"Grezza, second set na. Get ready." Lumingon siya kay Albert na ngayon ay tinatawag na siya para sa pangalawa at huling set para ngayong gabi.
Alam niyang aangal ang mga tao at maaring magrequest pa sila ng isa pang set pero alam niya sa sarili niyang hindi niya na kaya pang kumanta at tumugtog. Galing pa siya sa Cebu at nagcover siya ng isnag importanteng pagtitipon ng presidente kaya naman ay pagod na pagod na siya.
Isa pa ay umiiwas siya sa lalakeng may-ari ng bar na ito. Ayaw niya munang makita at makausap ang lalake bagama't sobrang ang pagka-miss niya rito. Halos isang linggo din siyang nawala at ang huli pa nilang pag-uusap ay medyo nagkainitan pa sila.
Nagbuga siya ng hangin. Miss na miss niya na talaga ito pero magpapakipot muna siya. Alam niya napipikon na rin sa kanya ang binata.
Bumilang siya ng hanggang sampu hanggang sa unti-unti niyang pinalitan ang busangot na mukha sa isang masayahin na mukha. Ganito lagi ang ginagawa niya kapag pagod, depressed, stressed o kahit ano pa mang negative vibes ang nararamdaman niya.
Tumayo siya at lumapit kay Albert na tahimik na nakatingin sa isang dako.
"Problema mo?" Nakangiti siyang tumabi sa lalake pero hindi man lang tumingin sa kanya pabalik ang katabi. Nanatili itong nakatitig sa kung saan at napansin pa niyang nakakuyom ang kamay nito.
Kumunot ang noo niya. Usually ay isa ito sa pinakamakulit na bar. Bukod kasi sa pagiging barista ay siya rin minsan ang DJ. Sinundan niya ang direksyon ng tinititigan niya at unti-unting nawala ang pilit na ngiti niya.
"K-kailan pa?" Ngayon niya lalong naramdaman ang pagod. Pakiramdam niya ay kaunti na lang ay matutumba na siya sa panginginig ng tuhod niya. Nanginginig din ang kanyang mga labi kung sa galit o pagkadismaya ay hindi niya na alam pa.
"Two days after you left naging ganyan na sila."
Nag-igting lalo ang kanyang panga. Tinanggap niya ang assignment mula sa Editor-in-chief nila nsa Cebu para magpa-miss sa binata pero ito lang pala ang pinagkakaabalahan niya.
For freaking out loud he is french kissing with his own secretary, Inez!
Masokista na kung masokista pero tinitigan niya pa ang mga ito. Pilit na kinukumbinsi ang sarili na nanaginip lang siya, na hindi totoo ang nakikita niya, at sobrang pagod lang siya kaya kung anu-ano ang nakikita niya.
Pero hindi eh. Totoo lahat. Ramdam niya ang pagbaon ng kanyang mga kuko sa palad niya at hindi niya maikakaila ang pagsikip ng dibdib niya habang nakikita niya ang paggalaw ng bibig at ulo ni Gian at Inez.
BINABASA MO ANG
Say You Love Me (Under Major Editing)
Ficción GeneralGian is known as the hero who protected and took care of Elsa while she was away from her husband, Nicky. He thought at first that he just really cares for Elsa but later on realized that he is madly and deeply inlove with this woman. However, thoug...