Chapter 18.2

8.2K 180 23
                                    

Chapter 18.2

Palakad lakad ako sa hallway ng may bigla akong narinig na nagsalita

"Matagal ko na tong gustong sabihin sayo." narinig kong sabi nung lalaki mula dun sa isang kwarto na hindi gaanong nakasara. Familiar ang boses niya kaya lumapit ako. Tsismosa eh. Bakit ba. 

Pagsilip ko nakita ko si ....... 

(O.O)

Si Troy na hawak hawak ang kamay ni Vanessa. Seryoso ang mukha nilang dalawa at magkatitigan sila.

"Mga bata palang tayo, ikaw na at wala ng iba ang babaeng lagi kong gustong makasama, ang babaeng gusto kong pinapasaya, ang babaeng gusto kong protektahan, ang babaeng gusto kong mahalin."

Ano ba to? Tama ba tong mga naririnig ko? Nagtatapat si Troy kay Vanessa? Hindi ako dapat nakikinig dito.

Nakita ko ang sincerity sa mga mata ni Troy. Parang teary eyed pa nga siya habang nagcoconfess ng feelings niya para kay Vanessa.

"Gusto kong gawin yun habang buhay sa babaeng laman ng utak at puso ko."

Gusto ko ng umalis dito at ayaw ko ng makinig pero parang ayaw kumilos ng mga paa ko. Bakit ganito?

"Sana tanggapin mo ako

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

MAHAL KITA, MAHAL NA MAHAL." 

At tuluyan ngang tumulo ang luha ni Troy sa pagsabi niya ng katagang yun kay Vanessa at yumakap sila sa isa't isa.

Di ko na alam ang mga nararamdaman ko ngayon.

My Knight in Shining Armor ** COMPLETED **Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon