Say You Love Me
Gian's POV
"Gian! Bakit ba ang bagal mo? Nagugutom na ako!" Napakamot ako sa aking ulo ng marinig ko na naman ang sigaw ni Grezza. Pagod ako at puyat dahil inumaga na ako ng dating mula sa pag-iikot ko sa mga bars na negosyo ko.
Alas-tres na ata ako nakauwi at umabot pa ako ng isang oras bago nakatulog. Dalawang beses sa isang linggo ay ganito ang ginagawa ko. Hindi na ako laging pumupunta sa bar tulad ng dati dahil tiyak na mag-aalburuto na naman sa galit ang asawa ko.
Damn! That feels so good.
Asawa ko.
She's now my wife, mine and mine alone.
When we got married, halos wala kaming ginawa. All of them prepared for our wedding. Maski sa invitation ay hindi kami ang gumawa. Gusto ko sanang kaming dalawa ni Grezza ang mag-aayos but knowing that Grezza's mood, ay hindi na ako nag-risk.
Naging mas iyakin siya at nagmamaktol kapag pinagpapawisan na. Minsan nga ay halos hindi na siya lumabas ng kuwarto. Nakakulong lang siya doon, naka-full ang AC tapos halos wala na siyang saplot sa katawan.
Gusto ko naman iyon. Sino ang asawa ang aayaw makita ang asawa nila na halos walang suot at nakahiga sa kama o di kaya ay palakad-lakad sa harap mo?
But of course, it's not good for her health. But the problem is, kapag pagsasabihan ko na siya ay minamasama niya na. Minsan sasabihan niya na ako na baka natuturn off ako sa katawan niya na ayon sa kanya ay lumulobo na.
Minsan sa totoo lang, napapailing na lang ako. God knows how much I am turned on every time I see her baby bump.
Iba ang dating sa akin na makitang lumalaki ang tiyan niya ng dahil sa anak namin. Our child is the fruit of our love for each other and I will always be happy to see her like that.
"Ano? Hindi ka pa babangon diyan?! Gian! Gutom na ako!" Napabangon ako agad at napatayo ng bigla ng nagbukas ang pinto na nasundan ng pagsigaw niya. Lagot na ako. Galit na siya.
"S-sorry na, sweetheart. Inaantok pa kasi ako." Sabi ko. Lumapit ako sa kanya para yakapin. Her hands are on her waist.
"Wala akong pakialam! You know that breakfast is very important! And you know that I can't eat without you..." Pagalit na sagot niya ngunit halos na pabulong na nung bandang huli.
But I was just lucky enough to hear everything that she said.
Napangiti na ako. Kahit na anong pagod ko at minsan halos mapikon na ako sa pagiging moody niya, every time na maglalambing siya ay parang nawawala na ang lahat. Kung noon ay dumating sa punto na idinidistansya niya ang sarili niya, ngayon hindi na.
BINABASA MO ANG
Say You Love Me (Under Major Editing)
General FictionGian is known as the hero who protected and took care of Elsa while she was away from her husband, Nicky. He thought at first that he just really cares for Elsa but later on realized that he is madly and deeply inlove with this woman. However, thoug...