George invited me for lunch. Actually, it was Tita's idea. I know that she misses me and I missed her food as well.
"Hello po, Tita." bati ko sa nanay nila George noong buksan nito ang pinto.
"Khane, iha, na-miss kita." niyakap ako nito nang mahigpit at pinatuloy na sa loob ng bahay nila. "Nasa taas pa si Georgina, ikaw na ang sumundo at sabihin mo ay kakain na tayo." utos nito sa akin. Tumango ako at sumunod sa utos niya.
Halos magkasing laki lang ang bahay namin at bahay nila George, magkaiba nga lang ang design pati ang mga pasilyo. Nang makarating ako sa taas nila ay tsaka ko lang naisip na hindi ko pala naitanong kay tita kung saan ang kwarto ni George. Noon kasi ay sa iisang kwarto lang sila tumutuloy ni Kein.
Pumunta ako sa harap ng dati nilang kwarto. Apat na pala ang kwarto nila. Dati kasi ay tatlo lang 'to. Sa parents nila, sa kanila tapos 'yung isa guest na parang stock room na rin.
I tried my luck. I knocked on the door and ask if there's anyone inside but no one answered me. Uh? Maybe George is still asleep? I closed my eyes before opening the door. I finally opened my eyes as I opened the door because there's someone inside. I can feel his stares.
"What do you think you're doing?" he asked as his forehead creased. For a moment, I was too stunned to speak. What the actual fuck?! He's topless and only wears boxer! So, the rumoured snake inside men's pants were real?
Dali-daling sinara ko ang mga mata ko at tinakpan ng mga kamay ko para makasigurado dahil traydor ang mga mata ko.
"Nagtanong ako kanina kung may tao ba sa loob." I defended my self. Hindi nakatingin sa kaniya.
"I'm wearing airpods. Can't you see?"
Tinanggal ko ang takip ko sa mata ko at iritang sumagot sa kaniya. Gusto ko sanang sabihin na I covered my eyes with my hands so how can I see what he wears?
"Paano ko makikita e nasa labas ako ng kwarto mo? You're dumb." sagot ko sa kaniya.
I think he finally realized that it his mistake. Tumuro siya sa gilid pero hindi nagsalita. Akala ko ay magsusuot na ito ng damit pero kinuha lang pala nito ang shorts niya.
Tuluyan ko nang sinara ang pinto at pumunta sa kwarto ni George. Sigurado akong ito na ang kwarto ni George dahil locked 'yung isang pinto. Iyon siguro ang stock room slash guest room nila.
"George, kakain na raw sabi ni Tita." katok ko sa may pinto. Sumagot ito ng "tuloy" kaya binuksan ko na rin ang pinto.
Mukhang katatapos niya lang maligo dahil may towel pa ang buhok niya. Naks! Yayamanin. May sarili na rin siyang banyo. Naalala ko dati nag-uunahan pa sila minsan ni Kein sa cr.
"Oh, bakit nandito ka? Pababa na dapat ako e. Sana nag-stay ka na lang sa sala." sabi nito sa akin habang hindi nakatingin.
"Okay lang 'no, ano ka ba!" Inayos niya muna saglit ang sarili niya bago bumaba. Kinatok niya pa ang kwarto ng kapatid niya at inaya na ring kumain pero susunod na lang daw ito.
Nang makababa kami ay tinanong kami ni Tita kung nasaan daw si Kein. Sumagot naman si George na pababa na rin daw. Ang bagal bagal daw kumilos ni Kein, pinaghihintay pa raw ang bisita. Hindi namin kasama si Tito dahil ang alam ko ay nasa trabaho pa ito.
"Kein Gregory! Ang sabi ko sa'yo ay huwag kang lalabas na nakahubad ang katawan. Nakakahiya sa bisita natin lalo na at babae pa." sermon ni Tita pagbaba ni Kein. Hindi pa rin kasi ito nakasuot ng damit. Nakasabit sa balikat niya 'yung damit na susuotin niya. I guess?
Dumiretso ito sa ref at sumagot. "It's just Khane, Ma." tukoy nito sa akin sabay inom ng tubig. Tanginang bata 'to ang hot.
"Naiinitan ka?" bulong na tanong sa akin ni George. Umiling naman ako agad sa kaniya at nagdahilan na pagkain ang sinasabi kong hot.
Siya kasi ang katabi ko tapos sa dulong gilid ng mesa ay si Tita, sa tapat ko naman si Kein. Pero... nasabi ko ba nang malakas 'yung naiisip ko?
"Aba. Umi-English ka na ngayon?" patuloy na panenermon sa kaniya ni Tita.
"Sus, nakita niya na naman 'to." sagot nito at nagbihis na bago umupo sa upuan niya. Lintek na bata 'to, talagang dinamay pa ako. Pinagalitan pa siya saglit ni Tita at sinabi na noon daw ay mga bata pa kami at totoy pa siya. Ngayon ay matatanda na raw kami.
"Nakita niya na rin nga 'to. Ang kulit." nakangising sagot ni Kein pero hindi na siya pinansin ng mama niya.
Nag-pray muna kami bago nagsimulang kumain. Si Tita na ang nag-lead ng prayer. Pagkatapos kumain ay nag-volunteer akong magligpit pero hindi pumayag si Tita. Siya na raw ang bahala doon.
Umupo kaming tatlo sa may sofa. Sa gitna namin ay si George, bale nasa magkabilang dulo kami ng kapatid niya. Nagulat ako nang biglang tumayo si George na tila ba may biglang naalala. Akala ko naman bubuksan niya ang T.V. nila para makapanuod kami.
"Kayong dalawa..." tukoy niya sa amin ng kapatid niya tapos palipat lipat pa ng turo ng daliri niya sa amin. "Kelan 'yon?" tanong nito.
Napatingin ako kay Kein dahil clueless ako sa tanong ng ate niya.
"Tanong mo kay Khane, Ate. Hindi ko na kasi matandaan." sagot ni Kein na may nakakalokong ngiti habang nakahawak sa baba niya.
Kita mo? Kita mo 'tong bata na ito. Nagsasalita naman pala ng Tagalog tapos may pagka-kengkoy pa rin, pero hindi ko maintindihan kung bakit minsan ay parang CEO ng isang kompanya na sinaktan ng ex niya kaya naging cold-hearted.
"Ang ano ba, George?" baling ko naman sa Ate niya.
"Kelan kayo nagsilipan ng katawan?" dagling sabi nito. Tuluyan nang humagalpak si Kein dahil sa tanong ng Ate niya. Namula agad ang mga pisnge ko dahil sa pagkakapahiya. Nahihiya na rin ako para kay George dahil ang laswa ng tanong niya. At tsaka, hindi ako nagpakita ng katawan ko 'no! Si Kein lang!
Umiling na lang ako at sinabi na dati pa ang tinutukoy ni Kein. Mukhang hindi ito kumbinsado sa naging sagot ko dahil nanliit ang mga mata nito sa akin pero hindi na naman siya ulit nagtanong pa.
BINABASA MO ANG
When I Was Saving You
Novela Juvenil(Save Duology Book 2) After five years, Khane went back to Manila to explore and find a good job opportunity. Dito ay muli niyang nakita ang lalaking gusto niya, si Texon. Kein helped her to be close to Texon because he is friends with him. Kein is...