Chapter 40

6.6K 112 4
                                    

Chapter 40

TROY's POV

This is all my damn fault!

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa nangyari kay Chelsea.

"My princess please naman gumising ka. Wag mo naman akong iiwan ng ganito." hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga oras na to. Tinatakbo na siya papunta sa emergency room. Hawak hawak ko ang kamay niya pero hindi yun nakahawak sa akin dahil wala na siyang malay. Duguan siya at natatakot ako sa anung mang kahihinatnan nito.

"Hanggang dito nalang po kayo."

"Parang awa niyo na, iligtas niyo siya."

"Gagawin po namin ang lahat ng aming makakaya. Sige na po, hindi na po kayo pwedeng sumunod."

"Chels, wag mo kong iiwan." sa mga oras na nabitawan ko na ang kamay niya, mas lalo akong natakot na baka hindi ko na yun mahawakan pa ulit

"Nasaan ang anak ko?" dumating na ang mommy niya, nagmamadali na tinatanong ako

"Nasa loob na po."

"Ano bang nangyari? bakit nagka ganito?" iyak ng iyak ang mommy niya, hindi ko magawang sabihin sa kanya ang naging dahilan

"Bro, si Chels?"

"Nasaan na si bessy?"

"Anung nagyari kay Ate Chels?"

Dumating na silang lahat at wala man lang akong maisagot sa kanila.

Nakaupo lang ako dito at patuloy sa pag-iyak.

Natatakot ako sa pwedeng mangyari.

"Bro, magiging ayos din ang lahat." yan din ang gusto kong mangyari

Napakalaki ng kasalanan ko kay Chelsea.

Kahit na hindi ko ginusto yun, ganun pa rin ang nakita niya at alam kong napakasakit nun para sa kanya.

Mahal na mahal ko siya at ayaw ko siyang masaktan pero ako pa ngayon ang dahilan kung bakit siya nasa bingit ng kamatayan.

Hindi ko magagawang mapatawad ang sarili ko kung mawawala siya ng dahil sa akin.

Ako nalang dapat at hindi siya.

Ilang oras na ang nakakalipas pero hindi pa rin lumalabas ang mga doctor.

"Chelsea's strong, I know she'll be alright." sabi ni Vanessa

My Knight in Shining Armor ** COMPLETED **Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon