A/N: Sorry for the long wait. I was busy and at the same time healing my broken heart. Hahaha.. chos! Marami pong mangyayari sa story ni Papa Gian pero hanggang 20 chaps lang ito. And babalik na po ako sa original style ng pagsusulat ko. Meaning from the character's POV na tayo hindi na 3rd person.
Ayan na.
Enjoy po!
Grezza's POV
The surprise second proposal of Kuya Nicky to Ate Elsa was successful. Grabeng effort ang ginawa ni Kuya at lahat kaming nagmamahal sa kanila ay tumulong. Of course Kuya Nicky had a hard time getting the support of our parents but he has proven us that his love for Ate Elsa is from heaven to hell that he isn't afraid to die just to protect my sister.
Well, he might be a jerk before but all of us commit mistakes. Hindi naman siya santo. Masakit para sa amin ang nagawa niyang pagkakamali but he's worthy of our forgiveness.
Isa pa, my Ate Elsa loves him to destruction. Her eyes are glowing with joy because of Kuya Nicky's surprise. They love each other so much and Grey is happy too. Sino naman kami para pigilan pa ang pagbabalikan nila? They deserve a happy life being together.
'yun nga lang, hindi ba pwedeng maging masaya na lang ang lahat ng walang nasasaktan?
I sighed heavily as I look at him for a thousand times now. Gian is smiling with Kuya Jim, Ate Olivia, and Kuya Elios but I know him so well. Gian is hurting and I don't have the heart to tell him to stop loving Ate Elsa dahil ako mismo ay hindi ko maturuan ang sarili kong huwag na siyang mahalin.
I shook my head. My heart is constricting in pain. Nasasaktan ako para sa kanya pero higit doon ang sakit sa katotohanan na nasasaktan siya dahil iba ang mahal niya.
Hindi ko naman magawang sabihin kay ate na si Gian na lang ang piliin niya dahil bukod sa alam kong hindi magiging masaya si Ate ay alam kong mas lalo din akong masasaktan.
I closed my eyes tightly.
Bakit ba napaka-complicated ng buhay?
Nanatili akong nakapikit habang nakasandal ang aking katawan sa sandalan ng upuan. Bahagyang nakapadausdos ang katawan ko so I could easily fall my head backwards.
Pero gayun na lamang ang gulat ko ng bigla akong nakaramdam ng mahinang hampas sa ulo ko.
"Anong tinutulog-tulog mo riyan?! Sinabi ko kasi sayo na bakantehin mo ang ilang araw bago ito para hindi ka pagod pero hindi ka nakinig sa akin!" Singhal sa akin ni Nanay.
Napakamot na lang ako ng ulo at ngumuso. "Nanay, alam mong hindi ako pwede basta-basta magleave ng trabaho."
Umupo siya sa tabing upuan at binatukan pa ako ulit. "Iyan ang sinasabi ko sayo! Paano ka magkakaboyfriend niyan kung puro trabaho ang inaatupag mo? Aba! Beinte-siyete ka na! Hindi ka na bumabata. Akala ko nga ay bago ka matapos ng kolehiyo ay buntis ka na dahil sa kalandian mo."
My eyes widened in shock. "Sshhhh! Iyang bibig mo, Nanay! Nakakahiya!" Umikot ang aking paningin at napansin kong nasa amin na rin pala ang atensyon ng karamihan.
Sila Ate Elsa ay nakatingin sa amin at nagtatanong ang kanyang tingin sa akin. Sumenyas na lang ako na wala lang ang sinabi ni Nanay pero si Kuya Eros ay hindi napigilan na lapitan kami.
"Anong sabi mo, Nay? Buntis si Grezza?!" Mariin na tanong ni Kuya Elios at matalim ang tingin sa akin.
Umirap ako sa kanya at umiling-iling na lang at sunod-sunod na nilagok ang alak na nasa mesa.
BINABASA MO ANG
Say You Love Me (Under Major Editing)
General FictionGian is known as the hero who protected and took care of Elsa while she was away from her husband, Nicky. He thought at first that he just really cares for Elsa but later on realized that he is madly and deeply inlove with this woman. However, thoug...