Chapter 42 - MY KNIGHT IN SHINING ARMOR FINALE
CHELSEA's POV
"Good morning anak!" mula sa boses na yun ni Mommy napangiti ako. Napaka energetic niya kasi talaga.
"Good morning din po Mom. Ngayon na tayo uuwi hindi ba? Excited na akong umuwi sa bahay."
"Hindi pa tayo uuwi anak."
"Bakit po?"
"May donor ka na! Ihahanda ka na para sa operation mamayang gabi." ang saya saya ng pagkakasabi nun ni Mommy
"Totoo po? Ibig sabihin makakakita na ako ulit?" napangiti naman ako dahil sa wakas may mabait na nilalang na magbibigay sa akin ng chance para makakita ulit
"Totoong totoo. Napakasaya ko anak." sabay yakap ni Mom sa akin. Niyakap ko rin siya ng napakahigpit.
Maya-maya lang dumating na rin ang mga kaibigan ko.
"Chels, masaya kami for you." sabi ni Vanessa
"Bakit ganyan ang tono ng boses mo? Para namang malungkot at hindi masaya."
"Hmmm, masaya ako."
"Liar! Kilala na kita Vanessa at alam kong nagsisinungaling ka. Napano ba kayo?"
"Wag mo nalang alamin Best." sabi ni Andrew
"Anu bang nangyayari best?" nakakaloko sila, bakit parang may tinatago sila sa akin?
"Magiging okay na ang lahat bessy, kaya wag ka nalang munag magpanic dyan. You should atleast relax." sabi ni Camille. Sa mga sinasabi nilang yan mas lalo lang akong nagwoworry.
"Malalaman mo rin after the operation anak. Huwag na muna ngayon. Kailangan mong magpahinga." sabi ni Mommy. Kahit si Mommy nagsasalita ng ganyan?
"Ano ba naman to? Mas lalo akong nagaalala."
"Please Chels, magpahinga ka muna." sabi ni Vanessa
Next thing I know dumating na ang doctors at pinainom ako ng gamot.
***
After 2years...
"Alam mo ba Troy, ang design ko nanaman ang napili kanina. Ang galing ko talaga. Bilib ka nanaman sa akin noh?"
"Napakaganda naman kasi talaga ng ginawa ko, imagine violet gown with matching sparkling shimmering glitters. Ang saya nga at ako pa ang nagmodel."
"Niloloko nga ako ni Camille kung bakit ako daw ang napili at hindi siya? Haha E sa mas maganda yung akin anu bang magagawa niya dun diba?"
BINABASA MO ANG
My Knight in Shining Armor ** COMPLETED **
Ficção AdolescenteNO SOFTCOPIES || A love story about two childhood friends who shared good memories together, not until something happened that made them separated their ways. The one left and went to Canada carried with him the pain he caused and the secret admirat...