CHAPTER 16 - new girl
[ireon gibun cheo-eumiya baby ireon sarang cheo-eumiya baby, nareul seolle-ge haneun saram malya narang talmeun sarang neo malya] first line sa HARU by SUPER JUNIOR, line ni Donghae :)
(english trans: This feeling is the first time baby, this love is the first time baby. The one that moves my heart is you. My love is for you.) <-- ringtone ni Chels
"Ang aga aga sino ba tong tumatawag sa akin?" inabot ko ang cellphone habang nakapikit pa rin
"Hello??"
[Goodmorning Ateeeeeeee!!!!]
"Ouch!" nilayo ko ang cellphone sa tenga ko. Grabe naman to makasigaw :| Ate daw? Wala naman akong kapatid eh.
[Ay sorry ate, naexcite lang naman ako :)] sabi nung nasa kabilang linya
"Sino to?"
[Ate naman agad mo naman akong nakalimutan. Ganyan ka naman. *sigh*]
"E wala kasi akong kapatid. Sino ka ba?" hindi pa kasi sabihin kung sino siya :|
[Si Trish to *sigh*]
"Ay ikaw pala. HAHAHA pasyensya na :D" ate nga pala tawag sa akin nito, HAHA I forgot ^_^V
[Buti naman at naalala mo na ako. HEHE Naistorbo ba kita? Ito kasing si Mommy pinapapunta ka dito sa bahay.]
"Huh? Bakit daw?"
[Magpapagawa kasi ng gown for debut si Ate Vanessa]
"Ate Vanessa?"
[Family friend namin sila Ate. Actually, childhood friend rin ni Kuya sa Canada] childhood friend daw? tss :| so meaning nandito na rin yung friend na yan. Pwede kayang tumanggi ako? Kaso naman, mahirap tumanggi kay Tita, nakakahiya rin naman.
"Hmm sige. Pupunta ko dyan. Mga 1pm nalang pwede?"
[Okay Ate, mga after lunch rin naman dadating si Ate Vanessa. See yah later Ate Chels :) Bye]
"Sige Trish. See yah." at binaba niya na ang cellphone
Childhood friend? tss :|
Nangiwan siya noon tapos malalaman ko ngayon na may childhood friend siya dun? At nandito pa ngayon?
Bakit ba kasi nag si uwian pa sila dito :|
Makapag-ayos na nga.
***
Nandito na ako ngayon sa harap ng gate nina Troy. Magdoorbell na ba ako?
Naiisip ko pa rin yung kahapon, hayyy :|
*DING.DONG*
At lumabas itong si Trish. Inaantay niya yata talaga ako.
"Ate :) halika pasok"
"Si Tita Carol?" actually, dapat si Troy ang itatanong ko kaso mas mabuting wag ko ng itanong
"Nandun sa loob. Tara na ate. :)"
"Sige. :)"
At pumasok na nga kami sa loob. Patingin tingin ako sa paligid at mukhang wala yata si Troy.
"Mom, Ate Chels is here."
"Oh buti naman at nandito ka na Chels :)"
"Ah opo tita, alam niyo naman po di ko kayo matatanggihan. :)"
"I know right Chels. :)"
"Ate, alam mo sabi ni Mommy magaling ka daw magdesign :) Gusto ko nga rin magpagawa sayo para sa debut ni Ate Vanessa. :)"
"Trish naman wag ka na makisabay."
"No tita, okay lang naman. Maiisabay ko naman po yan, design lang naman po. :)"
"Thanks Ate. :) sabi sayo Mommy eh, malakas ako kay Ate :)"
"Okay okay, kulit mo talaga anak. Let's just wait for Troy and Vanessa." Troy and Vanessa daw? Teka, magkasama ngayon yung dalawang yun? Bakit ba affected ako? :|
*Beep. Beep*
"Oh nandyan na yata sina Kuya. Sandali lang ate, puntahan ko sila."
"Sige lang Trish." nandyan na raw, tss. :| sige Chels wag ka ngang masyadong affected, baka mapansin ka niyan. Siguradong aasarin ka nanaman ng mokong na yun.
Makasilip nga. Tumayo ako at sumilip mula sa window.
Nakita kong bumaba mula sa kotse niya si Troy at pinagbuksan sa kabila ang babaeng tinatawag nilang Vanessa.
"Ate Vanessa! I miss you:)" sabi ni Trish sabay yakap dun sa Vanessa. Aba! Mukhang malapit sila.
Itong si Vanessa, babaeng babae ang dating, one word to describe her - MAGANDA
Okay, mas maganda siya kaysa sa akin. :|
"I miss you too Trish :)" okay mas maganda siya pag nakangiti
"Tara pasok na tayo sa loob :)" sabi ni Trish sabay angkla niya sa braso ni Vanessa
Si Troy ayun nakangiti lang tinitignan ang dalawa.
Umayos na ako ng upo dahil alam kong papasok na sila.
"Sandali lang Ate tawagin ko si Mommy. :)" sabi ni Trish
"Go ahead :)" - Vanessa
"You know Troy, I miss you so much." sabay yakap nito kay Troy. Okay, hindi ba nila ko napapansin dito?
"Yeah, I miss you too." sabi ni Troy at yumakap rin sa kanya
"Ahem!" ako yan, biglang sumabat sa magandang yakap scene ng dalawang to
"Oh! May tao pala." sabi ni Vanessa. Oo, tao ako. Hindi niyo lang napansin.
"Chels, kanina ka pa dyan?" gulat na sabi ni Troy
"Medyo =____=" sagot ko
"Ay hindi ko pala nasabing nandito si Ate Chels." sabi ng nagbabalik na si Trish
"Trish, why is she here?" sabi ni Troy. Bakit? Bakit hindi ba dapat? Ayos nga eh, kitang kita ko yakapan niyo :|
"Pinapunta ko siya." sagot naman ni Tita Carol na kakababa lang
"Tita Carol, long time no see :) I miss you tita." at nagbeso beso sila
So buong pamilya ni Troy kaclose niya. Kaclose ko rin naman pala sila pero ihhhhhh! anu ba tong pinagiisip ko :|
"Vanessa, she's Chelsea. She will be making the designs for your gowns." at tumayo ako syempre
"I'm Chelsea." sabi ko sabay abot ng kamay ko sa kanya, offer ng shakehands
"Your name is so familiar. Saan ko nga ba nadinig yun. Hmm" sabi ni Vanessa at OO di niya pinansin ang kamay ko kaya binaba ko na
"Sige na Vanessa, idiscuss mo na sa kanya yung mga gusto mo for your gowns. Maiwan ko na muna kayo. May gagawin pa kasi ako." - Tita Carol
"Sige tita :)" - Vanessa. At nagbeso beso ulit sila.
"Ako din, aakyat na muna." sabi bigla ni Troy
"No, you must stay here." sabi ni Vanessa sabay hawak niya sa braso ni Troy
Ako ito nakatingin lang sa dalawang naghaharutan sa harap ko.
"Oh, I think I should go. :)" sabat naman ni Trish at biglang tumabok paakyat. Anong problema nun?
Umupo na tong si Vanessa at Troy sa tabi ko bale ganito sitting arrangement
TROY--VANESSA--AKO
Nakakapit pa rin tong babaeng to kay Troy
"Let's start" sabi ko
"Yeah. I want my first gown to be in color black then the second one in color violet and the last one combination of black and violet. Ayoko ng masayadong madesign, gusto ko yung simple lang pero mukhang elegante. Gets mo ba?" nakikipareho pa ng favorite color to :| OO miss, gets ko. Kailangan pa talagang kumpirmahin :|
"Okay."
"Okay? So okay na? Kaya mo na? Sabi kasi ni Tita Carol magaling ka raw. So I'll count you."
"Okay." puro okay nalang talaga sinabi ko at nagumpisa ng magsketch, pakikitaan kita kung ano ang magaling na tinutukoy ni Tita Carol.
"Mukhang wala yata siyang ibang alam sabihin kundi okay. haha." sabi niya kay Troy
"Hayaan mo nalang." sagot naman ni Troy
"Dapat sabay tayo umuwi dito, kung bakit ba kasi nauna ka pa. Namiss tuloy kita." sabay patong ng ulo niya sa balikat ni Troy
"Tara dun na muna tayo sa labas. Baka makaistorbo tayo." yaya ni Troy sa kanya
"I don't like. Dito lang tayo." tss :| flirt mo naman teh.
"Vanessa."
"Troy naman eh, I know how much you miss me. Kung gusto mo dun nalang tayo sa kwarto mo :)" sabi niya at todo ang ngiti kay Troy. As if naman papayag si Troy na isama ka sa kwarto niya, ako nga dati halos ipagtulakan niyan eh.
"Tara. Dun nalang tayo sa kwarto ko." sabi ni Troy. HUWAAAAATTT?! Tama ba ang narinig ko? Napatingin ako sa kanilang dalawa.
"That's better. C'mon!" tumayo na tong si Vanessa at hinila na si Troy na hindi man lang lumingon sa akin. :|
SPELL VADTREP! C-H-E-L-S-E-A! Yan yun! :@
"Oh my! Ate Chels, yung paper." sabi bigla ni Trish na nandito na ngayon sa sala at nakaturo sa paper na hawak ko
Napatingin naman ako at nakita kong nacrumple ko na pala tong paper.
"What's goin on? Sayang naman to." umupo siya sa tabi ko at kinuha yung paper na hawak ko at inaayos yun
"Aish!" yan lang talaga nasabi ko dahil vadtrep ako. Anu naman gagawin ng dalawang yun sa kwarto ni Troy.
"Ate, chill ka lang :)"
"Chill ka dyan!"
"HAHAHAHA nakakatuwa ka palang magselos :)"
"Ano kamo? Selos ako? Hindi noh!"
"Weh? Hindi raw. HAHAHA"
"Ewan ko sayo Trish." at nagumpisa na ako ulit magsketch, gawin ko kayang katuwaan tong gown niya
"Si Ate Vanessa, childhood friend ni Kuya." sabi ni Trish. Oo Trish, sinabi mo na yan kanina tung tinawagan mo ko. Hindi ko nalang siya inimik.
"Pagdating ni Kuya sa Canada, si Ate Vanessa ang naging kaibigan niya agad." wala akong pakealam Trish :|
"Hindi nga yan nakikipagusap sa iba sa Canada bukod kay Ate Vanessa." ganun sila kaclose?
"Actually, napagkakamalan nga sila lagi na mag boyfriend." obvious naman :|
"Please, tahimik Trish." sabi ko nalang sa kanya
"Okay I'll zip my mouth now :) Akyat na muna ako :)" ngiti ngiti pa to
"Sige lang."
HAYYYY! Hindi ako makapag focus sa ginagawa ko, kasalanan nila to. :|
***
(A/N: sabaw lang ng UD na to :| pasyensya na :|
pero sana e nagustuhan niyo kahit konti.
COMMENTS please
--> missfacile)
BINABASA MO ANG
My Knight in Shining Armor ** COMPLETED **
Teen FictionNO SOFTCOPIES || A love story about two childhood friends who shared good memories together, not until something happened that made them separated their ways. The one left and went to Canada carried with him the pain he caused and the secret admirat...