Game Of Love

2.7K 75 15
                                    

Grezza's POV

 

Naging tahimik ang biyahe namin pauwi ni Sandy. Walang nagsasalita sa amin.

I am still shocked. Hindi ko halos alam ang dahilan ng lahat. Parang ang bilis. Hindi ko akalain na malalaman niya. Kung paano ay hindi ko alam.

Alam kong darating ang panahon na malalaman niya pero hindi ganito kaaga. Planado na ang lahat eh. Titigil ako sa pagtratrabaho, pupunta ako ng California at doon ako magsisimula ng panibagong buhay. At kapag naayos na ni Sandy ang problema niya pamilya niya ay magpapakasal kami at siya ang kikilalaning ama ng anak ko.

Oo. Tama.

 

I am pregnant for three months now. And obviously, si Gian ang ama.

And I hate it. I hate it that no matter how he made me feel worthless, a beautiful gift was given to me.

Pero planado na lahat eh! Ilang linggo mula ngayon ay ihahatid na dapat ako ni Sandy. Pero ngayon na alam niya na, paano pa mangyayari iyon?

Alam kong gagawin ang lahat ni Gian para hindi ako makaalis at makapagtago. Iyon ang ikinakatakot ko. Ayoko na muli pa kaming magsama. Ilang oras nga lang na kasama siya ay nagkakasakitan na kami, paano pa kaya ang patuloy kaming magkaroon ng connection?

Ngayon pa lang ay natatakot na ako sa pwedeng mangyari. Alam kong kayang-kaya niya akong saktan ulit at kung hindi pa ako kikilos ay mauulit na naman ang pananakit niya sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang gusto ko na lang ngayon ay magkulong sa kuwarto ko at umiyak ng umiyak.

Alam kong sa oras na ito ay iiyak akong mag-isa. Sandy is troubled. Hindi niya ako kayang alagaan ngayon kaya hindi na ako magpapabigat pa sa kanya.

Nang makarating kami sa tapat ng unit ko ay nagbuntong-hininga ako at pinatatag ang kalooban. I have to be on my own now. He has his own life not until we get married.

I punched in my password and opened my door. Humarap muna ako ulit sa kanya at saka ko siya hinalikan sa pisngi.

"Good night. Magkita na lang tayo bukas ha? Magpahinga ka na." Tumalikod na ako sa kanya at akmang papasok ng maramdaman ko ang paghawak niya ng kamay ko. Biglang rumagasa ang sakit mula sa aking dibdib hanggang sa kasuluksulukan na katawan ko.

I swallowed my tears. Ayokong magpanggap pero masyado na akong pabigat sa kanya.

Muli akong umikot paharap sa kanya at nagulat ako ng makita ko ang sobrang lungkot niyang mukha. Nagsimula narin mamula ang kanyang mga mata at parang hirap na hirap siya sa kung anong bumabagabag sa kanya.

"Honey..." Sambit ko. Pumikit siya a ngumiti ng bahagya.


Dahan-dahan niyang inilapit ang aking palad sa kanyang mukha. Nadudurog ang puso habang pinagmamasdan ko siyang parang bata na kumukuha ng lakas sa haplos ng palad ko sa mukha niya. This is my first time to see him like this at alam kong hindi lang siya basta nag-iinarte.

Say You Love Me (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon