"Wow, ang galing naman ng baby boy ko." sabi ko sa kabilang linya.
"Baby boy huh." dinig ko asar ni Kein.
Ibinida sa akin ni Eus ang nangyari kanina sa eskwela. Very good daw siya sa Teacher niya dahil mabilis daw siyang magbasa. Marami raw siyang tatak na very good. Tuwang tuwa rin naman ako para sa kaniya.
"Shut up, Kein." mataray na litanya ko dahil alam kong nakaloud-speaker naman ang cellphone niya.
Narinig ko ang mahinang halakhak nito. "Tapang."
Hindi ko na siya pinansin at hinintay na lang ang pagsasalita ni Thaddeus.
"Kailan ko po kayo ulit makikita? Miss ko na po kayo." may lungkot na tanong ni Eus.
Sanay na ako kay Eus. Halos araw-araw ay kausap ko siya. Noong una ang nagulat pa ako nang tumawag si Kein sa akin pero nang malaman ko ang dahilan ay nakasanayan ko na rin. Mas mabuti na rin siguro 'to kaysa makita ko si Kein nang harap-harapan. Nakakahiya. Baka isipin niya nakikihati pa ako sa atensyon ng anak niya.
"Titignan pa ni Tita. May trabaho kasi rito si Tita kaya hindi siya pwedeng umalis." paliwanag ko sa bata.
"Ganoon po ba? Sa graduation ko po ay pupunta kayo?"
"Oo naman!" mabilis kong sagot. Hindi na pinag-isipan.
"Talaga po?" masayang tugon niya.
"Texon naman! Sinabi ko na sa'yo, di ba? Hindi ako pwedeng mag-over time ngayon." pakikipagtalo ko.
"Nagka-emergency 'yung papalit dapat sa'yo. Kailangan kita rito." pakiusap nito.
"Pero nangako na ako sa bata. Maghihintay 'yon sa akin!"
"Maiintindihan naman siguro ni Thaddeus kung mal-late ka ng kaunti." kumbinsi niya.
Sa huli ay wala akong nagawa kundi ang sumunod sa sinabi niya. Nasayang lang ang oras na nagtalo pa kami. Kasi naman! Beforehand nagsabi na agad ako tapos biglang magkakaganito.
Nagtext ako kay Kein na medyo mal-late ako dahil nagkaroon ng emergency sa trabaho ko. Hindi naman ako nakareceive ng reply mula sa kaniya. Siguro ay naghahanda na sila papunta sa eskwelahan dahil hapon gaganapin ang graduation nila.
"Una na ako, Texon." mabilis na paalam ko sa kaniya sabay takbo sa parking lot.
Hindi na rin ako nakapagpalit ng suot dahil sa pagmamadali. Sigurado akong nagsisimula na iyon at baka wala na akong abutan pero nagbakasakali ako na kahit man lang patapos na ay makaabot ako.
"Bwiset!" inis na bulas ko sabay hampas ko sa manibela. Traffic pa.
Ang alam ko ay 3:00 pm ang start ng graduation nila. Tumingin ako sa orasan at nakitang alas sais pasado na. Wala pa ako sa Manila. Sobrang bagal nang usad ng mga aasakyan.
Tumingin ako sa labas at lubog na ang araw. Lintek na Texon kasi 'yan. Lagpas alas kwarto na ako pinalabas!
Kinuha ko ang cellphone at sinilip kung may text na ba galing kay Kein pero wala pa rin. Palow-batt na rin ang cellphone ko.
Calling Kein...
Sinubukan kong kontakin ang number nito pero wala namang sumasagot. Unattended ang number niya. Ilang beses kong kinontak pero wala pa ring sumasagot. Balak ko sanang tawagan si George pero biglang nagshut-down ang phone ko.
Luh? Nananadya ka ba talaga?
Wala na akong nagawa kundi ihagis ang phone ko sa kabilang upuan. Wala pa naman akong dalang charger! Nang umusad ang mga sasakyan ay mabilis akong nagmaneho.
Bwiset na buhay 'to! Nang nagpaulan siguro ng swerte ay mahimbing ang tulog ko. Wala man lang nagtangkang gisingin ako.
Kasalanan 'to ni Texon e. Sana pala ay isinama ko ang lokong iyon. May balat ata siya sa pwet. Sana ay may nahiraman ako ng phone para makontak sila Kein.
Problema ko pa tuloy ngayon ang pagc-charge. Siguro ay makikisaksak muna ako saglit sa kanila pagdating ko roon.
BINABASA MO ANG
When I Was Saving You
Teen Fiction(Save Duology Book 2) After five years, Khane went back to Manila to explore and find a good job opportunity. Dito ay muli niyang nakita ang lalaking gusto niya, si Texon. Kein helped her to be close to Texon because he is friends with him. Kein is...