Chapter 3

15.3K 285 20
                                    

Chapter 3

TROY's POV

Pinipilit ko siyang patahanin. Nagpose pa nga ako ng napaka weird, nagka mali pa ako ng pose kasi imbis na pang Knight in Shining Armor ang pose ko nagmukha yata akong superman. Pero buti ng dahil sa pagkakamali ko nakita kong sumilip ang ngiti niya mula sa kanya mga labi. 

Ang ngiti niyang yun ang nagpabilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko pa alam ibig sabihin nun nung bata pa ako pero nang mahiwalay ako sa kanya at ngayong binata na ako, unti unti ko ng naiintindihan kung ano yun at kung bakit ko yun naramdaman.

Bakit kaya ganun? 

Nung nakita ko siyang binubully ng mga bata bigla ko nalang naramdaman na dapat ko siyang protektahan at willing akong gawin yun para lang sa kanya.

Naging malapit ako sa kanya at masaya akong lagi kaming magkasama hanggang isang araw sa school nung elementary kami. Buwan ng wika nun at isa si Chelsea sa mga candidates sa Munting lakambini. Napakaganda niya, napatulala ako.

"Hoy, knight in shining armor ko. dapat ba talaga naka nganga ka habang tinitignan ako?" - narinig kong sabi ni Chels

"Ay sorry naman prinsesa ko. :$" - sabi ko

Pagkatapos ng contest may mga batang lalaki from another sections at iba sa mga classmates namin ang lumapit kay Chelsea.

"Hi Chels! Ang ganda mo. Crush ka daw ni Ben." - narinig kong sabi nung isang bata mula sa kabilang section kay Chelsea ~ anu raw? may nagkakacrush kay Chels. di pwede yan ~

"Chels! Chels! cute mo!" - sabi naman nung isa 

Hayy! Hindi ko pwedeng hayaan na maging malapit sa ibang lalaki ang prinsesa ko. Kailangan may gawin ako. Umiral ang pagiging selfish ko nung mga panahon na yun.

Pinagkalat ko sa lahat na Tomboy si Chelsea. Yes I know, mali ginawa ko pero bata pa ako noon at ang alam ko lang ay kailangan sa akin lang ang prinsesa ko. Pero di ko inakalang ang pagiging selfish ko pala ang magiging dahilan para lumayo sa akin ang prinsesa ko. :'(

"Ikaw pala nagkakalat niyan. A..a.akala ko ba ikaw ang Knight in shining armor ko?" - sabi ni Chelsea

~ Patay! Narinig niya ko na pinagkakalat kong tomboy siya. *panic mode* anong dapat kong gawin? anong sasabihin ko? ~

"Tomboy ka naman talaga diba Chelsea! Tomboy! Tomboy!" - biglang nasabi ko. ~ aww! mali mali! bakit ba yan lumabas sa bibig ko ~

Umiyak nang umiyak ang prinsesa ko. Pinagtanggol siya ni Andrew na isa sa classmates namin at lumabas sila pagkatapos.

~ Hindi ko dapat ginawa at sinabi yun! Napaka sakit na makitang umiiyak siya dahil sa kagagawan ko. At ngayon iba pa kasama niya imbis na ako. ~

Pinilit kong makipagusap at makipag ayos sa kanya pero huli na ang lahat galit na galit na sa akin si Chelsea :'(

Isang araw kinausap ako ni Mama na sa Canada na raw ako magaaral.

"Ayoko po, Ma. Hindi po pwede." - sabi ko kay Mama

"At bakit naman hindi pwede?" - tanong ni Mama

"Hmmm. Ano po kasi eh. Si. hmm. " - sabi ko

"Si? Si Chelsea. Tama?" - tanong ni mama

My Knight in Shining Armor ** COMPLETED **Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon