"Kumain ka na ba?" malambing na tanong ko kay Kein nang makapasok kami sa loob ng bahay.
Hanggang ngayon ay nakabitin pa rin ako sa kaniya at yakap yakap niya pa rin ako. Parang ayoko na siyang pakawalan dahil baka mawala na naman siya. All I want to do is spend this whole day with him.
After I learned about his past, I told myself that I would be that person who would treat him right. I will not let the past repeat itself. I want to create new happy memories with him so he can forget about his past. He had enough. Tama na 'yon. He doesn't deserve it.
"Ipagluluto mo ba ako?" nakangiting tanong nito. Tumango ako sa kaniya habang nakangiti. Pinagkaabalahan ko ang buhok niya. Inaayos ko kahit na maayos naman talaga ito.
"Huwag na lang pala. Ganito na lang tayo." saad nito. Napatingin naman ako sa mga mata niya at napakagat sa labi ko. I can see the sparks in his eyes. Maayos na kaya talaga ang lagay niya? Hindi na kaya ulit siya aalis nang walang paalam?
"Anong gusto mong gawin natin?" umiwas ako ng tingin sa kaniya at pinagsaklop ang mga kamay namin. His hands are huge. Nanliit tuloy bigla ang kamay ko. Sakto lang naman ang height ko pero maliit ang mga daliri at kamay ko.
"I want to cuddle with you all day." hinawakan nito ang baba ko ay hinarap ang mukha ko sa kaniya. "I miss you." he then kissed my nosebridge down to my lips. Tangina! Paano niya nagagawang hindi kiligin sa ikinikilos niya?
"Nakakarami ka na ah!" hinampas ko ang dibdib nito at kunwari'y naiinis sa kaniya.
"Dadamihan ko pa 'yan lalo mamaya." pilyong sagot nito sa akin.
Hindi kami umalis sa gano'ng posisyon. Nasa sofa lang kami at nakayapos pa rin sa isa't-isa. Kinulong ko ang mukha ko sa dibdib niya. Pumikit ako at dinadama ang pagkakataon na ito. Kahit kinikilig ako sa aming dalawa ay kalmado lang ang puso ko. Hindi sobrang lakas ng kabog.
"Khane, gusto mo pa ba si Texon?" diretsong tanong nito. Hindi ako sumagot sa kaniya at mas lalong ikinulong ang mukha ko sa dibdib niya. Siraulo. Abnormal. Kailangan pa ba niyang itanong 'yon? Ang ganda ganda ng atmosphere tapos bigla siyang magtatanong ng bagay na ikakasama ng loob niya.
"Ano? Hindi ka makasagot 'no? Siguro gusto mo pa siya tapos nagtitiis ka lang sa akin kasi hindi ka niya gusto." nagtatampong sabi nito at tinanggal ay yakap niya sa akin. Bahala ka sa buhay mo. Siraulo ka.
"Gusto mo na ba ako?" tanong niya ulit. Gagi, ang lakas ng tibok ng puso niya. Nararamdaman at naririnig ko dahil nakadikit ang mukha ko sa kaniya. Umiling ako sa kaniya habang nakadantay pa rin ang ulo sa dibdib niya.
Ibinaba ako nito sa sofa at tumayo siya. Mukhang aalis na siya dahil sa may pinto ang tungo nito.
"Oh? Saan ka pupunta?" seryosong tanong ko. Noong high school ako ay lagi akong napipili sa grupo namin na umarte. Magaling kasi ako sa pag-arte dahil maarte rin naman ako.
"Uuwi na."
"Hindi lang kita gusto, uuwi ka na agad?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Eh sa hindi naman talaga kita gusto. Anong magagawa mo? Pipilitin ko ang sarili ko?" dugtong ko.
Mas lalong sumama ang mukha nito. Pinaghalong sama ng loob at hinanakit ang sinisigaw ng itsura niya.
"Hindi kita gusto, Kein." wika ko. Hinawakan na nito ang doorknob at pinihit iyon upang bumukas. "Mahal na yata kita." pag-amin ko.
Nakita kong lumuwag ang hawak nito sa doorknob. Tumigil man ito sa paggalaw ay hindi pa rin ito lumilingon sa akin. Nakita kong namula ang leeg at tenga nito. Kitang kita ko rin ang pagkagat nito sa loob ng pisnge niya para pigilan ang sarili na ngumiti.
"Ano? Bakit nakatayo ka lang diyan? Akala ko ba you want to cuddle?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kaniya.
Dahan-dahan itong humarap sa akin pero hindi pa rin lumalapit. Nakipagtitigan ako sa kaniya pero umiiwas siya ng tingin. Parang sasabog na 'yung puso ko sa saya pero pinipigil ko lang. Mamaya ko na ilalabas kapag umalis na siya.
Ako na ang tumayo at pumunta sa kaniya. Isinarado ko ang pinto at lumambitin ulit sa kaniya. Sinuportahan nito ang likod ko at dahan dahang naglakad pabalik sa couch.
"Kein." tawag ko sa pangalan nito habang busy na laruin ang kamay niya. "Panindigan mo 'yong nararamdaman ko sa'yo." saad ko at tumingin sa mga mata niya.
Kinuyom nito ang palad niya kaya nakulong doon ang daliri kong naglalaro kanina.
"Kanina ka pa, Khane. Nakakarami ka na." umigting ang panga nito at pinag-isa muli ang mga labi namin.
His kisses became deeper. His tongue was wandering inside of my mouth. Gusto kong matawa habang ginagawa namin iyon dahil parang nageespadahan ang mga dila namin. He laid me down on the couch gently without letting go of my lips. He then bit my lower lip and went down to my neck. Pagkatapos noon ay hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko bago ako muling dinampian ng halik sa labi ko.
I suddenly want to cry. Even though we were kissing, he never touched any of my private parts. I know that it's not a big deal, but it matters to me. Hindi pa rin ako handa para doon.
"I love you." he told me.
I smiled genuinely at him as I held his face.
"I love your existence." I replied.
He's the bravest to have the courage to face his ex. He's brave enough to prevent himself from breaking down in front of her. I salute him because he never laid his fingers on her. He never threw bad words at her when we met. He even paid for her bills, though she cheated on them.
I literally spent my whole day with him. Gusto kong makabawi. Kung kaya ko lang burahin lahat ng pangit na alaala niya ex niya ay ginawa ko na.
BINABASA MO ANG
When I Was Saving You
Jugendliteratur(Save Duology Book 2) After five years, Khane went back to Manila to explore and find a good job opportunity. Dito ay muli niyang nakita ang lalaking gusto niya, si Texon. Kein helped her to be close to Texon because he is friends with him. Kein is...