Finding Out

2.7K 77 6
                                    

Grezza's POV

 

"Honey, kain ka na muna. After this uwi na tayo." Ani Sandy matapos niyang himayin ang roasted chicken at lagyan ng gravy.


Tumitig ako sa mukha niya, I'm looking for traces of bruises. Isang linggo na ang nakalipas mula nung bugbugan session sa bahay nila Ate. Tanda ko pa nga na galit na galit sa amin si Direk Lenieh dahil dapat daw namin alagaan ang mukha namin pero iyon nga blackeye at putok na labi ang peg ni nSandy. Buti na nga lang magaling ang make-up artist namin kaya nagawan ng paraan.


Hindi ko nga alam kung paano kami nakauwi pagkatapos ng mga nangyari. Ang alam ko ay hirap na hirap ang lahat na patigilin ang dalawa sa pagbubugbugan. Sandy was angry. Gian, of course was angry.


And that's not a surprise anymore. I just said bad things about Ate Elsa kaya ganoon ang naging reaction niya. Seeing how angry he is and how willing he is to kill just to protect Ate Elsa, hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi.


Somehow natutuwa ako at gusto kong hablutin ang mukha ni Inez para ipakdukdukan na hindi siya mahal ni Gian. That Gian is still crazy for Ate Elsa. Tignan mo naman ang ginawa niya. Sinong magsasabing hindi niya na mahal si Ate Elsa? Sobrang kabobohan na lang ang taglay ni Inez kung maniniwala pa siyang mahal siya ni Gian.


But then, if I do that, baka ibalik lang din sa akin ni Inez iyon. She knows how much I loved that bastard. Nakita niya kung paano ako nagpakabaliw kay Gian noon kaya alam kong ibabalik niya lang iyon. Nakakainis kasi anuman ang maramdaman ko, talo parin ako.


Wala parin ako panama kay Ate at lalo akong nagagalit kasi nasaktan ko pa si Ate.


Ilang araw na naman ako umiyak noon. Ilang araw akong halos di makakain dahil sa sakit at kasama na roon ang pagka-guilty. Kapatid ko si Ate at hindi niya kasalanang baliw sa kanya ang lalakeng iyon pero naging taklesa ako at pati siya idinamay ko sa pagiging miserable ko.


I sighed and started eating. Hanggang ngayon down pa rin ang mood ko. Malaki ang pasasalamat ko kay Sandy na hindi niya ako nagawang pabayaan. Napakarami ko ng utang sa kanya pero ni minsan hindi siya nagreklamo.


"Zah, bilisan mo kumain." Biglang sabi ni Sandy. Kumunot ang noo ko.


"Bakit? Kakasimula pa lang natin, ah." Sagot ngunit lalo akong nagtaka ng mapansin kong para siyang hindi mapakali. Mabilis niyang tinapos ang kinakain niya at saka ako tinulungan sa pagkain ko.


"Sands! Pagkain ko ito!" Agad kong inangat ang plato ko at inilayo sa kanya.


"Eh nagugutom pa ako, eh. Bilis na bigyan mo ako." Sagot niya at patuloy na kumuha ng pagkain sa plato ko.


"Mag-order ka pa kasi ulit kasi ulit kung nagugutom ka—-"

 

"Sander James Salviejo, finally nagtagpo rin tayo." Kumunot ang noo ko at umangat ang aking kilay ng makita ko ang babaeng nagsalita sa mismong harap ng table namin.

Say You Love Me (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon