Ilang araw matapos ang not so wholesome stunt nila ni Gian sa office ay ilang araw na naman na hindi nagpakita si Grezza. Kahit naman kasi makulit at pilya siya ay pagdating sa mga ganoong bagay ay napakainosente. Hindi siya halos makatingin ng diretso kay Gian ng ihinatid siya nito sa bahay ng ate Elsa niya. Pansamantala kasi siyang nakikitira sa Ate niya lalo pa't ilang buwan pa lang naman siya sa TV Station bilang isang newscaster.
At iyon nga, tumanggap siya ng assignment na dedestino sa kanya sa Baguio. Ilang araw din siya roon pero kahit na pumunta siya doon para magpahupa ng emosyon ay maya't maya ay tinitignan niya ang kanyang cellphone, nagbabakasakaling nagtxt o tumawag man lang si Gian.
Kaya lang, sa limang araw niya sa Baguio ay hindi man lang, kahit wrong sent lang, ay hindi hindi siya nakatanggap mula sa binata.
Kailan ba kasi ako naalala ng taong iyon?
Tanong niya sa sarili at kahit na alam niya naman ang sagot sa tanong niya na alam-alam niyang masasaktan siya ay ayaw niya parin tumigil. Ano nga ba naman ang magagawa niya? Kung noon nga na kasintahan pa siya ng ate niya ay hindi niya napaigilan ang sarili na magkagusto sa kanya, ngayon pa kaya na single ito at super available?
Availabale nga ba?
Naputol ang magulong pagtatanong at pagsasagot sa sarili tanong ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Excitement and happiness quickly coated her heart kaya naman agad-agad niya itong sinagot.
"Hello, my loves! Sabi ko na nga ba hindi mo ako mastitiis noh? Pauwi na ako ng Metro ngayon, ano gusto mo pasalubong?"
Tuloy-tuloy na pambungad niya. Abot hanggang tenga ang kanyang ngiti at alam niyang kahit ang kausap nito sa cell phone ay makikita kung kalawak ang ngiti niya ngayon. Pero ganoon na lamang ang pagbawi niya sa ngiti ng marinig niya kung sino ang nasa kabilang linya.
"Ah... Grezza.. Si Kuya Nicky mo ito."
Inalis niya sa pagkakadikit sa tenga ang cell phone at saka tinignan ang caller ID ng tumatawag hanggang sa di niya napigilan ang mapamura at pagkutos sa sarili dahil sa pagiging padalos-dalos nito.
Nang mahimasmasan ay itinapat niya ulit ang cell phone sa tenga at nagbilang ng isa hanggang sampu, umaasang hindi siya gaanong napahiya sa bayaw niya.
"K-kuya... S-sorry, akala ko kasi—-"
"Boyfriend mo?" Narinig niya itong tumawa sa kabilang linya at lalo siyang nakaramdam ng hiya.
BINABASA MO ANG
Say You Love Me (Under Major Editing)
Ficción GeneralGian is known as the hero who protected and took care of Elsa while she was away from her husband, Nicky. He thought at first that he just really cares for Elsa but later on realized that he is madly and deeply inlove with this woman. However, thoug...