CHAPTER 9 - I like him? NO! I hate him!
"Ay ano ba yan!"
Nagulat nalang ako ng may biglang magbalot sa akin ng towel.
"Ibalot mo lang yan sa katawan mo"
Si Troy pala tong nagbalot bigla sa akin ng towel. Di siya nakatingin sa akin ng sinabi niya yun, nakatalikod siya at nakatingin sa kung saan. Dahil naman dun nahiya naman daw ako >///<
"Ah eh"
"Hoy Troy! sexy naman si Chels ha!" sabi ni Mille sabay tapik niya sa kaliwang balikat ni Troy
"Ang panget ng katawan niya, nakakahiya lang sa mga nakakakita at isa pa tomboy naman yan eh" sinabi yan ni Troy habang naglalakad siya palayo sa amin
"Loko talaga yun" - Mille
"Hayaan mo na. Nakakahiya nga naman kasi." - sabi ko
"Tss. KJ!" - Mille
Umupo na ako sa may sand. Si Mille ayun enjoy na enjoy na pag swimming.
Pero para sa akin kahit na binara ako nung mokong na yun, what kind act of gentleman thingy na rin yun para sa akin :)
"Anung nginingiti ngiti mo dyan best?"
"Ah wala naman best :)"
"Wala ba talaga?"
"Wala nga :) kulit mo talaga :)"
***
TROY's POV
"E sa ayaw ko sayo!" yan ang sabi sa akin ni Chelsea kanina
Ganyan ba talaga kagalit sa akin si Chelsea? Mukhang nararamdaman ko na ang hirap nito :|
Nakita ko siyang pinagtitinginan ng mga lalaki dito.
Bakit ba kasi nagawa pang mag two-piece nun, pinagtitinginan tuloy siya. Mga mukhang manyak pa naman ang iba.
Kahit na nahihiya akong lapitan at tignan siya, lumapit pa rin ako para bigyan siya ng towel.
Halos di na ako makatingin sa kanya. Alam ko naman na nagalit nanaman yun sa ginawa ko pero concern lang talaga ko sa kanya.
Heto ako nakatingin sa kanilang dalawa ni Andrew ngayon, ang lapad ng ngiti ni Chelsea, nagtatawanan silang dalawa.
Mukhang wala na yata kong lugar dito.
Bakit ba kasi sumunod pa ako sa kanila?
***
CHELSEA's POV
"Ano? Wala na si Troy? e halos kararating lang natin dito"
Tama kayo ng narinig, halos kararating lang namin dito pero mukhang umuwi na si Troy. Ano kayang nangyari dun?
Naging maganda naman ang 3 days, 2 nights stay namin dun. Masaya kong kasama sina Best at Mille, pero nagtataka pa rin ako kung bakit bigla nalang umalis si Troy.
Nakauwi na kami. Nandito ako ngayon sa terrace ng kwarto ko. Hmmm, nasaan na nga kaya si Troy? Teka! bakit puro Troy bukambibig ko?
"TROY!"
Speaking of . . .
Hindi siya lumingon
"TROY!"
Hindi pa rin lumilingon
"HOY TROY!"
"Aray ko naman!" tumingin na siya sawakas, ewan ko nalang kung hindi pa siya tumingin sa akin nito e binato ko lang naman siya ng tsinelas ko. HAHA
"Maghintay ka dyan! Wag kang aalis!" sigaw ko at bumaba na ako
Nakita ko siyang hinihimas ang ulo niya
"Ano bang problema mo?" tanong niya
"Ah wala naman"
"Nambabato ka tapos wala lang? haist"
Tumalikod na siya at aktong maglalakad na
"Bakit umalis ka agad?" tanong ko
Humarap siya at halatang gulat ang reaction niya sa narinig niyang tanong ko
"Ah yun ba. Wala lang."
"Wala lang?"
"Boring."
"Boring?"
"Oo boring dun"
"Yun lang pala, akala ko kung napano ka na"
Nagulat yata siya sa sinabi ko?
Lumapit siya sa akin at tumitig
"Concern? :)" ngumiti siya. KYAAAAAAAAAAHHHHH! >/////<
"Ah.ahm hindi noh"
"Hindi talaga?"
"Hindi nga." step back ko
"E bakit ka umiiwas?" step niya naman palapit sa akin
"Bakit naman kita iiwasan" step back ko ulit
"Halata naman yan pagiwas mo" step ulit niya palapit sa akin
"T-tumigil ka nga"
SHOCKS!!!!
Nadulas ako at buti nahawakan niya ako, eto lang naman position namin, yung mukha ko napadikit sa dibdib niya habang siya nakayakap sa akin ang isa kamay, ang kabilang kamay naman iniingatan ang ulo ko. Pag may nakakita sa amin nito aakalain nilang nagyayakapan kami.
"Teka nga! bakit mo ba ko niyayakap?" at kumalas ako sa yakapan na yun
"Yakap agad? Bakit naman ako yayakap ng tomboy?"
"Tumigil ka nga ng kakatawag ng tomboy sa akin"
"HAHAHA ang bilis mo talaga mapikon"
"Busit ka talaga!"
Sabay alis ko at umakyat na ako ulit sa kwarto ko. . .
"BUSIT SIYA!" hagis ko ng isang unan ko
"Nagworry pa naman ako sa kanya, halos siya na nga lang iniisip ko nung nasa Boracay, tapos nabored lang pala siya kaya siya umalis!" hagis ulit ng isa pang unan
"Okay na eh, di ako natumba dahil sa nahawakan niya ako. Yun na yun eh, sweet na ng moment tapos sisirain niya at sasabihan akong tomboy!" hagis ulit ng unan at isa pang unan ulit at isa pa
"KAINIS KA TALAGA! I HATE YOU! I HATE YOU! I HATE YOU!!!!!!"
***
(A/N: She hates him o She likes him? :)
VOTE COMMENT BE A FAN
-->
missfacile)
BINABASA MO ANG
My Knight in Shining Armor ** COMPLETED **
Teen FictionNO SOFTCOPIES || A love story about two childhood friends who shared good memories together, not until something happened that made them separated their ways. The one left and went to Canada carried with him the pain he caused and the secret admirat...