Chapter 37
CHELSEA's POV
Grabe lang, sobrang busy ngayon sa school. Ganito pala pag college. Parang gusto ko na nga rin magback out sa dance group. >_< Ang nakakainis pa, imbis na magdate kami ni Troy ayun nagpapapractice nalang tuloy, pero buti nalang talaga at kasama ko siya atleast naeenjoy ko kahit na paano.
"Pawis na pawis ka na." sabi ni Troy sabay lapit sa akin para punasan ang pawis ko sa noo
"Hehe ayos nga to, papayat ako."
"Papayat? My princess naman, buto't balat ka na nga lang. Baka naman wala na akong mayakap niyan sayo."
"Ang bad mo!" sabay hampas ko sa braso niya
"Haha totoo naman kasi. Nakakahalata na ako lagi mo ko hinahampas sa braso ko, porket ba macho ang boyfriend mo." flinex niya pa talaga ang biceps niya. Infairness naman maganda naman talaga ang katawan ng boyfriend ko. Eh teka! Ano ba naman yang sinasabi ko? >//////<
CHUP!
"Troy naman!" bigla ba naman akong halikan sa labi
"Natulala ka kasi sa kagwapuhan ko. ^_^"
"Oo na, gwapo ka naman talaga." sabay pisil ko sa magkabila niyang pisngi
After namin maglambingan, practice nanaman. Nakakapagod na practice.
"Sa wakas tapos na rin. Mapupuntahan ko na si Trish." sabay unat pa ni Andrew
"Kung bakit ba naman kasi ako napasali dito." sabi naman ni Gab
"Dhie naman kasi. Okay naman ah." sabi ni Camille sa kanya
Napatingin naman sa akin si Troy "Oh napano ka?"
"Wala lang naman."
"Pagod?" tumango nalang ako
Pagkatapos kong tumango bigla ba naman niya akong binuhat na bride style.
"Troy naman, ibaba mo ko!"
"Hindi, dahil pagod ka, mas okay na ang ganito. ^_^" nakangiti pa talaga siya habang sinasabi yan, unti-unti naman akong napangiti dahil sa sinabi niya
Ibinalot ko nalang ang mga braso ko sa leeg niya at idinikit ang ulo ko sa balikat niya. Napaka kumportable talaga ng pakiramdam pag kasama ko siya.
"Kailan ba tayo magdadate ulit?" narinig kong sabi ni Trish kay Andrew napatingin naman ako sa kanila na nasa likuran namin. Ayun napakamot lang sa ulo niya si Andrew.
"Dhie, tayo rin, kailan tayo magdadate?" tanong ni Camille kay Gab
BINABASA MO ANG
My Knight in Shining Armor ** COMPLETED **
Teen FictionNO SOFTCOPIES || A love story about two childhood friends who shared good memories together, not until something happened that made them separated their ways. The one left and went to Canada carried with him the pain he caused and the secret admirat...