Grezza's POV
Pagpasok namin ng Dining Area ay sakto naman na patapos na ang pag-aayos ng mesa. Ate Elsa was very delighted to see me. Agad niya akong niyakap at pinaghahalikan.
Blooming na blooming ang loka. She even giggles almost all the time because Kuya Nicky always kisses her basta may pagkakataon. Sila na. Sila na ang happily married.
And seeing her genuinely happy makes me happy, too.
Ate Yen also came. Kasama niya iyong anak niya pero wala ang asawa. Sa totoo lang ay hindi ko pa namimeet ang asawa niya basta ang alam ko lang ay kasal na sila. Ilang beses ko na siyang kinukulit na ipakilala naman ang kanyang asawa pero sabi niya busy o kaya naman ay nasa abroad.
Nagtataka nga ako eh. Kung ganoon ka-busy ang asawa niya, may sex life pa kaya siya?
Kuya Jim, on the other hand, sent a message to Ate Elsa that he'll be late. Ewan ko sa taong iyon. Tumatanda na pero wala pang asawa. Guwapo naman. First crush ko nga iyon kaso talagang sister zone lang ako. Saklap. Pero keribels lang. No hard feelings dahil hindi naman ako nainlove sa kanya.
Ate Olivia is present, too. Kasama niya ang kanyang baby boy and unfortunately, late din darating ang kanyang magaling na asawa. Pasaway talaga ang lalakeng iyon. Alam niya naman ang kalagayan ni Ate Olive pero inuna pa ang pesteng building na pinapatayo niya. Tsk tsk tsk.
Sila Ate Zeph ay dumating din. Kasama niya ang asawa niya na sobrang hot. Alam mo iyong tipong mukhang inosente ang mukha pero pag umangat ang labi niya eh mapapahawak ka na lang sa panty mo kasi baka nalaglag na?
She surely is lucky to have him.
"Grezza! Close your mouth, you might catch flies!" Ate Elsa said that made almost everyone laughed. Almost dahil hindi tumawa si Gian. Nakatitig siya sa kalandian niya eh.
I mentally cursed. Bakit ko ba kasi pinagtutuunan pa ang bwisit na ito?
Tumingin ako kay ate Zeph at ngumuso. "Eh, ang guwapo naman kasi ni Kuya Jayson. Iyong totoo ate? Anong gayuma ang ginamit mo para mabingwit iyan? Pustahan tayo, maraming beses na kayo nagpalit ng kama, noh?" Sagot ko na nagpatawa na naman sa kanila. Kumunot ang nook o. Anong nakakatawa sa sinabi ko?
Sa guwapo ba naman ni Kuya Jayson imposibleng makakatulog si Ate Zeph na hindi siya ginagapang!
Napailing na lang si Kuya Jayson at Ate Zeph sa sinabi ko. "Bakit, G? Hindi ka ba kuntento sa boyfriend mo? Ang guwapo rin kaya ni Sandy!" Sabi ni Ate Zeph.
Napatingin naman ako kay Sandy na ngayon ay pinipigilan ang tawa pero hindi rin siya nagtagumpay dahil napahalakhak din lang siya. Lalo akong napanguso at di ko napigilan ang batukan siya.
"Ouch naman, honey! Hindi ko kasalanan na guwapo ako. Don't be mad when someone appreciates my handsomeness, y'know." Aniya sa nagmamayabang na tono. Kumindat pa ito sa akin na lalong nagpaasar sa akin.
"Bakit, Sands? Selosa ba si Grezza? Kuhh... Pasaway iyan, tignan mo kanina eh titig na titig kay Jayson tapos pag ibang nakapansin sayo nagagalit. Ewan ko sayong bata ka." Sabi ni Ate Elsa. Sumimangot ako sa narinig ko. The hell! Hindi na ako bata!
"Hindi na ako bata, ate. Kaya ko ng gumawa ng bata. Tanungin mo pa si G--S-sandy." Sagot ko sabay lunok. Gustoi kong batukan ang sarili ko. Shit! Muntik na akong madulas noon.
"Kung ganoon, huwag ka kasing titingin sa iba. Enjoy the magic of sex!" Dagdag pa ni Ate Yen habang nakangisi pagktapos ay nag-payabangan na lang ang lahat sa mga sex life nila. Peste. Buti na lang wala dito ang mga bata kundi polluted na ang mga utak nila.
BINABASA MO ANG
Say You Love Me (Under Major Editing)
General FictionGian is known as the hero who protected and took care of Elsa while she was away from her husband, Nicky. He thought at first that he just really cares for Elsa but later on realized that he is madly and deeply inlove with this woman. However, thoug...