CHAPTER 33

6.7K 119 9
                                    

CHAPTER 33

VANESSA's POV

Okay, so alam naman na nga lahat ang naging successful plan ko kay Troy at Chelsea.

This time mukhang may tratrabahuhin nanaman akong bago.

Naiirita kasi ako sa pagaaway ng aso't pusa na sina Andrew at Trish. Kaya naman may naisip ako. Gusto niyo malaman ang plano ko? Wag na muna, tsaka nalang. Malalaman niyo rin yan.

Pero eto, I'll tell you the truth, sinadya kong iharang ang paa ko nung palakad na si Trish. Alam ko naman na kahit aso't pusa yung dalawang yun, alam kong gentleman pa rin si Andrew at sasaluhin niya yung si Trish at gaya nga ng inexpect ko, yun nga ang nangyari. Tingin ko, hindi ako mahihirapan sa dalawang yun.

Pareho naman kumislap ang mga mata nila nung magkatinginan sila. It only means na may pag-asa sila.

And ako rin ang may kagagawan ng scene na hinahabol ng isang lalaki si Trish.

Kinausap ko yung lalaking classmate ni Trish na kinaiinisan niya dahil ubod ng yabang. Binigyan ko lang yung lalaki na yun ng 1k at pumayag agad.

So ayun nga, sinundan niya ng sinundan si Trish at ginawa ko naman ang lahat na mapapunta sa lugar na yan sina Trish kung saan sure ako na makikita siya ni Andrew. I called Trish na magkita kami at ayun sunod pa rin ng sunod yung lalaki sa kanya. Yun na nga ang scene na nakita ni Andrew na nakayap yung lalaki kay Trish.

Sinabihan ko yung lalaki na iprovoke si Andrew at naging effective nga. I took pictures of them pa nga while they were so sweet.

Kung tatanungin niyo naman ako kung bakit biglang sila na, yan ang di ko masasagot, kahit ako medyo nagulat din nang sinabi nilang sila na. Ang bilis lang nila diba? ^___^ But then again, it all started because of me.

***

TRISH's POV

Yeah I know nagulat sila nang sinabi namin ni aso este Andrew na kami na. Ganito kasi yan.

* flashback *

"Huli ka!" nahabol ako ni Andrew nung tumakbo ako kaya ayan nakayakap ang aso sa akin

"Uyyy! Tsansing ka!"

"Kapal ha!" agad siyang bumitaw pero pansin ko na medyo namula siya, marunong palang magblush ang mga lalaki?

"Bakit namumula ka? Siguro gusto mo ko noh?" pangaasar ko sa kanya

"A-anu? Kapal mo rin talaga. Hindi kita gusto." hindi pala ha >_<

"Paano kung sabihin ko sayong gusto kita?" sabi ko sa kanya with matching puppy eyes and pacute smile

"A-anung sinasabi mo?"

"Sabi ko gusto kita Andrew." lumapit ako sa kanya, siya naman paatras

My Knight in Shining Armor ** COMPLETED **Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon