Grezza's POV
I ate in silence and tried my best to swallow the food even if I felt a big lump in my throat. Kahit kailan talaga mahirap ang kumain ng naiiyak o umiiyak.
When I was a child, my mother would always scold me when I went home late. Papaluin niya ako at natural na iiyak ako. Tapos mahinahon niya rin akong aayain na kumain na ng hapunan na hindi ko rin naman maenjoy kasi umiiyak pa nga ako.
Pasaway at sutil kasi ako, eh. 4:30 pm kasi ay awasan na sa school pero dahil likas na sociable ako ay umaabot ako hanggang 6pm na nakikipagkwentuhan at nakikipaglaro sa mga kaibigan ko. I love people, I love making funny faces and making them laugh. Parang ipinanganak akong nagpapasaya ng tao at ibinibigay ang lahat mapasaya lang ang lahat ng tao sa paligid ko.
Kaya nga kumuha ako ng mass com. I want to get involved to people at gusto kong makita ang ibang aspeto ng buhay.
But it was just ironic that I want other people happy but I can't even make my heart happy.
Napailing na naman ako. Hindi ko na kayang ubusin pa ang kinakain ko kaya tinakpan ko na lamang ito ulit. I drank my water and went out of the car. Naglakad pabalik na ako sa clinic, sakto namang 5 minutes na lang ay 2pm na. Pinaupo ako ng secretary sa waiting area at sinabihang maghintay lang daw ako saglit. May pasyente pa daw kasi at hindi pa tapos maglunch si Doctora.
Okay lang naman sa akin. Ayoko naman na i-check niya ako pero maging siya pala ay nahihilo na sa gutom.
I decided to read first. May mga books about pregnancy sa table kaya kumuha ako ng isa. Naisip ko kasi na kailangan ko talagang alagaan ang pagbubuntis ko, lalo ngayon na wala na namang mag-aalaga sa akin.
Naramdaman ko ang muling pagguhit ng sakit sa aking puso. I remembered how happy he is when he was talking to Ate Elsa. Never siyang naging ganoon kasaya pag ako ang kasama niya. He was always uptight with me per okay Ate Elsa napaka-care free niya.
Oo, nagseselos ako. Pero muli, anong laban ko?
I sighed and closed my eyes. Ayoko ng mag-isip. He's just after the baby, ngayon sigurado na iyan.
"Grezza..." Nagbukas ako ng mata at nabigla. Nakatayo si Gian sa harap ko at hingal na hingal.
"What are you doing here? N-naihatid mo na si Ate?" Again, that familiar pain strike to my heart. Kailan ba kasi ako tuluyang magiging manhid?
He looked at me. Nakakunot ang kanyang noo. I don't know why he looks like he's questioning my reaction? Does he expect me to get angry?
I shook my head. I can't be angry. He should at least be happy that I am not angry dahil complications lang ang dala noon sa amin. O baka naman gusto niya talaga akong pasakitan? Well, para saan? Isn't it enough that I don't demand anything from him? Sa kalagayan ko ngayon ay tiyak na ang pagkasira ng career ko.
"Where have you been?" He asked. Kumunot ang noo ko. "What are you saying?"
"Bakit lumabas ka ng restaurant? Where did you eat?" Tumabi ito sa akin sa kabilang upuan. Ramdam ko ang pagtitig niya sa akin kaya naman ay tumingin ako sa palayong direksyon mula sa kanya.
"I ate in my car---"
"Bakit kailangan mong lumabas?" He cut me off.
Bakit nga ba? Should I say that I can't eat in a place with the two of them? I can't eat when I can clearly see the love of my life having a good time with the woman he loves? Of course I can't say it!
Bakit ako mag-iinarte? Bakit ko kailangan sabihin sa kaniya iyon?
I sighed. "I left my phone in the car and I was expecting a call awhile back." I said trying to eliminate the bitterness in my voice. Pero ang hirap talaga. Sobrang hirap.
BINABASA MO ANG
Say You Love Me (Under Major Editing)
General FictionGian is known as the hero who protected and took care of Elsa while she was away from her husband, Nicky. He thought at first that he just really cares for Elsa but later on realized that he is madly and deeply inlove with this woman. However, thoug...