya ni Zairus na ipapakulong daw ako dahil pinagsasamantalahan ko siya. May mga ebidensya si Zairus na ipinakita sa kaniya. Believe me, hindi ko ginalaw si Ashanti kahit kailan. Hindi ko nga alam kung saan niya nakuha ang mga sinasabi niyang ebidensya." tumingin ito sa akin at tila kinukumbinsi ako na maniwala sa mga sinasabi niya.

Of course, naniniwala ako.

Kilala ko si Kein at alam kong hindi niya magagawa ang bagay na ito. Pinalaki silang maayos nila tita.

"Iyon pala at dahil ginagalaw siya ng stepfather niya. Pinangunahan siya ng takot na baka malaman iyon ng pamilya niya. Alam kasi niyang walang maniniwala sa kaniya kahit ang mismong nanay niya." nag-ngingitngit ang kalooban ko sa mga nalalaman ko.

"Nasaktan ako, Khane. Hindi ko alam... hindi ko alam na may nangyayari na palang gano'n sa kaniya habang kami pa. I felt so useless. Wala man lang akong nagawa para ipagtanggol ang girlfriend ko." nanginginig ang boses nito.

Umiling ako sa kaniya. Wala siyang kasalanan. Wala silang kasalanan. 

"When we were still together, she told me that she wanted to have a child. She wanted me to be the father of her child." nang marinig ko iyon ay nasaktan ako. Nasaktan ako dahil maraming bagay ang nawala sa kanila. Kung hindi siguro nangyari 'yon ay baka masayang pamilya na sila ngayon. Hindi ko sana siya mamahalin.

"Khane, I was so lost at that time that I couldn't tell you. Ayokong makadagdag pa sa mga iniisip mo. Alam kong sobrang toxic ko noon pero hindi ko kayang mawala ka. Mahal na mahal kita." pag-amin nito.

"You made me feel that I was special. You made me feel that I was enough and there was nothing to doubt about myself. Even if it hurts you, you always considered my feelings to that point, and I didn't know that I was becoming a monster. Lahat ginawa mo para sa akin pero kahit isa... wala man lang akong nagawa para sa'yo."

Umiling ako. Paano niya nagawang kayanin lahat ng iyon? Paano niya nagawang itago sa akin? Kaya pala... kaya pala pakiramdam ko nawawala siya kahit nasa harapan ko lang siya. Kaya pala pakiramdam ko lumalayo na siya. Wala man lang akong nagawa. Wala man lang akong nagawa para sa kaniya.

"Gulong gulo na ako that time. Dumagdag pa ang kaba ko dahil nasa paligid mo lang si Zairus. Hindi kita maiwan pero nag-aalala rin ako sa bata kaya minsan ay nawawala ako."

Tumango ako sa kaniya. Naiintindihan ko.

"Dahil sa pakiusap niya I owned the child, but after that day, she took her own life." kumalas ako sa pagkakahawak kay Kein at napahawak sa aking bibig.

No...

"Nag-usap pa kami, Khane. Pinag-usapan pa namin kung paano palalakihin ang bata. Ang sabi ko papayag akong sumalo sa lahat ng gastusin dahil gusto kong lumaki ang bata na maayos. I didn't know it would be the last time that I would see her alive. Kung alam ko lang edi sana... sana hindi ako umalis sa tabi niya." sinubukan kong hawakan ang mukha niya pero parang napapaso ako. Parang kasalanan na hawakan ko siya.

Hindi ko alam pero sinisisi ko ang sarili ko. Siguro kung inintindi ko pa siya hindi siya mahihirapan. Hindi niya sana pagdadaanan ang lahat nang mag-isa.

"I'm sorry kung hindi kita nasundan... Nagsabay-sabay na kasi lahat e. Hindi ko na alam kung anong uunahin ko." tila bata na nagsusumbong ito sa akin.

"Walang mag-aasikaso ng burol ni Ashanti. Walang magbabantay sa bata. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kila Mama." tumingin siya nang diretso sa mga mata ko.

"Siguro... karma ko 'to. Kasalanan ko ang lahat. Kasalanan ko kung bakit nangyarin 'yon sa kaniya." sisi nito sa sarili habang sinusubukang sabunutan ang sarili. Pinigilan ko siya na gawin ito at ikinulong sa mga braso ko.

"I-I'm sorry." hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para masabi iyon. Ang tanging salita na lumabas sa bibig ko.

Sorry para saan? Para sa mga nangyari sa kanila na hindi nila deserve o para sa mga taong gumawa sa kanila ng kasalanan pero hindi nagawang humingi ng tawad?

Inosente sila. It was the rapist's fault. Siya lang at wala ng iba pa. Wala ng iba pang dapat sisihin sa kasalanan na hindi naman nila ginawa.

When I Was Saving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon