Chapter 25 - ENROLLMENT DAY
CHELSEA's POV
Maaga akong gumising ngayon dahil may lakad kami ni Best Andrew. Pupunta kami ngayon sa University na papasukan namin. College na kasi kami, patapos na ang bakasyon at kailangan na namin magenroll.
*Beep beep* may bumusina na, malamang si Andrew na yan
Lumabas na ako agad ng gate
"Good Morning my princess! ^____^//" yep, hindi po si best ang dinatnan ko dito sa labas kundi si Troy, ang aking masugid na manliligaw
"Good morning din. Bakit ka nandito?"
"Aalis tayo ngayon diba?"
"At saan tayo pupunta? Kami ni Best ang may lakad ngayon."
"Kasama natin siya best." biglang sulpot ni Andrew na nasa loob pala ng kotse ni Troy
"Ang hilig mo rin talagang sumasabat noh aso?" biglang sabi naman ni Trish na katabi ni Andrew
"Ikaw ang sumasabat dyan." sagot sa kanya ni Andrew. Ang aga aga nagbabangayan na sila.
"At bakit kasama kayo ni Trish?"
"Mageenroll din kami." sagot ng nakangiting si Troy. Did I heard him right? Mageenroll daw sila ni Trish?
"Same university?"
"Obviously my princess. Tara na at oras na."
Same school kami ng papasukan ni Troy. KYAAAAAAAHHHH! >///////< Ibig sabihin araw-araw ko siyang makakasama, ibig sabihin hindi na talaga siya aalis.
Nagdrive na si Troy papunta sa Greeners University, dun kasi kami mageenroll.
Pagkababa namin sa car, agad naman sumalubong sa amin ang nakapamewang na si Vanessa. Ibig sabihin ba nito, dito na rin magaaral si Vanessa?
"How long do you want me to wait here huh?"
"Ito naman, nalate lang ng konti. Nashock lang kasi tong prinsesa ko." sagot sa kanya ni Troy
"So, its your fault again." sabi ni Vanessa na nakataas pa ang kilay
Nilapitan ko siya at sinabing "Alam mo ang taray taray mo talaga, tigilan mo na nga yan pagmamaldita mo." sabay angkla ko ng braso ko sa braso niya
"Ano ba?! Alis nga dyan! Dun ako sa bestfriend ko kakapit." sigaw niya sa akin
"Hindi, dito ka lang sa tabi ko." sabi ko sa kanya with matching pangaasar na ngiti
BINABASA MO ANG
My Knight in Shining Armor ** COMPLETED **
Novela JuvenilNO SOFTCOPIES || A love story about two childhood friends who shared good memories together, not until something happened that made them separated their ways. The one left and went to Canada carried with him the pain he caused and the secret admirat...