I received an email from the publishing company that I applied to as an editorial assistant. I saw their post and I heard a lot of good feedback from them. Start na ng work ko next week. Kaya nang magsabado ay namili ako ng slacks, blouse, dress, heels, etc. na magagamit ko sa work ko. Namili na rin ako ng stocks na halos lahat ay can goods para easy to cook lang.
"Oh, kaya pa today?" tanong ng isa sa kasamahan ko rito sa trabaho. She's nice, tho.
"Kakayanin. Ginusto ko 'to e." medyo pagod na sabi ko. Kanina lang ay fresh akong pumasok pero ngayon ay stressed na.
Tawag dito, tawag doon. Photocopy rito, photocopy roon. Hindi ako makagawa nang isang pasadahan lang dahil palagi akong ipinapatawag ng senior ko. Syempre kailangan kong sumunod para magpa-goodshot dahil baguhan pa lang alo rito. Nakakahiya naman kung tatamad-tamad ako baka tanggalin agad ako.
"Sayang, naka-leave ngayon 'yung isa nating graphic designer. Pogi 'yon, matangkad, matangos, maputi tapos amoy baby powder." sabi sa akin ni Sheila habang naghihintay kami sa copies ng pinapa-photo copy sa amin. Napatawa na lang ako nang bahagya dahil sa sinabi niya. Mukha ba akong naghahanap ng gwapo?
"Sa susunod na lang siguro." I smiled at her. I don't want to be sound rude if I told her that I am not interested in the person she was talking to.
"Bata pa 'yon. Ang alam ko nasa twenty-one pa lang ang edad niya. Naku! Hindi nagkakalayo ang edad niyo." patuloy pa rin nito. Twenty-four pa lang naman ako. Marami pa itong nakwento sa akin bago kami matapos doon. Mga experience niya, kilig moments sa crush niyang graphic designer daw. Kung crush niya naman pala bakit ipapakilala niya pa sa akin? Ano 'yon sabay kaming magffan-girl?
"Ingat po." I said politely to my seniors. Halos lahat pala kami ay nagsabi noon. Pinauna namin silang makaalis bago kami nagsisunuran. Mauuna na sana akong umuwi ngunit nagkayayaan ang mga officemate ko na magcelebrate kami sa isang kainan. Pa-welcome party raw nila sa akin. Sinubukan kong tumanggi pero mukhang hindi nila ako titigilan hangga't hindi ako sumasama kaya pumayag na rin ako.
"Sige na nga pero saglit lang tayo ah?" sabi ko sa kanila. Hindi ko rin naman sagot ang pagkain nila. Simpleng salo-salo lang namin dahil may bago na raw silang makakasama. Nagkakasawaan na raw kasi sila sa mukha ng isa't-isa kaya't good news nang mabalitaan nila na may bago na silang makakasama sa trabaho.
Nagkayayaan kami na mag-inom ng beer. Uminom kami pero kagaya nga ng sinabi ko ay kaunti lang. I'm still sober. Kaya ko pa namang magdrive. Nagpaalam na kaming lahat sa isa't-isa at nagtungo na ako sa sasakyan ko. Hindi ko na nasilip pa ang phone ko dahil gusto ko nang umuwi.
"Where have you been?" inis na tanong sa akin ni Kein noong maabutan ko siya sa labas ng bahay namin. Hindi ako sumagot at binuksan na lang ang bahay. Ano bang problema ng isang 'to? Malamang sa trabaho. Alam niya naman na nagsisimula na akong magtrabaho.
Isinalampak ko ang sarili ko sa may sofa at hinubad ang heels ko pati na rin ang suot kong blazer.
"Work." tipid na sagot ko.
"I called you multiple times but you weren't answering my calls. I went to your company but I didn't see you there." he continued. Still pissed.
Tumayo ako at iniayos ang hinubad kong blazer at heels sa isang tabi.
"Are you drunk?" he asked with curiosity. Nakasunod pa rin sa akin.
"I don't wanna argue with you, Kein. I'm tired from work. Please, let me rest already." pagod na pakiusap ko sa kaniya at dumiretso na sa may hagdanan.
"Khane, we're just worried about you. Alam mo naman na sa amin ka ipinagbilin nila tita e. If something bad happens-" I cut him off.
"I know. I know. But, I am now an adult. I know what I am doing. Na-late lang ako ng uwi. You are overreacting. I can handle myself, I am not a kid anymore." pigil ang inis na sagot ko habang nakaharap sa kaniya pero nangangalahati na sa hagdan.
Akala ko ay may sasabihin pa siyang ikagagalit ko pero hindi na siya sinubukan pa.
"Ipinagpadala ka pala ni Mama ng pagkain. Kainin mo na lang kapag nagutom ka. Rest well." marahan na sabi niya. Hindi ko napansin kanina na may dala pala siyang pagkain para sa akin dahil na rin siguro sa pagod at sakit ng ulo.
"Lock the door and the gate when you leave." bilin ko sa kaniya at dumiretso na sa kwarto ko para magpahinga. It's a tiring day for me at mas marami pa akong mararanasan na ganito.
I stared at the ceiling- reflecting on myself. I will talk to him tomorrow and say sorry for being insensitive. I know that I crossed the line. They are just worried about me and I have no problem with that. I'm just... tired and I badly want to rest. I actually appreciate his effort and concern to drive and go here just to check if I got home safely. But now, I need to rest my body and mind. With that, I let myself fall asleep.
BINABASA MO ANG
When I Was Saving You
Teen Fiction(Save Duology Book 2) After five years, Khane went back to Manila to explore and find a good job opportunity. Dito ay muli niyang nakita ang lalaking gusto niya, si Texon. Kein helped her to be close to Texon because he is friends with him. Kein is...