Chapter 36
CHELSEA's POV
Ang saya lang talaga nang nangyari nung Saturday. KYAAAAAHHHH! Kinikilig pa rin talaga ako pag naaalala ko yung kiss na yun. E bakit ba? Kasi naman feel na feel ko yung love niya para sa akin. Ang sarap talagang mainlove. ^____^
"Daydreaming." sabay siko pa sa akin nitong si Vanessa
"Daydreaming? Hindi noh. Masaya lang. ^_^"
"And that's because of my bestfriend."
"Tama ka dyan!"
"I know right. Sino pa ba ang nakakapagpangiti sayo na parang baliw dyan, si Troy lang naman."
"Bitter ka ba o happy ka for us? Yung totoo Vanessa?" lagi nalang kasi niya akong tinatarayan, ewan ko ba dito at di maalis alis ang katarayan sa katawan
"What are you talking about? Nakalimutan mo na bang isa ako sa dahilan kung bakit naging kayo?"
"Alam ko, kaso naman kasi kung makapagtaray ka talaga sa akin wagas lang."
"By the way, balita ko may nangyaring gulo sa dance practice niyo nung friday."
"Yeah."
"A girl named Lian, correct?" aba at tsismosa talaga tong si Vanessa, ang bilis makasagap ng balita
"Oo, isang intrimitidang babae na nagkakandarapa sa boyfriend ko. Nakakainis nga eh."
"So anong plano mo sa kanya? Wag mo sabihing hahayaan mo lang siyang akitin si Troy?"
"Subukan lang niyang gawin yun at baka mameet niya ng malapitan ang kalsadang nilalakaran niya." hindi ko yata hahayaan na landiin niya ang knight ko
"Dapat lang. Hindi mo kailangang maging mabait sa mga bitch na gaya niya." napatingin naman ako kay Vanessa at as usual super seryoso ng look
Pero tama nga siya, hindi ako magiging mabait sa babaeng yun. Aba at hindi pa ako nakakaganti sa ginawa niya sa akin. Ang sakit kaya nun sa balakang, but on a second thought kung hindi dahil sa ginawa niya baka hindi ako kinikilig kilig nga yun sa surprise romantic date sa akin ni Troy last saturday, kaya sige na nga papalampasin ko nalang yun, tutal ako naman ang nag benefit ng bongga at hindi siya.
After kong makipagchikahan kay Vanessa, umalis na muna ako para magpunta sa department building namin, maya-maya lang kasi maguumpisa na ang klase.
"Look who's here." narinig kong boses ng isang maldita na nakatambay sa may hallway ng department namin, remember ka course ko din siya
Hindi ko nalang pinansin at patuloy nalang ako sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
My Knight in Shining Armor ** COMPLETED **
Teen FictionNO SOFTCOPIES || A love story about two childhood friends who shared good memories together, not until something happened that made them separated their ways. The one left and went to Canada carried with him the pain he caused and the secret admirat...