Chapter 28
Fast forward.
CHELSEA's POV
So ngayong araw na to ang first day namin sa Greeners University.
11am ang pasok ko. Si Andrew naman kanina pang 9am, ganun din si Vanessa. Si Troy mamaya pang 1pm yun.
Paglabas ko ng bahay, ayan at nandyan nanaman po si Troy.
"Good morning my princess! ^____^"
"Good morning din. Bakit nandito ka? Mamaya pang 1pm ang pasok mo diba?"
"Yes, pero syempre ang isang masugid na manliligaw dapat hinahatid sundo ang nililigawan niya." dahil dyan sa sinabi niya, dagdag pogi points ka ulit dyan ^_____^
"Kaso naman mapapaaga ka sa pagpunta sa school."
"Ayaw mo naman sabay tayong mag lunch mamaya, vacant mo ng 12pm diba?"
"Oo."
"So okay na, tara na bago ka pa malate sa first class mo." oo nga pala, 10:30 na.
Nagpunta na nga kami sa school. Grabe lang ha, ang daming estudyante. Ganito pala talaga sa University.
Naglalakad na kami sa school grounds nang mapansin kong may something eh. Panay ang tingin ng mga babae sa amin.
Napatingin naman ako sa katabi ko.
"Yes my princess?" sabi ni Troy
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa "Hmm, wala naman." ang simple lang naman ng suot niya pero bakit ganyan siya pinagtitinginan
"Teka lang, ihahatid mo ko hanggang sa room ko?" tanong ko sa kanya ng mapansin kong nandito na kami sa building
"Oo, hihintayin nalang kita sa labas ng room mo." what? maghihintay daw siya dun? e halos girls ang nasa building na to.
"Sigurado ka? Kung sa kotse mo nalang ako hintayin?"
"Hindi, dito nalang." okay, ininsist niya na. Oo na nga lang. Ayos lang naman siguro yun.
Umakyat na kami sa 2nd floor kung saan ang room A301. As expected, ang dami nanaman nakatingin sa kanya. Ganyan ba talaga katindi ang charisma ng taong to?
Palapit na kami sa A301 nang mapansin ko na nasa labas ng room si Camille kasama ang kanyang fiance na si Gab.
"Mukhang okay na kayo." sabi ko sa kanila
"Chels, buti naman at nandito ka na, akala ko magpapalate ka sa unang araw ng college. Yes, okay na kami. ^____^" sabi ni Camille
BINABASA MO ANG
My Knight in Shining Armor ** COMPLETED **
Teen FictionNO SOFTCOPIES || A love story about two childhood friends who shared good memories together, not until something happened that made them separated their ways. The one left and went to Canada carried with him the pain he caused and the secret admirat...