Chapter 41
TROY's POV
Isang linggo na rin ang lumipas.
Hindi ako umalis sa hospital.
Pinagdadalhan lang ako ni Mommy at Trish ng gamit dito.
Gusto kong pumasok sa kwarto niya, gusto ko siyang mayakap.
Sa loob ng isang linggo, nakita ko ang lahat ng paghihirap niya.
Hirap na hirap siyang hindi makakita.
Ilang beses na siyang tumumba, nadapa, makahulog ng mga kung ano-anong bagay na natatamaan niya, hindi rin siya makalakad ng walang kasama, hindi niya rin magawang kumain ng mag-isa.
Gusto ko siyang tulungan.
Gusto kong maging mata niya pero hindi ko magawang makalapit sa kanya.
Isang linggo na rin naghihintay ng donor para sa kanya.
Sinabi kasi ng doctor na posible pa siyang makakita kung papalitan ang cornea niya na damage ng aksidente.
Bukas na ang alis niya sa hospital.
Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya ng malaman niyang uuwi na siya pero hanggang ngayon wala pa ring donor para sa kanya.
Alam kong nawawalan na siya ng pag-asa.
Pinipilit niyang makatayo gamit ang dalawa niyang paa.
Ayaw niyang umasa sa iba.
Pinipilit niyang initindihin ang sitwasyon niya.
Pero alam kong hindi pa rin tanggap ng puso't isip niya ang dinadanas niya ngayon.
Yun ang labis na nagpapadurog ng puso ko.
Ang makitang nahihirapan ang taong mahal mo nang dahil sayo.
***
CHELSEA's POV
Ang hirap. Ang sakit. Wala na yatang mas hihirap sa nararanasan ko ngayon
Para na rin akong pinutulan ng dalawang paa.
Kahit simpleng pagkain nga hindi ko pa magawa.
Ang nakakahiya pa kahit sa paglinis nalang ng sarili ko, kailangan pa talaga akong alalayan.
BINABASA MO ANG
My Knight in Shining Armor ** COMPLETED **
Teen FictionNO SOFTCOPIES || A love story about two childhood friends who shared good memories together, not until something happened that made them separated their ways. The one left and went to Canada carried with him the pain he caused and the secret admirat...