Chapter 26
TROY's POV
Nasaan na nga kaya sina Chelsea at Camille. Kanina pa kami palakad lakad nitong lalaki na to sa kakahanap sa kanilang dalawa.
"Kasalanan mo to. Dapat kasi sinabi mo na fiancee mo si Camille edi sana--"
"Edi sana hindi ka na nagselos?" sabi nitong lalaking kasama ko, ano nga kasi pangalan nito? Gab yata.
"Hindi nga sabi ako nagselos. Ikaw nga dyan ang nagselos."
"Ako? Hindi ako selosong tao."
"Hindi daw, kung nakakamatay nga lang yung tingin mo kanina baka namatay na ako."
"Ikaw rin naman ha, baka kamo pareho na tayong patay ngayon." sabagay, totoo naman ang sabi niya, nagselos nga ako at halata din naman siyang nagselos siya
"Bakit ba kasi hindi man lang nabanggit sa akin nina Chels na may fiance na pala yung si Camille."
"At bakit pa kailangang sabihin sayo? close ba kayo ng fiancee ko?"
"Hmmm, medyo?" sumama naman bigla ang tingin sa akin nito. Haha. Seloso nga talaga.
"Hanapin na nga natin sila." sabi niya
"Oo bro, hanapin na natain ulit si Chels at yung four-eyed monster fiancee mo."
"Ako lang may karapatan tumawag sa kanya ng ganyan."
"Fine, I'm just kidding here. Haha"
Nasaan na nga kasi yung dalawa na yun?
Napadaan kami sa cafeteria ng University at heto lang naman nakita namin yung dalawa na kumakain. So dito lang pala sila nagpunta. Malamang nagutom lang yung dalawang yun. Hindi naman siguro sila galit sa amin.
"Hey four-eyed monster! Sinong may sabing pwede kang umalis bigla?"
sigaw ni Gab kay Camille, agad agad naman nakalapit na yun sa kanila
"Chels, my princess. Nandito lang pala kayo, kanina pa namin kayo hinahanap."
"Hayy nako, Camille parang may mga masamang hangin na parating. Tapos ka na ba kumain? alis na tayo dito." sabi ni Chels
"Ahh oo tapos na, tara na nga." sagot ni Camille at tumayo na nga yung dalawa
"Saglit Chels, saan ka nanaman ba pupunta?" lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya, humarap naman siya sa akin at tinignan ako ng masama
"Bitiwan mo nga ako."
"Sorry na. Wag ka na magalit."
BINABASA MO ANG
My Knight in Shining Armor ** COMPLETED **
Fiksi RemajaNO SOFTCOPIES || A love story about two childhood friends who shared good memories together, not until something happened that made them separated their ways. The one left and went to Canada carried with him the pain he caused and the secret admirat...