Say You Love Me

5.3K 101 12
                                    

"Bakit ba kasi ayaw mong maniwala na gusto kita? Nakakapikon ka na, ah?!" Sigaw niya at kulang na lang ay ihampas niya ang hawak niyang libro sa lalakeng kaharap niya.

Ilang beses niya na kasing sinabi na gusto niya ang lalakeng kaharap pero lagi lang siya nitong sinasabihan na naguguluhan lamang ito o kaya naman ay baka naaawa dahil sa pagkabigong naranasan niya sa kapatid ng babaeng ito.

Napapailing na lamang ang lalake. Sa totoo lang ay naririndi na rin siya sa pangungulit ng babaeng nasa harapan niya at kung hindi lamang sa pag-aalala na kapatid ito ng babaeng sobrang minahal niya ay baka nakarinig na naman ito ng masasamang salita.

"Grezza, bata ka pa. You're just infatuated. For pete's sake that's not love!" Pilit nitong itinatago ang pagkainis o pagkairita pero nahirapan na rin siyang itago ito.

Bumuntong hininga si Grezza at saka humawak sa dibdib na tila naninikip sa muling pagkakabigo niya na sana'y maniwala ang lalakeng ito sa lubos na pagkagusto niya sa kanya.

"You know what, Gian? I really hope that I'm just infatuated." Tumigil ito at saka nag-angat ng tingin upang salubungin ang mga mata ng lalakeng nabigla sa unang sinabi.

"Kasi alam mo ang sakit pala. Ang sakit pala na ma-reject ng paulit-ulit. Gusto mong magalit pero wala." Unti-unti siyang nakaramdam ng pagbara sa lalamunan at pag-init ng sulok ng mga mata.

"G-grezza..." Pabulong na sambit ni Gian. Hindi niya akalain na magagawa ni Grezza na magseryoso ng ganito dahil kilala siya sa pagiging makulit at masayahin.

"Gusto kong magalit sayo, alam mo ba iyon? Pero nakakainis kasi kahit nasasaktan na ako kahit na minsan hindi ko man lang nagawang magalit sayo." Pagkasabi nito ay dali-dali itong tumalikod at tumakbo palayo sa lalakeng alam niyang hindi kailanman magiging kanya.

Isang taong mahalin man niya, hawak naman ang puso ng iba. Ang masakit, sa mismong kapatid pa niya.

A/N

Oh, ayan na ulit. Sa lahat ng nag-aabang sa story ni Gian, ito na po yun.

Comment/Vote/Share

Say You Love Me (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon