Drunk Mind

2.5K 64 3
                                    

Grezza's POV

Mabilis lumipas ang mga araw o baka ako lang ang nag-iisip na ganoon. Paano ba naman kasi literal na nilunod ko ang sarili ko sa trabaho. I was out for almost a month making a documentary about the sea in Batanes.

Grabe ang natural beauty ng Batanes. Virgin na virgin pa kaya magandang pasyalan. Kumabaga masarap pang i-explore...

Tsk tsk... Bakit parang double meaning ata iyon?

I shook my head. Masyado na akong nahahawaan ng kalandian ng partner ko ngayon sa pagliliwaliw habang nagtratrabaho. Kunsabagy, halos isang buwan ba naman kaming magkasama at sa sobrang kakulitan niya ay hanggang sa kuwarto ay dikit ng dikit sa akin.

Pinapabayaan ko na lang kasi masaya naman kasi talaga siyang kasama. Kahit paano ay hindi ko naiisip ang mga salitang narinig ko ng gabing iyon.

I sighed. Heto na naman, naiisip ko na naman yung mga salita niya at kung paano siya umiyak sa harap ko dahil sa nasasaktan siya sa kadahilanang hindi siya mahal ni ate. I smiled bitterly, ang saklap lang eh. Parehas kami ng kapalran. Ang mahalin ang taong hindi kami kayang mahalin pabalik.

At ang nakakaloka ay kahit na pilitin kong wag na siyang mahalin ay hindi ko magwa kaya nakakalokang kaya kong tanggapin na hindi niya matuturuan ang puso niya na huwag ng mahalin si Ate at ako na lang ang mahalin niya.

Wala eh. Kahit na saan mo tignan talagang ganoon. Talo na ako noon pa man, ako lang talaga ang pasaway na nagpipilit dahil sa kalandian ko. At dahil nga sa malandi parin ako at dinagdagan pa ni Sandy, 'yung partner ko ngayon, ay heto ako sinusundan ang kotse ni Gian.

Kagagaling lang niya sa bar niya at biruin mo nagpakalunod na naman sa alak. Napapadalas na nga eh samantalang hindi naman talaga siya umiinom ng alak kahit na bar ang negosyo niya. He's probably very hurt again. Kanina kasi naganap ang renewal of vows nila ate and of course, as expected ay lahat kami ay umattend.

Kasama ko rin doon si Sandy, hindi ko siya inivite, siya nag-invite sa sarili niya dahil kawawa daw ako. Wala daw akong partner. Daming alam ng malanding iyon pero ako naman hindi na ako nakatanggi pa. Paano nalulunod ako sa kakaisip sa mararamdaman na naman ni Gian.

Pero nung andun na kami ay mas nabother lang ako sa talim ng mga titig niya sa akin na para akong papatayin. Minsan gusto kong isipin na baka nagseselos siya kay Sandy kasi nilalandi ako lagi ni Sandy kaya lang bakit naman siya magseselos?

Magseselos lang iyon kung mahal ako kaso hindi eh. Malinaw pa sa sikat ng araw na hindi niya ako mahal.

Naguguluhan ako sa kanya kaya nung mapansin kong paalis na siya ay agad-agad ko siyang sinundan. Mabuti na lang trained ako sa mabilisang pagkilos at pagbibihis kahit na nagdradrive kaya nagawa kong makapagbihis. Wel, hindi nman talaga pagbibihis dahil hinubad ko lang ang dress na suot ko. May white tube akong suot sa ilalim ng dress at black cotton shorts. I just grabbed my cardigan and put it on. I removed my stilettos and changed it into flat sandals.

At heto nga, pansin kong ilang bahay na lang ay bahay na ni Gian. Hindi nga ako nagkamali dahil ilang sandali lamang ay tumigil na ang kotse niya at nakita kong pasuray-suray siyang lumabas at naglakad papuntang pinto ng bahay niya. Hindi uso ang bakod dito.

Nang makita ko siya ay agad-agad akong lumabas ng sasakyan ko at nang ma-i-lock ko ito ay lakad-takbo akong lumapit sa kanya.

"G-gian!" I called him but he didn't look back. Hindi niya ata ako narinig dahil nagtuloy-tuloy lang siya sa pagpasok. Buti na lang ay hindi niya ni-lock ang pinto. Pumasok ako at halos lumuwa ang aking mata sa nadatnan ko sa receiving area niya.

Say You Love Me (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon