Uncontainable and Greatest Love

3K 74 11
                                    

Grezza's POV

Fear suddenly crept into my heart when I woke up in a white room. I could smell the mixture of alcohol and other chemicals and I know that I am in a hospital. I opened my eyes and immediately touched my tummy.

I felt more scared when I touched it. A lot of questions started to fill my mind enough to make me vexed.

Paano kung nakunan ako?

Paano kung wala na ang anak ko?

I started to panic and bawl with tears. Umupo ako kahit hirap hanggang sa agad akong dinaluhan ni Nanay, Ate Elsa at ate Olivia. Within a second, my mother already enclosed me in her arms and I felt like a lost child.

Doon ko naramdaman lahat ng pagod at sakit na naramdaman ko sa ilang buwan kong pagbubuntis. Those mood swings, tears I shed kasi akala ko dadalawa na lang kami ng anak ko, nights full of tears because I was praying to God to give me Gian and stand for us, and those teary days when I was hopeless and felt unloved because I can never give my child a happy family.

They are all coming back to me now and my mother's arms just made me more defenseless to pain. Tulad ng bata ako. Pag nasa harap ako ng ibang tao, iiyak man ako pero hindi ko ibubuhos lahat. Pero kapag nakauwi na ako, kahit pa lagi akong pinapalo ni Nanay ay agad niyang mapapansin na may problema ako.

Yayakapin niya ako at dun ako aatungal hanggang sa maibuhos ko lahat ng sakit na nararamdaman ko. And now, it's happening again.

Akala ko matanda na ako para lumapit pa sa kanya. Akala ko magagawa kong solusyonan ang lahat ng hindi siya nilalapitan pero mali ako.

Heto ako ngayon, yakap-yakap niya at parang ayaw ko munang bumitaw sa kanya.

"T-tama na, anak... Makakasama iyan sayo." Nanay hushed me. Ate Elsa was on my side caressing my back and she is crying, too. Ate Olivia on the other hand quickly called the attention of my OB pero nagsimula na rin siyang i-check ako.

Humihikbi man at takot sa maaring resulta ng nangyari sa akin, hindi ko rin naman na kaya pang patagalin ang pagdurusa. I swallowed the lump in my throat and breathed deeply.

"N-nay, k-kamusta ang a-anak ko?" Tanong ko. Natigilan silang lahat at maang na napatingin sa akin.

Lalong bumilis ang pintig ng puso ko ngunit nagsalita si Ate Elsa. "Take a rest more, ading. Kailangan ka ng baby mo."

Tumango si Ate Olivia ganoon din si Nanay. Lahat sila ay nakangiti sa akin.

Paara akong nabunutan ng malaking tinik. I touched my tummy and uttered prayers to God. Sobrang pasasalamat ko na hindi Niya kami pinabayaan ng anak ko.

Patuloy parin ang paghikbi ko pero ngayon ay dahil na sa kasiyahan. Hindi ko akalain na matapos ang masamang pagkakabagsak ko ay okay parin kami ng anak ko. He's still alive and I still have a chance to see him and watch him grow.

God, thank you for protecting my baby, our baby.

Minuted later ay dumating ang OB ko. She checked me up and told me to be more careful next time. May mga ibinilin din siyang mga gamot na kailangan kong inumin para pampakapit. Medyo maselan na raw kasi ang sitwasyon ko ngayon.

My happiness was overflowing especially when my father came. Naunawaan niya agad ang paglilihim ko pero syempre hindi parin ako nakaligtas sa kurot nila Nanay.

Ate Elsa's friends came to visit, too. Lahat sila ay shocked. Nabalitaan din lang naman nila ito sa TV at internet at hindi sila makapaniwalang si Gian ang ama ng pinagbubuntis ko.

Binisita rin ako ng mga pamangkin ko at halos mapagod ako sa kadaldalan ni Trisha. Kung hindi pa siya sinaway ni Olivia ay hindi niya na ako tinigilan. She's just so cute.

Say You Love Me (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon