Kabanata 25

5 1 0
                                    


tw: sexual harassment, rape

Sumama ako kay Sheila sa bar noong niyakag nila ako. Susulitin ko na ito dahil mukhang hindi na ito mauulit pa.


Umalis ako saglit sa dancefloor nang makaramdam ng pagsusuka. Itinulak ko ang mga taong nasa dinaraanan ko at nagtungo sa cr. Dumuwal ako sa may sink at inayos ang sarili ko paglabas. Pumunta ako sa may rooftop para magpahangin at alisin ang pagkalasing sa sistema ko.


"Where are your friends?" tanong ni Zairus.


Pumunta ito sa tabi ko at umupo. Umusog ako nang kaunti para hindi magdikit ang mga balat namin. Ano bang pakialam niya?


"Kayo pa ni Kein?" muling tanong nito. Umiling ako sa kaniya at nilagok ang tubig na dala ko.


Hindi na siya nagsalita muli at nilamon kami ng katahimikan. Tumayo ako para umalis na sana pero pinigilan nito ang kamay ko. Kumunot ang noo ko sa kaniya at pilit na hinahablot pabalik ang kamay ko pero mas malakas siya sa akin.


"Ano ba? Bitawan mo ang kamay ko!" inis na sabi ko.


Kita ko ang pagbabago ng mukha nito. Mula sa kaninong inosenteng ayos nito ay nagbago iyon at naging nakakatakot. Nakaramdam ako ng takot nang ngumisi ito at lumapit sa akin.


Hinapit niya ang katawan ko papalapit sa kaniya at sinunggaban ang labi ko ng halik. Itinulak ko siya papalayo pero isinandal niya ako sa pader para maipit ako at hindi makapanlaban.


Unang pumasok sa isip ko si Kein. I-I'm sorry, Kein. I should've listened to you. Parang bata na gusto kong magsumbong sa kaniya sa mga oras na iyon.


Sinuntok nito ang tiyan ko nang balakin kong tuhudin ang ari niya. Iniwas ko ang mukha ko para iwasan ang mga halik niya pero sinabunutan niya ako para maharap ko siya.


Pumikit ako at nagdasal na sana ay may dumating para iligtas ako. Agad kong narinig ang pagbukas ng pinto sa rooftop at nakita ang isang pamilyar na pigura.


"Tanginamo! Gago ka!" gigil na gigil na sabi ni Texon nang hilahin papalayo sa akin si Zairus.


"Wala ka talagang pinagbagong demonyo ka! Ginawa mo noon, inulit mo pa ngayon! Tanginamo! Mamatay ka na!" patuloy ito sa pagsuntok kay Zairus. Nakita kong dumating din si Sheila. Gulat na gulat ito sa nadatnan at agad akong pinuntahan.


Iniwan nila ang katawan ni Zairus doon at binuhat ako ni Texon papalabas sa lugar na iyon. Habang nasa sasakyan ay wala akong ginawa kundi umiyak nang umiyak. Doon ko narealize na baka ganito rin ang sinapit ng ex ni Kein. Na baka hindi niya ginustong magloko pero wala siyang choice? Na baka tinakot lang din siya ng demonyong si Zairus para gawin ang bagay na ayaw niya?


Hindi ako iniwanan nila Sheila hanggang hindi ako nakakatulog kaya nagpanggap akong tulog para umalis na sila. Pinakiusapan ko rin silang dalawa na huwag na itong ipaalam kahit na kanino. Natatakot ako. Hindi ko kayang sabihin kila mama. Hindi ko kayang sabihin kahit kanino. Nang maramdaman na wala na sila ay umupo ako sa kama at niyakap ang sarili ko.


Kasalanan ko ba? Ito ba ang kabayaran dahil hindi ako nakinig kay Kein? Ito ba ang resulta dahil naging self-centered ako?


Kinuha ko ang cellphone ko nang tumunog ito.


"A-anak." basag ang boses na sabi ni mama. Natakot ako. Akala ko ay nakarating sa kaniya ang nangyari. Ibubuka ko pa lang sana ang bibig ko pero nagsalita na itong muli. "Wala na ang lolo at lola mo. Iniwan na nila tayo." agad kong naibagsak ang telepono ko nang marinig iyon. Pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko. Akala ko wala nang mas isasakit pa ito pero meron pa pala. Nagkamali ako.


Ang sabi ko babalik ako para bisitahin sila. Naalala ko pa na tuwang tuwa sila noong marinig iyon dahil bagong taon pa nang huli nila akong makita. Kung alam ko lang na iyon na pala ang huling beses na makikita at makakasama ko sila na buhay ay hindi na sana ako bumalik pa sa Manila.


"Anak, sigurado ka na ba?" tanong ng aking ina matapos ang libing.


"Opo, ma. Uuwi na rin naman po si Joshua kaya may makakasama ako." sagot ko sa kaniya.


Inamin ko kay mama na nagresign na ako sa trabaho ko sa Manila. Ang akala nila ay babalik na ako sa bahay at doon na lang magtatrabaho pero hindi iyon ang isinagot ko. Doon muna ako titira sa bahay ng pinsan kong si Joshua sa Zambales. Umalis na rin ito sa trabaho niya at balak nang magsimula ng bagong buhay sa bahay na ipinagawa niya roon.


"Sige, kung talagang desidido ka na. Mag-iingat kayo palagi ng pinsan mo. Palagi mo akong i-text at tawagan para alam ko ang nangyayari sa'yo. Kapag may kailangan ka sabihin mo lang agad sa akin." naging emosyonal na si mama pagkatapos noon.


Sa totoo lang ay ayokong umalis sa tabi nila. Ayokong iwanan sila dahil kailangan nila ako pero ayoko ring maging pabigat. Ayokong makita nila na umiiyak ako dahil hindi ko na rin kayang itago ang lahat. Gusto kong sumabog sa harapan nila at umiyak na parang bata pero hindi ko na magawa dahil may iniisip din sila. Ayoko nang dumagdag pa.

When I Was Saving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon